NEWS AND UPDATE

24-Hour Public Weather Forecast | January 22, 2025

24-Hour Public Weather Forecast | January 22, 2025

๐Ÿฎ๐Ÿฐ-๐—›๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—ช๐—˜๐—”๐—ง๐—›๐—˜๐—ฅ ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—–๐—”๐—ฆ๐—ง

๐—œ๐˜€๐˜€๐˜‚๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฎ๐˜: ๐Ÿฐ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ A๐— , ๐Ÿฎ๐Ÿ ๐—๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

๐—ฆ๐—ฌ๐—ก๐—ข๐—ฃ๐—ฆ๐—œ๐—ฆ

Shear Line ang nakaapekto sa silangang bahagi ng Katimugang Luzon at Visayas. Amihan (Northeast Monsoon) ang nakaapekto sa nalalabing bahagi ng Luzon.

๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ฉ๐—œ๐—ก๐—–๐—˜

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan na dulot ng Amihan (Northeast Monsoon)

๐—œ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฐ๐˜๐˜€/ ๐—›๐—ฎ๐˜‡๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€: walang direktang epekto sa lalawigan ng ๐—ค๐—จ๐—˜๐—ญ๐—ข๐—ก


DOST-PAGASA

Pagbati para sa mahusay at maaasahang pagbibigay serbisyo ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (PESO) | January 20, 2025

Pagbati para sa mahusay at maaasahang pagbibigay serbisyo ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (PESO) | January 20, 2025

Pagbati para sa mahusay at maaasahang pagbibigay serbisyo ng Quezon Provincial Public Employment Service Office (PESO) nitong nagdaang taong 2024!

Narito ang mga natanggap na pagkilala na matagumpay na naisakatuparan ng PESO sa pamumuno ni Genecille Aguirre:

-PESO Employment Information (PEIS) Champion (Applicant Registration & Vacancy Solicitation)

-High Performing PESO in Referral & Placement of Qualified Jobseekers,

-Active User of PESO Employment Information (PEIS)

-Most DOLE Programs Reported

-High Performing PESO in the Provision of Labor Market Information

-Complete Submission of PESO Monthly Employment Reports.

Ang parangal na ito ay upang kilalanin ang pagsisikap at hindi matatawarang dedikasyon ng PESO sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng DOLE, na nagdudulot ng positibong epekto sa komunidad at nagtataguyod ng pag-unlad sa ibaโ€™t ibang antas gaya ng pagtulong sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho at sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng maayos na employment facilitation services.

Asahan naman ang patuloy na paghahatid ng nararapat na serbisyo at oportunidad para sa mga mamamayan ng Quezon sa pamamagitan ng patuloy ma pakikipagbalikatan sa ibaโ€™t-ibang ahensya at tanggapan.


Quezon PIO

Office of the Provincial Veterinarian ng Veterinary Medical Mission w/ Spay and Neuter | January 20, 2025

Office of the Provincial Veterinarian ng Veterinary Medical Mission w/ Spay and Neuter | January 20, 2025

Nagsagawa ang Office of the Provincial Veterinarian ng Veterinary Medical Mission w/ Spay and Neuter sa Pitogo, Quezon nitong

January 17, 2025. Nagbigay ang tanggapan ng libreng pagtuturok ng antirabies, pagpupurga, check-up, at pagkakapon para sa mga alagang aso at pusa ng mga kakalawigan natin mula sa nasabing bayan.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Dr. Philip Augustus Maristela at Dr. Camille Calaycay kasama ang mga technical personnel ng OPV Animal Health and Welfare Division, sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Agriculturist ng Pitogo na pinamumunuan ni MA German Candido.


Quezon PIO

131st Sangguniang Panlalawigan Regular Session | January 20, 2025

131st Sangguniang Panlalawigan Regular Session | January 20, 2025

Para sa patuloy na pagbalangkas ng mga alituntuning nakaayon sa mas maunlad na lalawigan, muling nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan upang pormal na isagawa ang ika-131 Pangkaraniwang Pulong ngayong araw ng Lunes, Enero 20 via Zoom Conference.

Layunin ng pagpupulong na makapagpasa ng mga resolusyon at kautusan, gayundin ay linawin ang mga ordinansa na nais ipatupad ng mga bayan sa lalawigan ng Quezon. Kabilang sa mga naaprubahan ay ang panukala mula sa tanggapan ng Punong Lalawigan hinggil sa resolusyon na nagpapahintulot sa Pamahalaang Panlalawigan na pumasok sa kasunduan o Terms and Partnership sa Department of Health (DOH)- Center for Health and Development No. IV-A, para sa implementasyon ng Annual Operational Plan for CY 2025 sa ilalim ng Local Investment Plan for Health 2023-2025.

Samantala, ang nasabing sesyon ay pinangunahan ni Acting Vice Governor and Presiding Officer Vinnette Alcala-Naca kasama ang mga Board Members na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan.

Asahang patuloy ang pagbasa at pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan sa mga batas na makapagsusulong ng mas mataas na kalidad ng pamumuhay sa Quezon at makatutulong sa mga mamamayang Quezonian.


Quezon PIO

Overall Official Result ng Medal Tally para sa PALARONG QUEZON 2025 na ginanap mula Enero 13-18 | January 18, 2025

Overall Official Result ng Medal Tally para sa PALARONG QUEZON 2025 na ginanap mula Enero 13-18 | January 18, 2025

CONGRATULATIONS!๐Ÿ†๐ŸŽ‰

Narito ang Overall Official Result ng Medal Tally para sa PALARONG QUEZON 2025 na ginanap mula Enero 13-18.

Ipinagmamalaki natin ang lahat ng mga atleta at kalahok na nagpakita ng kanilang kahusayan at dedikasyon sa bawat laban.

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito upang patuloy pang pagyamanin at suportahan ang ating sports program at mapalakas ang samahan ng bawat isa sa ating lalawigan.

Mabuhay ang mga Atletang Quezonian!

Source: DepEd Quezon Game Records and Results Committee

#AtletangQuezonian #PalarongQuezon2025 #SerbisyongTunayAtNatural


Quezon PIO

Partial and Unofficial Result ng Medal Tally ng Palarong Quezon 2025 para sa Elementary at Secondaryo | January 17, 2025

Partial and Unofficial Result ng Medal Tally ng Palarong Quezon 2025 para sa Elementary at Secondaryo | January 17, 2025

Mga Kalalawigan!

Narito ang Partial and Unofficial Result ng Medal Tally ng Palarong Quezon 2025 para sa Elementary at Secondaryo ngayong January 17, 1:45 pm.

Facebook Post Link: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid02Vjbzsxo8VAx92VcBchc4WdC4qJCDppbs2R5Q93Y6uaEtmymLBk3JfimudmQH3Eagl?rdid=Ck0IxZm7vSoq6tut#

Source: DepEd Game Records and Results Committee

#SerbisyongTunayAtNatural #AtletangQuezonian #PalarongQuezon2025


Quezon PIO

Mga kaganapan sa PALARONG QUEZON 2025 | January 17, 2025

Mga kaganapan sa PALARONG QUEZON 2025 | January 17, 2025

TINGNAN: Mga kaganapan sa PALARONG QUEZON 2025 na ginanap sa bayan ng Lucban, San Antonio, Pagbilao, Lucena City at Tayabas City kung saan hindi nagpatinag sa sama ng panahon ang nag-aalab na puso ng mga manlalaro na sabik na ipanalo ang kani-kanilang bayan upang maiuwi ang tagumpay sa larangan ng isports na kanilang kinabibilangan.

Abangan naman ang mga susunod na anunsyo para sa mga mananalong manlalaro o kuponan sa bawat isports.

#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #PALARONGQUEZON2025 #AtletangQuezonian


Quezon PIO

Recognition of Active Surveillance for ASF ( RAS- ASF) | January 17, 2025

Recognition of Active Surveillance for ASF ( RAS- ASF) | January 17, 2025

Recognition of Active Surveillance for ASF ( RAS- ASF)

Padre Burgos, Quezon

Ang mga personel ng Office of the Provincial Veterinarian ay naimbitahan ng Office of the Municipal Agriculturist sa bayan ng Padre Burgos, Quezon upang magbigay ng assistance sa pagsasagawa ng blood collection para sa kanilang aplikasyon para sa kanilang RAS-ASF.

Total # of blood samples from : 50

Total # of farmers: 50

โ€ข : 29

โ€ข : 21

Barangays Covered: 11

โ€ข Cabuyao Sur

โ€ข Cabuyao Norte

โ€ข Kinagunan Ilaya

โ€ข Kinagunan Ibaba,

โ€ข Marao

โ€ข Rizal

โ€ข Sipa

โ€ข San Vicente

โ€ข Hinguiwin

โ€ข Marquez

โ€ข Danlagan


Quezon PIO

Cattle Raising Credit and Financing Program for Out of School Youth | January 17, 2025

Cattle Raising Credit and Financing Program for Out of School Youth | January 17, 2025

Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng panimulang puhunan at pananim na forages, isang uri ng halaman na pakain sa mga alagang hayop, para sa anim (6) na kabataan mula sa Lungsod ng Lucena at bayan ng Padre Burgos. Ito ay sa ilalim ng โ€˜Cattle Raising Credit and Financing Program for Out of School Youthโ€™ na kung saan binibigyan ng oportunidad ang mga kabataan na makahiram ng panimulang pangnenegosyo sa pagbabakahan sa mababang interest.

Katuwang ang Agriculture Credit Policy Council (ACPC), Department of Agriculture RFO-4A, Philippines Crop Insurance Corporation (PCIC), Office of the Provincial Veterinary at ang Cooperative Bank of Quezon Province bilang lending conduit, ay inaasahan na sa darating na Pebrero ang opisyal na pamamahagi ng mga baka na kanilang gagamitin na panimula sa kanilang pagnenegosyo.

#OPAQuezon #livestockproduction #cattleraising


Quezon PIO

Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo | January 17, 2025

Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo | January 17, 2025

Tuluy-tuloy ang pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang fresh and ready-to-eat na pagkain, hatid ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo nitong ika-15 ng Enero, 2025.

Sa pagbubukas ng panibagong taon ay 13 ibaโ€™t-ibang farm owners sa Lungsod ng Lucena at mga kalapit na bayan, ang nakilahok sa unang araw ng KNP sa Quezon Capitol Compound, Lucena City. Hatid dito ang sariling aning gulay, organic eggs, mga lutong pagkain tulad ng: pansit habhab, burgers, at processed products gaya ng: gourmet tinapa, chips, buko pie, suka, toyo, catsup at marami pang iba.

Nagkaroon din ng pagbisita sa ibaโ€™t-ibang opisina at departamento ang mga farm owners kasama ang kinatawan ng tanggapan mula sa marketing unit upang maipakilala ang iba pang produktong hatid sa Kadiwa ng Pangulo sa Kapitolyo.


Quezon PIO