NEWS AND UPDATE

Blessing of Covered Court | August 10, 2024

Blessing of Covered Court | August 10, 2024

Kasabay ng isinagawang Medical Mission sa bayan ng San Francisco, pinasinayaan din ni Governor Doktora Helen Tan ang pagbabasbas ng bagong Covered Court para sa mga mag-aaral ng Aurora Central Annex 1 Elementary School sa ginanap na programa kahapon, Agosto 10.

Malaking tulong ang bagong gusali para sa mga guro at estudyante ng paaralan dahil magiging mas malawak at maginhawa ang pagdaraos ng iba’t-ibang okasyon dito.

Nakasama rin sa nasabing seremonya sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, Board Member Jacky Delimos, at Mayor Kresna Fernandez.

Quezon PIO

Grand Tagayan Day- Niyogyugan Music Fest | August 10, 2024

Grand Tagayan Day- Niyogyugan Music Fest | August 10, 2024

HAPPENING NOW: Grand Tagayan Day- Niyogyugan Music Fest
August 10, 2024 | Alcala Sports Complex, Lucena City

Link Live – Provincial Government of Quezon

Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | August 10, 2024

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | August 10, 2024

TINGNAN: Mga naging kaganapan sa isinagawang Medical Mission o programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa bayan ng San Francisco ngayong araw, Agosto 10.

Ito’y bilang bahagi pa rin sa misyon ni Governor Doktora Helen Tan na mailapit ang serbisyo ng kapitolyo para sa bawat Quezonian, gaano man sila kalapit o kalayo.

#LingapSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2024

Quezon PIO

CONGRATULATIONS! Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024

CONGRATULATIONS! Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024

CONGRATULATIONS! Ginoong Niyogyugan 2024 Rei Aldrich S. Gregorio mula sa Bayan ng General Luna at Binibining Niyogyugan 2024 Raihja J. Lames na mula naman sa Tayabas City.

Quezon PIO

Grand Tagayan Day Niyogyugan Music Fest | August 10, 2024

Grand Tagayan Day Niyogyugan Music Fest | August 10, 2024

Na’ay po!

RIVERMAYA, DIONELA at si Elaine Duran makikisaya sa Niyogyugan 2024
FREE CONCERT, walang ticket na kailangan, kundi ang disiplina sa pagsunod sa mga alituntunin. Kaya naman TAra Na!
While we are just ending the day because of the recently concluded Ginoo at Binibining Niyogyugan Coronation Night. Hindi pa rin magpapaawat ang Niyogyugan Festival sa mga sorpresa kaya naman magkita-kita tayo mamayang ika-lima ng hapon sa kauna-unahang Grand Tagayan Day 2024 (Niyogyugan Music Fest 2024).

August 10, 2024 | 5:00 PM
📍Alcala Sport Complex, Lucena City
(Quezon National High School)

Handog ni Governor Doktora Helen Tan at ng Sangguniang Panlalawigan ang RIVERMAYA at Dionela. Dagdag pa rito si Elaine Duran na handog naman ni Cong. Reynan Arrogancia.
Kasama rin nila ang nga local artists at performers upang mas magbigay kulay sa Grand Tagayan Day 2024!

– Quezon’s Pride (Bryan, Ryan, Antonette and Paula)
– Terpsichorean Dance Company
– Dulayan
– Hello Belinda
– Atimonan DYD
– Simple Mover Dancers
– DJ Sarah, DJ Sidney, DJ Mikhael, DJ Julius and MC Phillip

TAra Na sa Quezon!
TAra Na sa Niyogyugan!

Tourism Quezon Province

Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 Coronation Night | August 9,2024

Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 Coronation Night | August 9,2024

Matagumpay na nasungkit nina G. General Luna, Rei Aldrich S. Gregorio at Bb. Tayabas, Raihja J. Lames ang titulo ng Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 sa Grand Coronation Night, ngayong gabi ng Biyernes, Agosto 9.

Matapos ang tagisan sa iba’t ibang kategorya ng kompetisyon na ginanap noong araw ng Huwebes, Agosto 8, umangat ang ganda, kisig at talino ni G. General Luna at Bb. Tayabas.

