NEWS AND UPDATE

“Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Lalig Tiaong, Quezon | February 10, 2025

“Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Lalig Tiaong, Quezon | February 10, 2025

Para sa tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan ng Quezon isinagawa ang Medical Mission, “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Lalig Tiaong, Quezon nitong araw ng Linggo, Pebrero 9.

Ang libreng gamutan ay inisyatibo ni Governor Doktora Helen katuwang si Vice Governor Third Alcala, kabalikat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, mga Private Doctors, at mga espesyalista na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon kung saan nahandugan ang 3,150 na indibidwal sa nasabing bayan ng Medical Consultation, Dental Extraction, Cholesterol, FBS, Ultrasound, ECG, Bukol Screening, Dermatology, libreng Tuli at mga libreng gamot. Kabilang din sa naipagkaloob ang libreng pagpapatingin sa mata at libreng salamin para sa lubos na nangangailangan.

Samantala, asahan at abangan ang tuloy-tuloy na pagpapaabot ng serbisyong medikal para sa mga Quezonian.

#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan


Quezon PIO

200 DSWD Food Packs | February 8, 2025

200 DSWD Food Packs | February 8, 2025

Ipinapaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang pasasalamat sa tanggapan ni Senator Francis “Tol” Tolentino para sa pagkakaloob ng 200 DSWD Food Packs na layuning maipamahagi para sa mga Quezonian na naging apektado ng mga nakaraang sakuna at kalamidad.

Malugod itong tinanggap ni Provincial Administrator Manuel Butardo kasama si Assistant Provincial Social Welfare and Development Officer (PSWDO) Norli Labitigan nitong nakaraang Pebrero 7 sa Quezon Preparedness Operations Center (QPOC).

Samantala, malaking bagay naman na parating katuwang ng lalawigan ang nasyonal na pamahalaan upang patuloy na maabot ang hangarin na maunlad na pamumuhay sa Quezon.

Muli, maraming salamat!


Quezon PIO

“Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Briones, San Antonio Quezon | February 8, 2025

“Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Briones, San Antonio Quezon | February 8, 2025

Sa patuloy na hangaring maipaabot ang Serbisyo ng Kapitolyo sa bawat mamamayan ng lalawigan ng Quezon ginanap ang Medical Mission “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Brgy. Briones, San Antonio Quezon ngayong araw ng Sabado, Pebrero 8.

Sa ngalan ni Governor Doktora Helen dinaluhan ito nina Vice Governor Third Alcala, Doc Kim Tan, Board Member Vinnette Alcala, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, mga Private Doctors, at mga espesyalista na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

Tinayang nasa 2,899 ang napagkalooban ng Medical Consulatation, Dental Extraction, Cholesterol, FBS, Ultrasound, ECG, Bukol Screening, libreng tuli at mga libreng gamot, kabilang din sa naipagkaloob ang libreng pagpapatingin sa mata at libreng salamin para sa lubos na nangangailangan na nito.

Kaalinsabay nito, nakiisa din sa pagbibigay ng serbisyo ang Provincial Veterinary Office (ProVet) upang bigyang halaga hindi lang ang kalusugan ng mga alagang hayop, kundi pati na rin ang kaligtasan ng mga mamayang Quezonian.

Samantala, asahan ang tuloy-tuloy na pagpapaabot ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025


Quezon PIO

A forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD) | February 8, 2025

A forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD) | February 8, 2025

“The Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD)”

Sa inisyatibo ng Provincial Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni PSWDO Head Sonia S. Leyson katuwang ang Harvest of Hope Foundation Inc. ay naisakatuparan ngayong araw, Pebrero 8, ang isang makabuluhang aktibidad na naglalayong magkaroon ng malalim na kamalayan sa mga batang may Autism Spectrum Disorder.

Nagbahagi ng kaalaman at personal na karanasan ang mga guest speakers na sina Dr. Joel D. Lazaro, Dr. Inez Margarita D. Montenegro-Celera, at Mrs. Rodela Manaloto kung saan tinalakay nila ang kondisyon ng batang may ASD, ang mga hamon na kinakaharap nito, at ang mahalagang tungkuling ginagampanan ng mga magulang sa paghubog ng pagkatao ng isang batang may ganitong kondisyon.

Samantala, kasamang nakilahok sa aktibidad ang mga kinatawan at mga magulang mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan at ilang non-government organization.

Asahan namang patuloy na maglulunsad ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan ng mga programa na magsusulong ng pantay na pagtingin at malawak na pagtanggap sa mga taong may espesyal na pangangailangan.


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan – San Antonio, Quezon | February 8, 2025

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan – San Antonio, Quezon | February 8, 2025

TINGNAN: Ang mga naging kaganapan sa isinagawang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission ngayong araw ng Sabado, Pebrero 8, sa Brgy. Briones, San Antonio Quezon.

Sa ngalan ni Governor Doktora Helen Tan, dinaluhan ito nina Vice Governor Third Alcala, Doc Kim Tan, Board Member Vinnette Alcala, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, mga Private Doctors, at mga espesyalista na nagmula sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) | February 8, 2025

Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission) | February 8, 2025

RECORDED AS LIVE: Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan (Medical Mission)

Barangay. Briones San Antonio, Quezon

Link: https://www.facebook.com/share/v/15wz2W3KEy/


Quezon PIO

Early Detection of Children with Special Needs a Forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD) | February 8, 2025

Early Detection of Children with Special Needs a Forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD) | February 8, 2025

Early Detection of Children with Special Needs a Forum on the Journey of Families, Parents and Caregivers of Children with Autism Spectrum Disorder (ASD)

Recorded Live: https://www.facebook.com/share/v/1BQFKnFmU1/


Quezon PIO

Orange Tourism Festival 2025 – Literature Workshop | February 7, 2025

Orange Tourism Festival 2025 – Literature Workshop | February 7, 2025

TINGNAN: Sa ikalawang araw ng LITERATURE WORKSHOP na bahagi ng Orange Tourism Festival 2025, makabuluhang itinanghal ng 19 kalahok ang kanilang mga isinulat na piyesa.

Ginanap ang nasabing workshop ngayong araw, Pebrero 7 sa Habilin Farm, Tayabas City kung saan mas nagkaroon ng malalim na pag-unawa ukol sa literatura ang mga Quezonian na kalahok sa layunin na mapagyaman nila ito ng buong-puso.

Abangan pa ang iba’t-ibang workshop na may kinalaman sa sining upang ipagdiwang ang Nationa Arts Month sa mga susunod na araw.

Gayundin ay suportahan ang pagbabahagi at pagtatanghal nila sa darating na Pebrero 19-20 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

#OrangeTourismFestival2025 #SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan | February 7, 2025

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan | February 7, 2025

Para sa patuloy na hangaring malusog at maunlad na Lalawigan, isinagawa ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o “Medical Mission” sa Quezon Convention Center, Lucena City ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 7.

Naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga kawani mula sa Quezon Provincial Health Office at ilang pribadong doktor at espesyalista mula sa iba’t ibang parte ng lalawigan ng Quezon.

May kabuuang bilang na 3,225 ang benepisyaryo mula sa lungsod ng Lucena ang libreng nahatiran ng iba’t ibang serbisyong medikal gaya ng Medical Consultation, Dental Extraction, Minor Surgery, FBS, Laboratory, Ultrasound, at ECG. Kaugnay nito nagbigay rin ng mga libreng gamot at libreng salamin para sa mga indibidwal na may problema sa kanilang paningin.

Samantala, asahang patuloy na lilibot ang medical team sa bawat sulok ng lalawigan ng Quezon upang masiguro na lahat ng Quezonian ay mahahatiran ng libreng serbisyong pangkalusugan.

#HEALINGQuezon #SerbisyongTunayAtNatural #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025


Quezon PIO