Ika-137 ng Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan Ng Quezon | March 3, 2025
Pormal nang ginanap ang ika-137 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Marso 3, na idinaos sa Sangguniang Panlalawigan Bldg. na may layon na mapalakas at mapalawig pa ang mga makabuluhang inisyatibang nagtataguyod ng mas maunlad, mahusay, at epektibong pamamahala sa lalawigan ng Quezon
Pinangunahan ito ni 1st District Board Member Claro M. Talaga Jr. katuwang ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan at dito ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.
Pinagtibay dito ang panukala mula sa Tanggapan ng Punong Panlalawigan na nagpapahintulot sa Pamahalaang Panlalawigan na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa Team Energy Foundation, Inc. at sa Aim Scientific Research Foundation, Inc. para sa implementasyon ng proyekto patungkol sa Provision of Neonatal Care Equipment.
Tinalakay din at binigyang linaw ang ilang seksyon patungkol sa isinusulong na Ordinansa ni 3rd District Board Member John Joseph G. Aquivido
na pinamagatang: “An Ordinance Establishing a QUEZON CANCER CONTROL PROGRAM and Appropriating Funds therefore and for Other Purposes”.
Alinsunod nito ay pinagtibay at muling ibinalik ang pagkakaroon ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) sa Candelaria Quezon, na nakaayon sa Executive Order No. 049, S. 2024: “Reorganizing the Municipal Council for the Protection of Children (MCPC) Incorporating thereat the Municipal Early Childhood Care and Development (MECCD) Coordinating Committee”.
Asahan pa ang walang patid na pagseserbisyo ng Sangguniang Panlalawigan sa pagpapabuti ng Lalawigan ng Quezon.
#HEALINGQuezon #SerbisyongTunayAtNatural #137SPSession
Quezon PIO