
Binuksan ng tatlong (3) samahang benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) | March 21, 2025
Magkakasunod na binuksan ng tatlong (3) samahang benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang kani- kanilang mga negosyo sa bayan ng Tiaong sa mga Barangay ng Lusacan, San Isidro, at Ayusan II, ngayong araw ng Biyernes, Marso 21.
Sa tulong ng pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ni Governor Doktora Helen Tan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapamahagi ng tig-PHP 300,000 na halaga ng seed capital sa tatlumpu (30) na mga nabuong grupo mula sa San Antonio, Tiaong, Dolores, Candelaria, Sariaya, at Lucena City.
Ang tatlong (3) samahang benepisyaryo ay tinatawag na; Hiyas ng Lusacan SLP Association (Bigasan), Pahiyas Ng San Isidro SLP Association (Rice Selling Business), at Stand Ayusan SLP Association (Rice Retailing) kung saan binisita at inasess ni Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco ang kalagayan ng mga bagong bukas na negosyo upang alamin ang mga kailangan pang gawin para mapalago pa ang kanilang negosyo.
Asahan naman ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga negosyo upang magkaroon sila ng alternatibong pangkabuhayan.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#SustainableLivelihoodProgram
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
Quezon PIO