NEWS AND UPDATE

Typhoon “Pepito” Update as of 11:00am, 16 November 2024

Typhoon “Pepito” Update as of 11:00am, 16 November 2024


Quezon PIO

Typhoon “Pepito” Update as of 8:00am, 16 November 2024

Typhoon “Pepito” Update as of 8:00am, 16 November 2024


Quezon PIO

Stranded Passengers in Port of Real as of 06:00am today November 16, 2024

Stranded Passengers in Port of Real as of 06:00am today November 16, 2024

Jomalig- 0

Patnanungan – 4

Polillo – 27

Total – 31

Rolling Cargoes – 8

Vessel – 16 ( 6 RoRo, 10 Small Vessel)


Quezon PIO

Typhoon “Pepito” Update as of 5:00am, 16 November 2024

Typhoon “Pepito” Update as of 5:00am, 16 November 2024


Quezon PIO

15-day Intensive Training ng 1st Batch ng STEP-UP Entrepreneurship Development Program | November 15, 2024

15-day Intensive Training ng 1st Batch ng STEP-UP Entrepreneurship Development Program | November 15, 2024

Ginanap ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 15, ang huling aktibidad ng 15-day intensive training ng 1st Batch ng STEP-UP Entrepreneurship Development Program na isinagawa sa M.I. Sevilla’s Resort, Lucena City. Ang programa ay pinangunahan ni PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, katuwang si PTTC Program Developer Officer Raymond Cardiño.

Upang ibahagi ang kanilang kaalaman sa negosyo, naging board of panel sa business pitching sina Ms. Camille Albarracin ng Everything Green, Ms. Kate Russell Buerano ng Super Value Inc., Councilor Lala Lim ng Atimonan Quezon Mico Star Mart, Edison Jr. S. Pernez mula sa Head Office ng Walter Mart Supermarket, at Peter June P. Llera, Branch Head ng Walter Mart Supermarket.

Iprinesenta ng mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) kasama ang kanilang mga estudyanteng katuwang mula sa Dalubhasaan ng Lungsod ng Lucena (DLL), ang mga dahilan kung bakit natatangi ang kanilang mga produkto at negosyo.

Nagsimula ang nasabing programa noong Oktubre 22 sa layunin na masuportahan at mapagyaman ang mga MSMEs ng Quezon sa pamamagitan ng lingguhang coaching at mentoring sessions, katuwang ang mga estudyante mula sa DLL na kumukuha ng mga kursong kaugnay sa negosyo.

Asahan na patuloy pa ang suporta nang Pamahalaang Panlalawigan para mas mapalawak pa ng mga negosyante ang kanilang kaalaman sa negosyo.


Quezon PIO

Paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito | November 15, 2024

Paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito | November 15, 2024

Kasabay ang paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito, nagkortesiya sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan si BGEN Ronald Jess S Alcudia at BGEN Jose Ambrosio F Rustia ngayong araw, Nobyembre 15.

Nirekomenda ni BGEN Rustia at BGEN Alcudia ang paglalayong magkaroon ng pre-emptive evacuation sa lalawigan ng Quezon na agad namang sinang-ayunan at pinermahan ni Governor Doktora Helen Tan. Layunin ng ganitong hakbang na maiwasan ang panganib sa buhay ng mga tao, lalo na kung may mga indikasyon na malapit na ang kalamidad tulad ng lindol, bagyo, o pagbaha. Sa pamamagitan ng pre-emptive evacuation, maagang nakakalikas ang mga residente, na nagbibigay daan para sa kanilang kaligtasan at pag-iwas sa mas malalang epekto ng sakuna.

Napag-usapan din na magkaroon ng mga programa para sa mga kabataan para sa pagkakatuto sa kanilang pansariling seguridad na makakatulong upang maprotektahan ang bawat mamamayan.

Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Governor Doktora Helen Tan sa mga sektor para sa malawakang pagbibigay ng impormasyon patungkol sa paparating na bagyo.


Quezon PIO

Regional Children’s Congress 2024 | November 15, 2024

Regional Children’s Congress 2024 | November 15, 2024

TINGNAN: Bilang bahagi ng Regional Children’s Month, nagsilbing host ang lalawigan ng Quezon sa isinagawang Regional Children’s Congress 2024 ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 15 sa St. Jude Coop Hotel, Tayabas City.

Dumalo sa nasabing programa si Governor Doktora Helen Tan upang ihayag ang kanyang pakikiisa sa pagsulong ng adbokasiya na mabigyang proteksyon ang mga kabataan sa hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong Pilipinas.

Samantala, aabot sa 400 child representative mula sa iba’t-ibang Local Government Units (LGU) ng CALABARZON Region ang nakasama sa Regional Children’s Congress na gaganapin hanggang Nobyembre 16.

Sa loob ng dalawang araw, magkakaroon naman ng talakayan ukol sa mga mahahalagang kaalaman at kamalayan kung paano nga ba mabibigyang proteksyon ang bawat kabataan.


Quezon PIO

Quezon Coffee Summit & Expo | November 15, 2024

Quezon Coffee Summit & Expo | November 15, 2024

TARA KAPE!☕️

Isinagawa ang kauna-unahang Quezon Coffee Summit & Expo na may temang “Transforming and Rehabilitation the Artisan’s Knowledge Advancing coffee Productivity and Enterprise” ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 15 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang ribbon cutting sa nasabing aktibidad na naglalayong magpakita ng mga produkto, serbisyo at ipromote ang industriya ng kape sa Quezon.

Tinayang nasa 36 Coffee Shops mula sa iba’t-ibang bayan ng Quezon ang nakiisa upang talakayin ang mga makabagong teknolohiya sa paggawa ng kape gayondin ang mga oportunidad para sa mas lalong ikalalakas ng sektor ng kape sa lalawigan at mapalaganap ang kamalayan tungkol sa kanilang kahalagahan sa ekonomiya at kultura ng Pilipinas.

Samantala, maaari namang bisitahin ang mga booths at mabili ang iba’t-ibang kape at pagkain hanggang Nobyembre 17.


Quezon PIO

DILG Quezon’s Preparedness Actions for Tropical Cyclone “Pepito” | November 15, 2024

DILG Quezon’s Preparedness Actions for Tropical Cyclone “Pepito” | November 15, 2024

Bilang paghahanda sa paparating na Bagyong PEPITO minabuti ni Governor Doktora Helen Tan sa Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) na magkaroon ng pagpupulong via Zoom Conference ngayong araw ng, Nobyembre 15.

Dinaluhan ng mga mayor mula sa iba’t ibang munisipalidad ang nasabing pagpupulong kasama ang mga lungsod at bayan ng Tagkawayan, Macalelon, Guinayangan, Patnanungan, Polillo, Mauban, Tayabas City, Dolores, at Perez upang ipabatid kay Governor Doktora Helen Tan ang mga ginagawang hakbang sa paghahanda sa paparating na kalamidad.

Ang iba’t ibang sektor ng Pamahalaang Panlalawigan gaya ng; Coast Guard Station Northern Quezon, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Quezon Police Provincial Office, Coast Guard Station Southern Quezon, Philippine National Police,Bureau of Fire Protection (BFP) ay dumalo rin at nakahanda nang rumesponde sa paparating na kalamidad.

Samantala, nag-paalala naman si Governor Doktora Helen Tan sa mga reresponde na laging mag-ingat at maging handa sa mga kalamidad na dadating para sa kaligtasan ng bawat mamamayan sa Lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Dental Mission sa Pury Elementary School | November 14, 2024

Dental Mission sa Pury Elementary School | November 14, 2024

Sa hangarin na mapangalagaan ang dental health ng mga estudyante sa lalawigan ng Quezon, nagkaroon ng Dental Mission sa Pury Elementary School, San Antonio, Quezon nitong nakaraang Nobyembre 14.

Sa pamamagitan ng Mobile Dental Clinic for Public Schools na proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan mula sa Special Education Fund, matagumpay na naihatid ang libreng pagpapabunot ng ngipin, Fluoride Application, at Oral Prophylaxis para sa mga mag-aaral ng nasabing paaralan.

Naisakatuparan naman ang proyektong ito sa pakikipagbalikatan ng Quezon Department of Education (DepEd), kung kaya’t ipinapaabot din ang pasasalamat sa bawat kawaning nakasama sa paghahatid ng serbisyo.


Quezon PIO