NEWS AND UPDATE

Congratulations! Lalawigan ng Quezon

Congratulations! Lalawigan ng Quezon

Congratulations! Lalawigan ng Quezon

Kinilala ang Lalawigan ng Quezon bilang High Performing Local Peace and Order Council sa ginanap na CY 2023 Peace and Order Council Performance Audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kasama ang tatlumpu’t – apat (34) na Local Goverment Units (LGUs), nitong araw ng Pebrero 14.

Ang dedikasyon sa pagpapanatili ng kaligtasan, kapayapaan, at kaunlaran sa bawat komunidad ay nagsisilbing inspirasyon para sa lahat.

Hangad natin ang patuloy na tagumpay sa pagtataguyod ng isang mas ligtas at mas matatag na pamayanan para sa bawat Quezonian.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Ani ng Sining, Diwa at Damdamin | National Arts Month | Orange Tourism Festival 2025 | February 19, 2025

Ani ng Sining, Diwa at Damdamin | National Arts Month | Orange Tourism Festival 2025 | February 19, 2025

Ani ng Sining, Diwa at Damdamin

Bilang bahagi ng National Arts Month, masiglang pinasimulan ang Orange Tourism Festival 2025 ngayong Miyerkules, Pebrero 19, sa Quezon Convention Center.

Ito ay dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Region IV-A Director ng Department of Tourism, Marites T. Castro, at Fourth Alcala bilang kinatawan ni Vice Governor Third Alcala.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Provincial Tourism Office (PTO), sa pamumuno ni Nesler Louies Almagro, kung saan binigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na Quezonian Artists na sumali sa mga workshops na isinagawa mula Pebrero 5-13, ito ay upang mas malinang ang kasanayan nila sa kanilang mga piling larangan sa sining.

Naimbitahan naman upang magbahagi ng kanilang kaalaman patungkol sa iba’t ibang sining sina; Ginoong Cocoy Ventura, Maestro Nilo Alcala, Vim Nadera, Direk Lem Lorca, Jonaz Rogel Evora, Siningning Aly Reynales, Ar. Dolan Kim Reyes, at Direk Marco Antonio Rodas.

Tinalakay rin dito ang Creative Tourism Roadmap ng Quezon at inilaan ang natitirang oras para sa paghahanda ng Culminating Presentation ng; Music, Dance, Literature, Film, Architecture, Painting, Theater, at COCOlinary, sa Quezon Capitol Compound.

Samantala, abangan naman bukas, araw ng Huwebes,Pebrero 20 ang pagtatanghal at pagtatampok ng mga kalahok sa kanilang piling sining para sa Culminating Performance.

#OrangeTourismFestival2025 #NationalArtsMonth2025 #SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon


Quezon PIO / Tourism

Ang AFP 59IB 2ID PA sa Pangunguna ni LTCOL. Ferdinand Bruce Tokong ay Bumisita sa Tanggapan ni Gov. Helen Tan | February 18, 2025

Ang AFP 59IB 2ID PA sa Pangunguna ni LTCOL. Ferdinand Bruce Tokong ay Bumisita sa Tanggapan ni Gov. Helen Tan | February 18, 2025

Nagtungo sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) 59IB 2ID PA, sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Ferdinand Bruce Tokong ngayong araw, Pebrero 18.

Sa nasabing pagbisita, ipinagbigay-alam ni LTC Tokong ang nalalapit niyang reassignment at kaalinsabay nito’y nagbigay ng security update patungkol sa Peace and Order sa una at ikalawang distrito ng Quezon, kung saan siniguro ng AFP na walang banta sa seguridad at walang presensya ng communist terrorist group sa lalawigan.

Sa huli, hiniling ng Gobernadora na mapanatili ang payapa at ligtas na komunidad para sa lahat ng Quezonian lalo na at nalalapit na ang halalan sa Mayo. Tiniyak naman ng AFP na patuloy silang magseserbisyo at tutugon sa tungkulin upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mamamayan.


Quezon PIO

Bagong TESDA Quezon Provincial Director, Pormal na Nag-courtesy Call kay Gov. Helen Tan | February 18, 2025

Bagong TESDA Quezon Provincial Director, Pormal na Nag-courtesy Call kay Gov. Helen Tan | February 18, 2025

Mainit ang naging pagtanggap ni Governor Doktora Helen Tan sa pagbisita ng bagong TESDA Quezon Provincial Director na si Benito G. Reyes sa Pamahalaang Panlalawigan ngayong araw ng Martes, Pebrero 18.

Layunin ng pagbisita ang personal na pagpapakilala at pagkortesiya ng bagong talagang Direktor ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Quezon.

Ang TESDA ay isang ahensya ng pamahalaan na naglalayong makapagbigay ng mga pagsasanay at sertipikasyon para sa mga indibidwal upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa iba’t ibang larangan at makapag-trabaho sa loob at labas ng bansa.

Samantala, patuloy pa rin ang aktibong pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa TESDA upang mas makapaghatid ng oportunidad sa mga Quezonian na nais makapagsimula ng trabaho o sariling negosyo.


