NEWS AND UPDATE

Gabi ng Kulturang Quezonian – August 09, 2024

Gabi ng Kulturang Quezonian – August 09, 2024

Tara na at makisayaw, makikanta at makisaya sa Niyogyugan Festival 2024 🌴

Ating panoorin ang mga kababayan nating Quezonians sa pagpapamalas ng kanilang talento sa GABI NG KULTURANG QUEZONIAN 2024 mula August 9 – 19, 2024 sa Festival Ground, Provincial Capitol Compound, Lucena City.

Tara Na Sa Quezon!


Quezon Tourism

“Festival Wear Competition” ng Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024!

“Festival Wear Competition” ng Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024!

Mayamang sining at kultura ng bawat bayan sa Lalawigan ng Quezon, ipinamalas ng mga malilikhaing Quezonian sa “Festival Wear Competition” ng Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024!

Photography: Meta Photo

Videography: BNVD

Creative Directors: Nesler Almagro and Deo Omaña

Assisted by: Lester Salamillas


Quezon Tourism

Ginoo at Binibining Niyogyugan Coronation Night | August 09, 2024

Ginoo at Binibining Niyogyugan Coronation Night | August 09, 2024

Matagumpay na nasungkit nina G. General Luna, Rei Aldrich S. Gregorio at Bb. Tayabas, Raihja J. Lames ang titulo ng Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 sa Grand Coronation Night, ngayong gabi ng Biyernes, Agosto 9.

Matapos ang tagisan sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon na ginanap noong araw ng Huwebes, Agosto 8, umangat ang ganda, kisig at talino ni G. General Luna at Bb. Tayabas.

Nakamit naman nina G. Catanauan, Patrick Louis M. Assitin at Bb. Tiaong, Andrea Clavel M. Sumadsad ang titulong G. at Bb. Niyogyugan Health and Wellness 2024. Gayundin napanalunan naman nina G. Tiaong, Red Mark C. Baciles at Bb. Dolores, Joshly Andrea E. Briz ang titulo ng Ginoo at Binibining Niyogyugan Environment 2024.

Samantala, nakuha naman nina G. Candelaria, Miko A. Jardin at Bb. Candelaria, Karmela Mariz P. Angulo ang Ginoong at Binibining Niyogyugan – Tourism 2024 at iniuwi naman nina G. Gumaca, Justine B. Olivarez at Bb. San Narciso, Mary Joy Nanas ang Ginoong at Binibining Niyogyugan – Agriculture 2024.

Narito pa ang mga dagdag na parangalan ng kompetisyon:

Congeniality

G. San Narciso

Bb. San Narciso

Photogenic

G. Catanauan

Bb. Pagbilao

Best in Festival Wear

G. Tiaong

Bb. Candelaria

Best in Production Attire

G. General Luna

Bb. Tiaong

Best in Swimwear

G. Tiaong

Bb. Tiaong

Best in Formal Wear

G. General Luna

Bb. Tiaong

Best in Festival Costume Designer

G. General Luna

Bb. Calauag

Best in Formal Wear Designer

G. General Luna

Bb. Tiaong

Pagbati sa itinanghal na Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024. Mabuhay ang mga nagsipaglahok ng prestehiyosong kompetisyon ng ating Lalawigan, asahan pa ang mas pinabongga at kaabang abang na tagisan ng kisig, ganda, talino, husay at pagpapakita ng ipinagmamalaking kultura sa susunod na taon.


Quezon PIO

Niyogyugan Festival 2024 Opening Ceremony | August 09, 2024

Niyogyugan Festival 2024 Opening Ceremony | August 09, 2024

NIYOGYUGAN NA! 🌴🥥

TARA NA SA QUEZON!🧡

Pormal nang binuksan ngayong araw, Agosto 9 ang masaya at makulay na pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2024 na pinasinayaan ni Governor Doktora Helen Tan at Provincial Tourism Officer Nesler Louies Almagro.

Ayon sa gobernadora, sa nakalipas na taon ay naging mas simple ang nasabing selebrasyon sa kadahilanan na rin ng epektong dala ng pandemya. Ngunit ngayong taon ay kapansin-pansin ang muling pagbabalik ng magagarbong disenyo ng agri-tourism booths na isa sa pangunahing atraksyon ng pagdiriwang.

Bahagi naman sa layunin ng Niyogyugan Festival ang maibida ang kultura, sining, at produktong mula sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon.

Gayundin ay binibigyang-diin ng selebrasyon ang kahalagahan ng bawat magniniyog na Quezonian, kung saan ay naibahagi na ang nakaraang 5% sales ng pagdiriwang noong 2023 ay inilaan sa isang foundation na magbubuo ng isang programa para sa mga magsasaka ng niyog.

Samantala, nagpakita ng pakikiisa sa pagsisimula ng nasabing pagdiriwang sina Department of Tourism IV-A Regional Director Maritess Castro, Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, board members ng Sangguniang Panlalawigan, mga punong tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, mga punong bayan, at Provincial Directors ng iba’t-ibang ahensya.

Abangan ang iba pang mga aktibidad na inihanda at isasagawa para sa pagdiriwang ng engrandeng Niyogyugan Festival 2024 mula Agosto 9 hanggang 19.


Quezon PIO

Bida ka sa Float @Niyogyugan 2024 Float Competitions

Bida ka sa Float @Niyogyugan 2024 Float Competitions

Get ready to be wowed! @ Niyogyugan 2024 Float Competitions

The Niyogyugan Festival 2024 unveils its stunning floats in a grand convergence on August 15th evening at the Quezon Provincial Capitol Compound.

Be mesmerized by the stunning float decorations starting 8am of August 16, 2024. Capture the magic with your camera and vote for your 3 favorite floats and get the chance to win a special prize.

See the various floats on their thousands of colours and unique designs!

Witness the breath-taking parade on August 17th at 4 o’clock in the afternoon.

Don’t miss the excitement! Join us for #BidaKaSaNiyogyuganFloat2024.

What: Bida ka sa Niyogyugan Float 2024

Who: Open to All

When: Voting starts 8PM on August 16 until 4PM August 17, 2024

How:

• VISIT the Float display in front of the Quezon Convention Center on the scheduled visiting hours.

• CHOOSE three (3) of your favorite floats and strike a pose with your chosen float design.

• POST your favorites in your Facebook Account using <#nameofmunicipalityBidaKaSaNiyogyuganFloat2024>

(Ex: #PolilloBidaKaSaNiyogyuganFloat2024

• SCAN the QR Code on the Festival Grounds or in the Official FB Page and cast your votes on your chosen municipality

For full details visit Niyogyugan Festival Webpage at https://niyogyugan.quezonsystems.com

To vote visit https://niyogyugan.quezonsystems.com/vote

Link: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid02qM3dvmeYCJ45p67mCRqgBtbF9RHx1j52YDRQiFN3mFiMupVXwXsnwkCYnbcTKA8yl?rdid=fAHDgunRe77oE159


Quezon PIO

Niyogyugan Festival 2024

Niyogyugan Festival 2024

PANOORIN: Ang masigla at makulay na pagsisimula ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2024 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Halina’t makisaya sa iba’t-iba pang aktibidad na inihanda para sa nasabing engrandeng pagdiriwang mula Agosto 9-19 2024.

Link: https://www.facebook.com/watch/?v=874537157919640&rdid=wvWsiEnjWLJA0Vzs


Quezon PIO