
Quezon Province Kinilala sa Natatanging Programa ng PESO sa 2024 Regional Year-End Performance Assessment and Planning Exercises | February 13, 2025
Sa idinaos na 2024 Regional Year-End Performance Assessment and Planning Exercises ay iginawad ng Department of Labor and Employment Regional Office IV-A (CALABARZON) at Region IV-A Alliance of Public Employment Service Officers (RAPESO), Inc. ang “PAGKILALA SA NATATANGING PROGRAMA NG PESO” sa Pamahalaang Lalawigan ng Quezon. Sa patuloy na pagsusumikap ng pamahalaang panlalawigan na makapagbigay ng oportunidad sa mga kabataan sa karanasan ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng “Government Service Training and Apprenticeship for Nation Building (Go STAN) Program. Isa sa pangunahing hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan ay ang maibsan ang antas ng kawalang trabaho sa lalawigan na naging daan upang maisakatuparan ang programang ito sa inisyatibo ng Ina ng Lalawigan na si Gov. Angelina “Doktora Helen” Tan.
Iginawad ang pagkilalang ito noong ika-29 ng Enero, taong kasalukuyan sa Queen Margarette Hotel, Lucena City, Quezon. Pinangunahan ni PGADH-PESO Manager, Genecille P. Aguirre ang pagtanggap sa parangal na nakamit ng Quezon Provincial Public Employment Service Office. Ang pagkilalang ito ay magsisilbing patunay sa maayos na kalidad ng serbisyo na patuloy na ipinamamalas ng tanggapan.
Tumanggap din ng pagkilala ang tanggapan ng PESO Calauag, Unisan, Atimonan, Buenavista at Mauban, at Job Placement Office ng Manuel S. Enverga University Foundation, Inc. Sa patuloy na pagtutulungan ng bawat tanggapan ng PESO sa lalawigan ay maisasakatuparan ang adhikaing maging daan upang magbigyan ng maayos na trabaho at buong husay na makapagbigay ng serbisyo sa mga mamamayan sa lalawigan.
Quezon PIO