NEWS AND UPDATE

Libreng Upper Bleacher Tickets para sa Darating na Laro ng Quezon Huskers laban sa Rizal XentroMall Golden Coolers | August 06, 2024

Libreng Upper Bleacher Tickets para sa Darating na Laro ng Quezon Huskers laban sa Rizal XentroMall Golden Coolers | August 06, 2024

TINGNAN: Naipamigay ngayong araw ng Martes, Agosto 6 ang libreng upper bleacher tickets para sa darating na laro ng Quezon Huskers laban sa Rizal XentroMall Golden Coolers na gaganapin bukas ng Agosto 7, 8PM sa Quezon Convention Center, Lucena City

Sabay-sabay nating suportahan ang pakikipagtagisan ng ating pambatong koponan!

Muling paalala, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng naturang ticket.


Quezon PIO

Press Conference ng Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 | August 06, 2024

Press Conference ng Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 | August 06, 2024

Isinagawa ngayong araw ng Martes, Agosto 6 ang press conference ng Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 upang pormal na iprisenta ang bawat kalahok ng nasabing nalalapit na prestihiyosong patimpalak sa lalawigan ng Quezon.

Isa-isang nagpakilala ang 28 Ginoo at 24 Binibini na maglalaban-laban para makuha ang korona. Sinagot din ng ilang kalahok ang mga katanungan ukol sa kanilang naging karanasan at paghahanda para kompetisyon.

Tunghayan at abangan naman kung sino sa mga kalahok ang mag-uuwi ng titulo bilang Ginoo at Binibining Niyogyugan ngayong taon sa darating na Agosto 9, 2024 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Kaya mga kalalawigan, halina’t suportahan ang inyong mga pambato!

Link:

https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid02D5L8f5GbVd8XoyDM69jAtY9q7nX97PDwTJ9yPFqsbZqbLfiZ9zTu2xZL2Q7b7cUMl?rdid=Zen8W7CunJgBLmjT


Quezon PIO

Itinatayong mga Agri-Tourism Booth para sa Niyogyugan Festival

Itinatayong mga Agri-Tourism Booth para sa Niyogyugan Festival

TINGNAN: Itinatayo na sa Quezon Provincial Capitol Grounds ang mga agri-tourism booth ng bawat munisipalidad at lungsod para sa darating na makulay na pagdiriwang ng Niyogyugan Festival ngayong taon.

Makisaya at tunghayan ang iba’t-iba pang aktibidad na inihanda sa nasabing kasabik-sabik na pagdiriwang na magbubukas sa Agosto 9 hanggang 19, 2024.


Quezon PIO

Quezon Huskers vs. Xentro Mall Golden Coolers Free Ticket Distribution

Quezon Huskers vs. Xentro Mall Golden Coolers Free Ticket Distribution

HOME GAME NG QUEZON HUSKERS‼️

Ang laro ng ating koponan laban sa Rizal XentroMall Golden Coolers ay gaganapin sa Quezon Convention Center sa darating na Miyerkules, August 7, 2024, 8 PM.

Kaya naman mamimigay po tayo bukas ng libreng upper bleacher tickets upang sama-sama nating masuportahan ang pambato ng Quezon! 💪🏀

Narito po ang schedule ng free ticket distribution sa mga bayan na nakalista sa ibaba:

✅ Lucena City (1,500 tickets) – Quezon Provincial Tourism Office – Capitol Compound (Aug. 6 – 1 PM onwards)

✅ Pagbilao (200 tickets) – Sentrong Pangkabuhayan, Brgy. Sta. Catalina, Pagbilao (Aug. 6 – 1 PM onwards)

✅ Sariaya (200 tickets) – Barangay Hall of Poblacion 2 (Aug. 6 – 1 PM onwards)

✅ Tayabas (200 tickets) – Band Stand – Brgy. San Roque Zone 1 (Aug. 6 – 1 PM onwards)

PAALALA❗❗❗

1. Ang pamimigay ng tickets ay isa lamang sa kada tao.

2. Limitado lang ang tickets na ipinamamahagi.

3. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng ipinamahaging libreng upper bleacher tickets.

Sugod na Quezonians! 🏀


Doktora Helen Tan Facebook Page

Blessing of 2-Storey 6-Classroom Typhoon Resilient Building | August 05, 2024

Blessing of 2-Storey 6-Classroom Typhoon Resilient Building | August 05, 2024

Binasbasan na ngayong araw, ika-5 ng Agosto ang 2-Storey 6 Classroom Typhoon Resilient Building na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan para sa Sariaya National High School.

Ang nasabing gusali ay may kabuuang pondo na P16.7 million na nagmula sa Special Educational Fund 2023, pinapatakbo ito ng 20 Solar Power Panels at mayroong sariling Water Pump, Automatic Fire Protection Sprinklers at kayang maglaman ng bawat silid-aralan ng 40 hanggang 50 na estudyante.

Asahan ang tuloy-tuloy na pagtutok ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Governor Doktora Helen Tan sa mga programang mag-aangat sa antas ng Edukasyon sa buong Quezon.


