NEWS AND UPDATE

Zumbarangay | December 5, 2024

Zumbarangay | December 5, 2024

Isang masiglang umaga na sinimulan ang ZUMBARANGAY na bahagi ng pagdiriwang sa kaarawan ni Senator Imee Marcos, sa Quezon Convention Center, Lucena City, ngayong araw ng Huwebes, Disyembre 5.

Si Senator Imee Marcos ay kabalikatan ni Governor Doktora Helen Tan sa pagpapaunlad ng Lalawigan ng Quezon, kasama na rito ang scholarship fund para sa mga mag-aaral, sponsor fund ng Southern Luzon State University (SLSU) College of Medicine, pagpapatayo ng mga ospital sa iba’t ibang bahagi ng probinsya at iba pang tulong pinansyal tungo sa pag-angat ng Lalawigan ng Quezon.

Sabay-sabay sumayaw, umindak at nakisaya ang 4,000 mamamayan ng Lucena City, kasama si Governor Tan at Senator Marcos.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Governor Tan sa patuloy na pakikipagbalikatan ng senador para sa pag-unlad ng Lalawigan ng Quezon at buong Pilipinas.

#HAPPYBIRTHDAY

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Lingkod Parangal sa Paghahayupan 2024 | December 5, 2024

Lingkod Parangal sa Paghahayupan 2024 | December 5, 2024

Ginanap ang Lingkod Parangal sa Paghahayupan sa pangunguna ng Office of the Provincial Veterinarian (PROVET) na pinamumunuan ni Dr. Flomella Caguigla sa Queen Margarette Hotel, Lucena City, nitong araw ng Miyerkules, Disyembre 4.

Binigyang parangal ang mga Local Goverment Units (LGUs) na buong husay na ipinakita ang tamang proseso at tamang pagsunod ng implementasyon sa paghahayupan.

Dahil dito, muling nakamit ng bayan ng Guinayangan ang pinakamataas na karangalan bilang Lingkod Parangal sa Paghahayupan 2024, ang bayan naman ng Tagkawayan ang nakakuha ng ikalawang karangalan at ikatlong karangalan sa San Antonio.

Samantala, patuloy pa rin ang pakikipagbalikatan ng PROVET sa iba’t ibang programa upang mas mapayabong at mapaunlad ang paghahayupan sa Lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Launching of SLSU College of Medicine | December 4, 2024

Launching of SLSU College of Medicine | December 4, 2024

Opisyal nang inilunsad ang Southern Luzon State University (SLSU) College of Medicine nitong araw ng Miyerkules, Disyembre 4 sa Queen Margarette Hotel, Domoit Lucena City.

Matatandaan na noong taong 2016 ay isinulong ni Governor Doktora Helen Tan ang “Republic Act 11971: An Act Establishing a College Of Medicine in Southern Luzon State University-Main Campus Located in the Municipality of Lucban, Province of Quezon, To Be Known As The Southern Luzon State University- College Of Medicine, And Appropriating Funds Therefor” at taong 2023 buwan ng Disyembre ay pormal itong inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa pamamagitan ng batas na nabanggit, makapaghahandog ng libreng edukasyon para sa mga mag-aaral na may nais kumuha ng kursong medisina upang mas maitaas ang antas ng kalusugan sa Lalawigan ng Quezon.

Nitong Oktubre 2024, sinimulan na ng SLSU ang enrollment sa kolehiyo ng medisina, at sa kasalukuyan ay may 12 mag-aaral na ang tatahak ng kurso na inaasahang maging mahusay na doktor na tutugon sa pangangailangang pangkalusugan.

Samantala, taos-pusong nagpapasalamat si Governor Tan sa mga doktor, propesor, at mga ahensyang nagbalikatan upang maging matagumpay na maipasa ang batas na R.A. 11971. Hindi titigil ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagtugon sa edukasyon, kalusagan, imprastruktura at iba pa para sa ikauunlad ng mamamayang Quezonian.

