Paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito | November 15, 2024
Kasabay ang paghahanda sa paparating na Bagyong Pepito, nagkortesiya sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan si BGEN Ronald Jess S Alcudia at BGEN Jose Ambrosio F Rustia ngayong araw, Nobyembre 15.
Nirekomenda ni BGEN Rustia at BGEN Alcudia ang paglalayong magkaroon ng pre-emptive evacuation sa lalawigan ng Quezon na agad namang sinang-ayunan at pinermahan ni Governor Doktora Helen Tan. Layunin ng ganitong hakbang na maiwasan ang panganib sa buhay ng mga tao, lalo na kung may mga indikasyon na malapit na ang kalamidad tulad ng lindol, bagyo, o pagbaha. Sa pamamagitan ng pre-emptive evacuation, maagang nakakalikas ang mga residente, na nagbibigay daan para sa kanilang kaligtasan at pag-iwas sa mas malalang epekto ng sakuna.
Napag-usapan din na magkaroon ng mga programa para sa mga kabataan para sa pagkakatuto sa kanilang pansariling seguridad na makakatulong upang maprotektahan ang bawat mamamayan.
Samantala, patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Governor Doktora Helen Tan sa mga sektor para sa malawakang pagbibigay ng impormasyon patungkol sa paparating na bagyo.
Quezon PIO