Quezon PIO

Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants | February 18, 2025

Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants | February 18, 2025

Ang Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants at iba pang veterinary services sa bayan ng Lopez nitong Pebrero 10-11, 2025.

May kabuuang bilang na 191 mga baka at kalabaw na pag-aari ng 136 na kalalawigan natin ang naserbisyuhan sa naturang bayan.

Pebrero 12-13, 2025 ay nagbigay naman ng technical assistance ang tanggapan sa mga benepisaryo ng Coconut Carabao Development Program (CCDP) – Dairy Buffaloes Production, partikular ang Manggalang Agrarian Reform Cooperative- (Quezon II) Manggalang I, Sariaya, Quezon at Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative (Quezon I), Tayabas City, Quezon.

Nais namang magpasalamat ng aming tanggapan sa mga katuwang na Ahensya ng Pamahalaan upang mapalawig pa ang Ruminant Development Program sa lalawigan, gaya ng Department of Agriculture (PCC, BAI, PCA, NDA, DARFO4A), gayundin sa mga Local Government Units ng mga nabanggit na bayan.


Quezon PIO

Libreng Basketball Clinic, Tagumpay na Naisagawa sa Quezon Convention Center | February 18, 2025

Libreng Basketball Clinic, Tagumpay na Naisagawa sa Quezon Convention Center | February 18, 2025

Sa pagtutulungan ng STAN Basketball Academy at Provincial Sports Office sa pangunguna ni Coach Aris Mercene, tagumpay na naisagawa ang “Free Basketball Clinic” para sa mga kabataan mula sa ikalawang distrito ng lalawigan nitong Sabado, Pebrero 15, sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Layunin ng aktibidad na ito na paunlarin at mahasa ang kakayahan ng mga kabataang edad 11-18 sa paglalaro ng isport na basketball. Sa tulong ng mga coaches, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa dribbling, shooting, passing, at depensa.

Nagsilbing daan din ang gawaing ito upang malinang ang kanilang socialization skills, teamwork at sportsmanship.

Samantala, asahang patuloy na susuporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan sa mga aktibidad na makapagpapaunlad ng kasanayan ng kabataan sa iba’t ibang larangan.


Quezon PIO

Job Opening | February 18, 2025

Job Opening | February 18, 2025

Magsasagawa ng PRE-ENTRY EXAM for OFFICER CANDIDATE COURSE ang Philippine Army (Army Recruitment Office-Luzon) na gaganapin sa Southern Luzon State University-Lucena Campus, Lucena City. Nakapaloob sa nasabing pagsusulit ang AFPSAT (Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test) na isasagawa sa ika-3 hanggang ika-4 ng Marso at AQE & SWE (Army Qualifying Exam & Special Written Exam) na isasagawa naman sa ika-5 ng Marso ng kasalukuyang taon

MGA KWALIPIKASYON/ QUALIFICATIONS:

1. Any Bachelor’s Degree

2.Natural-born Filipino Citizen

3. At least 5 feet tall (both male and female)

4. Physically and mentally fit

5. At least 20 years old but not a day older than 27 years old upon oath-taking

6. No pending case in any court

REQUIREMENTS:

1.College Diploma

2.Transcript of Records

3.PSA Issued Birth Certificate

4.Any government-issued ID

Para sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay SSg Ronnie M. Ado o magpaabot ng mensahe sa numerong 0981-677-1607.


Quezon PIO / PESO

Activation of Quezon Provincial Cyber Response Team (QPCRT) & Signing of Deed of Donation | February 18, 2025

Activation of Quezon Provincial Cyber Response Team (QPCRT) & Signing of Deed of Donation | February 18, 2025

Kasabay ang paggagawad kay Governor Doktotra Helen Tan bilang Lieutenant Colonel ng AFP Reserved Force, ginanap rin ang Activation of Quezon Provincial Cyber Response Team (QPCRT) and Signing of Deed of Donation, ngayong araw ng Pebrero 18 sa Camp BGen Guillermo P Nakar, Lucena City.

Sa kasalukuyang panahon ang cyberscam ay lumalaganap na krimen, gumagamit ito ng teknolohiya upang makakuha ng pera o impormasyon mula sa mga tao. Madalas na ginagamit ng mga scammer ang email, social media, at mga pekeng websites upang magmukhang lehitimo at magpanggap bilang isang kumpanya o tao na may magandang layunin.

Sa patuloy na pagdami ng mga online na scammer, naalarma ang mga kapulisan sa dumaraming kirmen sa Lalawigan ng Quezon, dahil dito minabuti ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Tan na pagkalooban ang mga kapulisan ng mga laptop, printer at computer na makakatulong para sa mas mabilis na pagtuklas ang mga kriminal online.

Kasabay nito pormal na ring binasbasan ang bagong rehabilitasyon ng Detective Office sa pangunguna ni Command Chaplain, SOLCOM Rev Fr (MAR) Joseph Jim M Camargo, hangad ng Pamahalaang Panlalawigan na magkaroon ng kamalayan ang mga Quezonian sa cyberscam upang hindi malinlang ng ibang tao.

Samantala, tuloy-tuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtupad ng tungkulin sa pangkapayapaan at seguridad ng buong Lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO