NEWS AND UPDATE

World Wetlands Day | February 2, 2025

World Wetlands Day | February 2, 2025

🏞️World Wetlands Day | February 02

2025 Theme:

β€œπ‘·π’“π’π’•π’†π’„π’•π’Šπ’π’ˆ 𝑾𝒆𝒕𝒍𝒂𝒏𝒅𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝑢𝒖𝒓 π‘ͺπ’π’Žπ’Žπ’π’ 𝑭𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆”

Layunin ng araw na ito na itaas ang kamalayan sa kahalagahan ng mga wetland para sa biodiversity, seguridad sa tubig, regulasyon ng klima, at pagpapagaan ng baha. Ngunit, ang mga wetland ay patuloy na nasisira dulot ng urbanisasyon, polusyon, at hindi sapat na mga polisiya sa pangangalaga. Mula noong 1970, mahigit 35% ng mga wetland ang nawawala, na nagpapalala ng kakulangan sa tubig at nagugulo ang mga natural na siklo ng tubig.

Ang World Wetlands Day ay isang paalala ng kagyat na pangangailangan na protektahan at ibalik ang mga wetland, hindi lamang para sa kalikasan kundi pati na rin para sa kabutihang panlahat. Ang patuloy na pagkasira ng mga wetland ay naglalagay sa peligro ng seguridad sa tubig, biodiversity, at resiliency sa klima. Kinakailangan ang agarang aksyon, kabilang ang mahigpit na pagpapatupad ng mga polisiya, at mas malawak na kamalayan, upang mabawi ang patuloy na pagkasira. Sa pagpapahalaga at pangangalaga sa mga wetland, tinitiyak ang mas malusog at mas sustainable na hinaharap para sa lahat.

#WorldWetlandsDay2025 #WetlandsQuezonProvince #SustainableQuezon #PGENROQuezonInAction #STANQuezonBetterTogether


Quezon PIO

Eucharistic Celebration and Solemn Dedication of the Church and Altar of Divine Mercy Parish Church | February 1, 2025

Eucharistic Celebration and Solemn Dedication of the Church and Altar of Divine Mercy Parish Church | February 1, 2025

Nakiisa si Governor Doktora Helen Tan sa Eucharistic Celebration and Solemn Dedication of the Church and Altar of Divine Mercy Parish Church, ngayong araw ng Sabado, Pebrero 1 sa Brgy. Ayusan 2, Tiaong, Quezon.

Ang bagong tayong simbahan na pinamamahalaan ni Rev. Fr. Gian Carlo Alvarez ay inilapit na rin sa mga mamamayan na malayo sa bayan.

Samantala, pinangunahan ni Bishop Mel Rey Uy ang Banal na Misa sa nasabing selebrasyon. Taos-puso naman ang pasasalamat ni Governor Tan sa pag-imbita sa isa sa mahalagang selebrasyon ng simbahan.


Quezon PIO

Binisita din ni Governor Doktora Helen Tan ang Tiaong Super Health Center | February 1, 2025

Binisita din ni Governor Doktora Helen Tan ang Tiaong Super Health Center | February 1, 2025

Lingid sa ating kaalaman, isa sa tinututukan ni Governor Doktora Helen Tan ay ang kalusugan ng bawat mamamayan sa Quezon, kaya naman sa pagbisita niya sa Brgy. Ayusan 2 para sa gagawing tulay binisita nya rin ang Tiaong Super Health Center, ngayong araw ng Sabado, Pebrero 1.

Sa tulong ng Department of Health (DOH) hindi na kailangang bumaba pa ng bayan ang mga taga rito upang magpa check-up. Hatid rin sa nasabing center ang mga ultrasound and ECG, X-ray, primary clinical laboratory, pharmacy at iba pa na makakakatulong sa pangkalusugan.

Samantala, hindi titigil ang serbisyong handog ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga mamamayan, subay-bayan ang mga schedule ng medical mission ni Governor Tan para sa kagalingan ng mga Quezonian.


