3rd Quarterly Council Meeting ng PDRRMC | August 07, 2024
Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang 3rd Quarterly Council Meeting ng PDRRMC na dinaluhan ng mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng mga katuwang na ahensya ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 7.
Naibalita sa pagpupulong ni Provincial Veterinary Officer Dr. Flomella Caguicla ang patubgkol sa sunod-sunod na outbreak na kinakaharap hindi lang sa Quezon kundi sa buong Pilipinas dulot ng African Swine Fever, isang sakit na sanhi ng virus na nakakamatay sa mga alagang baboy. Tinitiyak naman na agaran ang pag-aksyon ng Office of the Provincial Veterinarian upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na nakakapinsala sa isang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan sa Quezon.
Samantala, puspusan ang paghahanda ng PDRRMO para sa kaligtasan ng mga turista at mamamayang Quezonian na makikisaya sa darating na Niyogyugan Festival na magsisimula sa Agosto 9 at magtatapos sa ika-19 ng nasabing buwan.
Nagkaroon naman ng updates ang UNDP tungkol sa kung ano nga ba ang role ng Quezon Resilience Council sa mga Local Government Units at ang pagkilala ng mga ito sa kahalagahan ng mga partners at stakeholders ng layong mas mapaigting pa ang katatagan ng Lalawigan.
Sa huli ay nagbigay kompromiso naman ang pamunuan ng PNP na tututukan ang daloy ng trapiko, mga street vendors at ang mas pinalakas na pwersa nila para sa kaligtasan ng mga Quezonian sa darating na Niyogyugan Festival.
Quezon PIO