#SLSUCollegeofMedicine

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon

Livestream: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/1670006860216872


Quezon PIO

SWM Tidbits || Flooding and Waste Management in the Philippines: Stop Blaming the Poor | December 4, 2024

SWM Tidbits || Flooding and Waste Management in the Philippines: Stop Blaming the Poor | December 4, 2024

SWM Tidbits || Flooding and Waste Management in the Philippines: Stop Blaming the Poor

The Philippines is highly vulnerable to typhoons, and Typhoon Gaemi (Carina) in July led to a state of calamity in Metro Manila and Luzon. President Marcos blamed garbage for blocking pump stations, a common criticism directed at the urban poor for poor waste management practices.

However, this stereotype overlooks the urban poor’s recycling efforts. In areas like Tondo, they reuse materials, sort recyclables, and live in a “sachet economy,” relying on small, single-use packages due to financial constraints. The fast food industry also contributes to waste, with plastic utensils piling up, despite efforts to reduce plastic use.

Additionally, inadequate waste management infrastructure further exacerbates the problem. Large-scale government projects often fail to consider local ecological needs, worsening flooding. The urban poor are often blamed, but they are more resourceful in managing waste than portrayed, yet they are still the hardest hit during typhoons and floods. Addressing poverty, waste management, and environmental issues is crucial for long-term solutions.

Read full study here:

https://fulcrum.sg/flooding-and-waste-management-in-the…

References:

https://fulcrum.sg/flooding-and-waste-management-in-the…

Photo Credits:

Daniel Ceng / ANADOLU / Anadolu via AFP

#solidwastemanagement

#sustainablequezon

#pgenroquezoninaction

#STANQuezonBetterTogether

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Building Confidence: Creating Effective Presentations and Public Speaking Techniques for BNEO | December 4, 2024

Building Confidence: Creating Effective Presentations and Public Speaking Techniques for BNEO | December 4, 2024

TINGNAN: Ginanap ngayong araw, Disyembre 4 ang isang seminar workshop o “Building Confidence: Creating Effective Presentations and Public Speaking Techniques for BNEO” na layong makatulong para sa mga kawani ng Department of the Interior and Local Government (DILG) QUEZON na pinangungunahan ni Provincial Director Abigail Andres.

Kabilang sa naging tagapagsalita si Provincial Information Officer (PIO) Mr. Jun Lubid, kung saan kanyang ibinahagi ang mga kaalaman ukol sa pagiging mahusay at epektibong taga-pahayag upang masigurong naihahatid ng maayos ang serbisyo at programang mapakikinabangan ng mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan Tulong Pangkabuhayan Trabaho at Negosyo Program ng STAN on Skills Livelihood Kits Distribution | December 4, 2024

Lingap sa Mamamayan Tulong Pangkabuhayan Trabaho at Negosyo Program ng STAN on Skills Livelihood Kits Distribution | December 4, 2024

Matagumpay na ginanap ang Lingap sa Mamamayan Tulong Pangkabuhayan Trabaho at Negosyo Program ng STAN on Skills Livelihood Kits Distribution sa Quezon Convention Center, Lucena City, ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 4.

Layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na itaas ang antas nang pamumuhay ng Lalawigan ng Quezon, kaya naman ang nasabing programa ay isa sa mga hakbang para magkaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan ang mga mamamayang Quezonian.

Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang sina Provincial Public Employment Service Office Manager Genecille P. Aguire at PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, naipamahagi ang mga kagamitan ng mga Meat Processing, Fish Processing, Herbal Beauty Soap, HouseHold Services/ Dishwashing Soap making, perfume making, at cake making.

Ito’y natanggap ng 620 na benipesyaryong nagmula sa mga bayan ng Agdangan, Candelaria, Dolores, Lucban, Mauban, Padre Burgos, Pagbilao, Pitogo, Sampaloc, San Antonio, Sariaya, Tiaong, Unisan, Lucena City at Tayabas City

Samantala, tuloy-tuloy ang mga programa ni Governor Tan para sa ikauunlad ng kabuhayan at kakayahan ng mga Quezonian.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO