
Animal Heath and Welfare Division (Ahwd OpvQzn) Quezon Provincial Animal Health Center Accomplishment for November 2024
Quezon ProVet
Quezon ProVet
Quezon PIO
Para sa mga nagnanais mag-apply, magtungo lamang sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO na matatagpuan sa 2nd Floor | ikalawang palapag ng Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City.
Huwag kalimutang magdala ng:
RESUME, ID, at Ballpen.
Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa QUEZON Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan lamang po ng mensahe sa Quezon Provincial PESO Facebook page.
Quezon PIO
Isinagawa ang 4th Joint Quarterly Meeting of the Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at Quezon Provincial Federation of Senior Citizens Association (QPFSCA) ngayong araw ng Lunes, Disyembre 02 sa Villa Adelaida Landing, Lucena City.
Sa pangunguna ni PSWDO Focal Person of Older Person Maria Theresa “Mitos” Dionido kasamang dumalo sa hanay ng katandaan ang mga pangulo at opisyales na nagmula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Quezon.
Ibinahagi sa nasabing pagpupulong ang ilang updates sa mga programang patuloy na nagpapalakas ng sektor ng mga nakatatanda tulad ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nonagenarian at centenarian.
Tinitiyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na naihahatid ang maayos na serbisyo para sa mas mabuti nilang kapakanan.
Quezon PIO
Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama si Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Leyson ang ginanap na paglulunsad ng proyektong inisyatiba ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ngayong araw, Disyembre 2 sa SMX Convention Center, Pasay City.
Ang inilunsad na proyekto ng DSWD ay naglalayong palakasin ang food security sa panahon ng kalamidad at sakuna sa pamamagitan ng Ready-To-Eat Food (RTEF) packs na naglalaman ng iba’t-ibang klase ng delata, rice porridge, at protein bar.
Bukod sa nasabing paglulunsad ay isinagawa rin ang National Convention para sa Project LAWA (Local Adaption to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Improverished), isang cash-for-training and work program na layong makatulong at mapalakas ang kakayahan ng mga Pilipino na muling makabangon laban sa sakuna gaya ng El Niño at climate change.
Samantala, kabilang naman sa mga benepisyaryo ng naturang mga proyekto ang lalawigan ng Quezon kung kaya’t aktibong nakiisa ang Gobernadora para sa mas progresibong pamumuhay ng bawat mamamayan sa lalawigan.
Quezon PIO
Isinagawa ngayong Lunes, Disyembre 2 ang ika-125 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan, sa Bulwagang Kalilayan Hall sa pangunguna ni 2nd District Board Member Vinnette E. Alcala-Naca bilang kinatawan ni Vice Governor Third Alcala.
Tinalakay dito ang mga Panukala, Ordinansa na mga inaprubahan, Resolusyon, Atas tagapag-paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.
Samantala, pinagtibay naman ang panukala sa resolusyon na nagpapahintulot sa Pamahalaang Panlalawigan na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA), na may layuning magbigay ng karagdagang pinansiyal na suporta sa kaakibat na Sinag Kalinga Foundation at Sr. Teresa of Sto. Niño Center, Inc., sa tinatayang halaga na PHP 250,000.00 para sa operasyon at maintenance ng Home for the Aged at ang nasabing center.
Asahan ang walang patid na pagseserbisyo ng Sangguniang Panlalawigan sa pagpapabuti ng Lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO
Quezon PIO
Heavy rainfall outlook due to Shearline
Today to tomorrow afternoon (December 02)
Heavy to Intense (100-200 mm):
Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, and Romblon
Moderate to Heavy (50-100 mm):
Laguna, Batangas, Palawan, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Aklan, Capiz, Antique, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, and Biliran
Tomorrow afternoon to Tuesday afternoon (December 03)
Moderate to Heavy (50-100 mm):
Aurora and Quezon
Forecast rainfall may be higher in mountainous and elevated areas. Moreover, impacts in some areas maybe worsened by significant antecedent rainfall.
The public and disaster risk reduction and management offices concerned are advised to take all necessary measures to protect life and property. PAGASA Regional Services Divisions may issue Heavy Rainfall Warnings, Rainfall/Thunderstorms Advisories, and other severe weather information specific to their areas of responsibility as appropriate.
Unless significant changes occur, the next Weather Advisory will be issued at 11:00 PM today.
Quezon PIO
Maligayang ika-161 taong kaarawan Gat Andres Bonifacio!
Ngayong araw ay ginugunita natin ang ika-161 taon ng kapanganakan ng Ama ng Himagsikang Pilipino at tagapagtatag ng Katipunan.
Ating alalahanin ang katapangan at kabayanihang ginawa ni Bonifacio upang makamit ang kasarinlan ng Pilipinas.
Quezon PIO
Stand Stronger Together,
Lets Celebrate Christmas Together!
Maulan man ang panahon nangibabaw pa rin ang ning-ning ng buong Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC), matapos ang pormal na pagbubukas ng ” QPHN-QMC OLYMPIC CHRISTMAS : The Hospital of Champions” ngayong araw ng Biyernes, Nobyembre 29.
Sa ikalawang taon ng pagpapailaw ng ospital na pinangunahan ni QPHN-QMC Chief of Hospital Dr. Juan Eugenio Fidel Villanueva, nagbigay liwanag sa mga mata ng health worker, pasyente at mga mamamayan habang kumikislap ang mga pailaw sa buong ospital na naging simbulo ng pagmamahal at pag-asa.
Sa ngalan ni Governor Doktora Helen Tan, dumalo si Provincial Administrator Manny Butardo na taos-pusong nagpapasalamat sa mga taong nagbalikatan para maging matagumpay ang switch-on at sa mga health worker na walang sawang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Quezon.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang serbisyong medikal ng QPHN-QMC para sa malusog at masayang probinsya ngayong pasko.
Quezon PIO