Quezon PIO

Blessing of Multi-purpose Building / Covered Court | August 05, 2024

Blessing of Multi-purpose Building / Covered Court | August 05, 2024

Mainit na sinalubong ng mga mag-aaral ng Quezon Science High School ang pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan upang pangunahan ang pormal na pagbabasbas ngayong araw ng Lunes, Agosto 5 ng bagong Multi-Purpose Building o Covered Court.

Ang unang pondo ng nasabing gusali ay nagmula sa 20% Development Fund 2017 na nagkakahalagang P13 million, at nabigyan muli ito ng P15 million pondo mula sa DPWH Fund 2023 na nagsilbing daan upang maitayo at maisakatuparan na ang proyekto.

Samantala, may 4 na restroom, 2 dressing room, at 1 storage room ang multi-purpose building.

Labis rin ang tuwa ng bawat guro, magulang, at estudyante dahil may malawak na silang pasalidad na magagamit upang pagdausan ng iba’t-ibang aktibidad o okasyon.


Quezon PIO

Blessing of 2-Storey 4-Classroom School Building | August 05, 2024

Blessing of 2-Storey 4-Classroom School Building | August 05, 2024

Masayang pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw ng Lunes, Agosto 5 ang pagbabasbas ng bagong pang-edukasyon na gusali para sa Pahinga Norte Elementary School na matatagpuan sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Mayroong dalawang palapag at apat na silid-aralan ang nasabing typhoon resilient na gusali, at pinapatakbo rin ito ng 20 solar power panels.

Nagkakahalaga naman ng P12.4 million ang pondong ginamit sa pagpapatayo ng gusali na nagmula sa Special Education Fund 2023.


Quezon PIO

Blessing of 2-Storey 6-Classroom School Building | August 05, 2024

Blessing of 2-Storey 6-Classroom School Building | August 05, 2024

Nag-uumapaw ang saya ng mga estudyante at guro ng Bukal Sur Elementary School matapos isagawa ngayong araw, ika-5 ng Agosto ang pagbabasbas ng 6 Classrooms 2-Storey School Building na handog ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan.

Ang Typhoon Resilient School Building na ito ‘y nagkakahalaga ng P16.7 million na nagmula sa Special Educational Fund 2023, pinapatakbo ito ng 20 Solar Power Panels at mayroon din na sariling automatic fire protection sprinklers at water pump. Ang bawat silid-aralan ay kayang maglaman ng 40 hanggang 50 na estudyante.

Ang mga ganitong klase ng proyekto ng kapitolyo ang nagpapatunay sa hangarin ni Governor Doktora Helen Tan na magkaroon ng mas maunlad na lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Media Information Session | August 05, 2024

Media Information Session | August 05, 2024

Upang mas mapalawig pa ang mithiing makapagbibigay-impormasyon ukol sa mga inisyatiba at aksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pag-iingat ng pera at kapakanan ng mga mamamayan, isinigawa nitong araw ng Agosto 5 ang isang Media Information Session na ginanap sa BSP Lucena City Branch.

Kasama sa inanyayahan na dumalo sa nasabing mahalagang pagtitipon ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na kinatawanan ng Quezon Provincial Information Office (QPIO) kasama ang iba pang Media Partners ng BSP.

Ilan sa mga tinalakay ni Deputy Director for Economic and Financial Learning Mr. Arnel Adrian C Salva ang proseso ng pag-ikot ng pera sa buong bansa na nakaangkla sa 3 Pillars of Central Banking gaya ng (1) Price Stability, (2) Financial Stability at (3) Efficient payments and Settlement Systems.

Gayundin, binuksan din ni Bank Officer V ng Payments Policy and Development Department Mr. Martin Dominic A Reyes ang usapin ukol sa mga paraan ng pagsusumite ng mga complain ng mga konsyumer na magsisimula sa pagtalakay sa Financial Consumer Protection Act (FCPA) na dadaan sa kanilang Consumer Assistance Mechanism (CAM) upang masolusyonan ang problema na maaari ding dumaan sa Mediation at Adjudication ng BSP.

Isa rin sa ibinida ng BSP ang kanilang BOB o BSP Online Buddy na isang Chatbot na sumasagot hindi lamang sa mga katanungan sa bangko kundi nagbibigay impormasyon patungkol sa paraan ng pagresolba ng mga problema sa pangangalaga ng pera.

Samantala, buo naman ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng tanggapan ng QPIO na maihatid sa publiko ang mga impormasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas.


Quezon PIO

Recruitment Day Government Intership Program – Notice to the Public

Recruitment Day Government Intership Program – Notice to the Public

NOTICE TO THE PUBLIC

Due to large number of applicants for the Government Internship Program, the online registration has already been CLOSED.

Jobseekers may still seek for employment opportunities on August 13, 2024 at the Quezon Convention Center.

https://bit.ly/NiyogyuganJobandBusinessFair2024


Quezon PESO