Quezon PIO

Grounbreaking Ceremony – Construction of Bridge Connecting Brgy. Ayusan 1 and Ayusan 2 (Phase 1) | February 1, 2025

Grounbreaking Ceremony – Construction of Bridge Connecting Brgy. Ayusan 1 and Ayusan 2 (Phase 1) | February 1, 2025

TINGNAN: Para sa maayos na daanan ng mga sasakyan at mga mamamayan, isinagawa ang Ground Breaking Ceremony Construction of Bridge na nagdudugtong sa Brgy. Ayusan 1 at Ayusan 2 sa bayan ng Tiaong na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan, ngayong araw ng Pebrero 1.

Sa tulong ng Provincial Engineering Office (PEO) sa pamumuno ni PEO Head Engr. Marichelle Ferrer ay gagawin na ang tulay na may pondong 23 milyon, na may tinatayang 22 metro ang haba na inaasahang matatapos sa loob ng limang buwan.

Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan na makikinabang sa nasabing tulay dahil hindi na sila magpapala ng putik sanhi ng malalakas na ulan. Hindi na rin magdudulot ng aksidente ang nasabing tulay dahil sa madulas, madilim at masikip na daan.

Samantala, asahan ang paglilibot ni Governor Tan sa buong Lalawigan ng Quezon upang mahatiran ng tulong pangkalusugan, edukasyon, at imprastraktura gaya ng tulay, daan, spillway at iba pa na mapapakinabangan ng mga Quezonian sa mahabang panahon.


Quezon PIO

System Document Training | January 31, 2025

System Document Training | January 31, 2025

Bilang bahagi ng paghahanda sa 2nd Stage ng ISO Certification, matagumpay na isinagawa ang System Documentation Training na inilunsad ng Quality Management System sa pangunguna ni Provincial Internal Audit Service Office Head Alberto S. Bay, Jr. ngayong Biyernes Enero 31 sa 3rd Floor Provincial Capitol Building.

Layunin ng nasabing pagsasanay na bigyang kaalaman ang mga dumalong Document Control Custodians mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa tamang pamamahala ng proseso ng mga dokumento upang mas mapadali ang pagsasayos ng iba’t ibang dokumento.

Nangunang tagapagtalakay sina Chief of Hospital, Juan Eugenio Fidel B. Villanueva, Quality Assurance Officer (QAD Head), Jeremy V. Mindanao, at ni Document Control Center Head, Gel P. Yao na nagbahagi ng kanilang kaalaman sa Quality Management System.

Asahan ang patuloy pang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon upang mas mapabuti pa ang paghahanda para sa 2nd Stage ng ISO certification.


Quezon PIO

Candle Festival 2025 Medical Mission | January 31, 2025

Candle Festival 2025 Medical Mission | January 31, 2025

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Governor Doktora Helen Tan sa pagdiriwang ng Candle Festival 2025, naihatid sa ilang mamamayan ng Candelaria, Quezon ang libreng serbisyong medikal ngayong Biyernes, Enero 31.

Sa pamamagitan ng medical mission, nagkaroon ng pagkakataon ang 1,359 na benepisyaryo na makakuha ng libreng konsultasyon, gamot, at iba pang serbisyong pangkalusugan gaya ng Dental Extraction, Optical, Bukol Screening, Flu Vaccine, Ultrasound, ECG, Cholesterol, FBS, at UACR. Samantala, 67 naman na benepisyaryo ang napaabutan ng tulong pinansyal.

Dinaluhan naman ang nasabing programa ni Vice Governor Third Alcala kasama sina Doc Kim Tan, Board Member Ireneo C. Boongaling at Board Member Vinnette E. Alcala-Naca.

Ang programang isinagawa bilang bahagi ng Candle Festival ay nagsilbing simbolo ng liwanag, malasakit, at pagkakaisa para sa mga mamamayan ng Candelaria. Ipinakita nito ang taos-pusong dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa pagpapabuti ng kalusugan at kabutihan ng bawat isa.

#CandleFestival2025


Quezon PIO

Pagbibigay ng mga kagamitang pang-agrikultura | January 31, 2025

Pagbibigay ng mga kagamitang pang-agrikultura | January 31, 2025

Labis na kasiyahan ang bakas sa 76 na kinatawan ng iba’t-ibang samahan sa kanilang natanggap na mga kagamitang pang-agrikultura nitong ika-30 ng Enero, 2025 sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon, hatid ng Tanggapan ng Panlalawigan Agrikultor sa Quezon.

Personal na nakiisa rito sina Bise-Gobernador Third Alcala, Bokal Jj Aquivido at Panlalawigang Agrikultor Liza Mariano, kung saan malugod na nagbahagi ng ilan sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Helen Tan kabilang ang pagkakaroon ng Trading Post sa bayan ng Lopez para sa mas malapit at abot-kayang presyo ng mga bilihin pagdating sa ikatatlo at ika-apat na distrito, pagsasaayos ng data management system tungo sa mas mabilis at akmang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka at mangingisda. Dagdag pa rito ang patuloy na pagbabalangkas ng Quezon Agricultural & Fisheries Code, at lokalisasyon ng Sagip Saka Act of 2019 na pinangunahan ni Sen. Kiko Pangilinan, na magbibigay-gabay sa libu-libong kinatawan ng sektor ng agrikultura para sa mas ligtas, at sistematikong pagtugon at transaksyon sa pagitan ng mga local traders, sellers at stakeholders.

Ang mga benepisyaryo ay binubuo ng organisasyon na kilala sa larangan ng pangisdaan, pangsakahan at agri-turismo. Ilan sa mga kagamitang ipinamahagi ay mga pataba, pananim, farm tools tulad ng kalaykay, pala, regadera, grasscutter, at knapsack sprayer, gayundin ang ilan sa mga solutions na makakatulong sa pagkakaroon ng magandang lupa gaya ng: agriculture lime, potash, duofos at wood vinegar. Isang set naman ng pangkabuhayan ang ipinamahagi sa mga grupo ng mga mangingisda sa Tayabas City at Pagbilao kabilang na dito ang grouper fish cage na makapaglalaan ng karagdagang pangkabuhayan sa bayan ng Plaridel at mga karatig bayan nito. Ilan din sa mga ipinamahaging kagamitan ay ang mga life vests, snorkeling gears, at display racks para sa patuloy na pagpapaigting ng mga serbisyong higit na makapagpapalawak sa sektor ng agri-turismo sa Quezon.

#OPAQuezon #opaquezonfitscenter #quezonagriculture


Quezon PIO

Pagsasanay sa mga bagong Municipal Animal Rabies Vaccinators sa bayan ng San Antonio, Quezon | January 31, 2025

Pagsasanay sa mga bagong Municipal Animal Rabies Vaccinators sa bayan ng San Antonio, Quezon | January 31, 2025

Nagsagawa ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV) sa pamamagitan ni Dr. Philip Augustus Maristela, Head ng Animal Health and Welfare Division (AHWD), ng dalawang araw na pagsasanay para sa mga bagong Municipal Animal Rabies Vaccinators ng bayan ng San Antonio, nitong January 23-24, 2025.

Katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist ng nasabing bayan, sa pamumuno ni MA Jennifer Lindo Cusi, ang mga participants ay sumailalim sa lectures patungkol sa Rabies Awareness, Responsible Pet Ownership at Animal Welfare Act.

Ang mga nasabing municipal rabies vaccinators ay sumailalim rin sa hands-on training sa pagbabakuna ng mga aso at pusa.

Ang ganitong aktibidad ay naglalayon na madagdagan ang mga trained technicians ng bayan-bayan upang makatulong na mas palawigin pa ang programa laban sa sakit na rabies.


Quezon PIO