Nakamit naman nina G. Catanauan, Patrick Louis M. Assitin at Bb. Tiaong, Andrea Clavel M. Sumadsad ang titulong G. at Bb. Niyogyugan Health and Wellness 2024. Gayundin napanalunan naman nina G. Tiaong, Red Mark C. Baciles at Bb. Dolores, Joshly Andrea E. Briz ang titulo ng Ginoo at Binibining Niyogyugan Environment 2024.

Samantala, nakuha naman nina G. Candelaria, Miko A. Jardin at Bb. Candelaria, Karmela Mariz P. Angulo ang Ginoong at Binibining Niyogyugan – Tourism 2024 at iniuwi naman nina G. Gumaca, Justine B. Olivarez at Bb. San Narciso, Mary Joy Nanas ang Ginoong at Binibining Niyogyugan – Agriculture 2024.

Narito pa ang mga dagdag na parangalan ng kompetisyon:

Congeniality
G. San Narciso
Bb. San Narciso

Photogenic
G. Catanauan
Bb. Pagbilao

Best in Festival Wear
G. Tiaong
Bb. Candelaria

Best in Production Attire
G. General Luna
Bb. Tiaong

Best in Swimwear
G. Tiaong
Bb. Tiaong

Best in Formal Wear
G. General Luna
Bb. Tiaong

Best in Festival Costume Designer
G. General Luna
Bb. Calauag

Best in Formal Wear Designer
G. General Luna
Bb. Tiaong

Pagbati sa itinanghal na Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024. Mabuhay ang mga nagsipaglahok ng prestehiyosong kompetisyon ng ating Lalawigan, asahan pa ang mas pinabongga at kaabang abang na tagisan ng kisig, ganda, talino, husay at pagpapakita ng ipinagmamalaking kultura sa susunod na taon.

Quezon PIO

CONGRATULATIONS! Ginoong & Binibining Niyogyugan 2024 | August 9, 2024

CONGRATULATIONS! Ginoong & Binibining Niyogyugan 2024 | August 9, 2024

CONGRATULATIONS! Ginoong Niyogyugan 2024 Rei Aldrich S. Gregorio mula sa Bayan ng General Luna at Binibining Niyogyugan 2024 Raihja J. Lames na mula naman sa Tayabas City.

Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 Coronation Night | August 9,2024

Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 Coronation Night | August 9,2024

HAPPENING NOW: Ginoo at Binibining Niyogyugan 2024 Coronation Night
August 9,2024 | Quezon Convention Center, Lucena City

Link: Live | Provincial Government of Quezon

Quezon PIO

Niyogyugan Festival 2024 Opening Ceremony | August 9, 2024

Niyogyugan Festival 2024 Opening Ceremony | August 9, 2024

NIYOGYUGAN NA! 🌴🥥
TARA NA SA QUEZON!🧡

Pormal nang binuksan ngayong araw, Agosto 9 ang masaya at makulay na pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2024 na pinasinayaan ni Governor Doktora Helen Tan at Provincial Tourism Officer Nesler Louies Almagro.

Ayon sa gobernadora, sa nakalipas na taon ay naging mas simple ang nasabing selebrasyon sa kadahilanan na rin ng epektong dala ng pandemya. Ngunit ngayong taon ay kapansin-pansin ang muling pagbabalik ng magagarbong disenyo ng agri-tourism booths na isa sa pangunahing atraksyon ng pagdiriwang.

Bahagi naman sa layunin ng Niyogyugan Festival ang maibida ang kultura, sining, at produktong mula sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon.

Gayundin ay binibigyang-diin ng selebrasyon ang kahalagahan ng bawat magniniyog na Quezonian, kung saan ay naibahagi na ang nakaraang 5% sales ng pagdiriwang noong 2023 ay inilaan sa isang foundation na magbubuo ng isang programa para sa mga magsasaka ng niyog.

Samantala, nagpakita ng pakikiisa sa pagsisimula ng nasabing pagdiriwang sina Department of Tourism IV-A Regional Director Maritess Castro, Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, board members ng Sangguniang Panlalawigan, mga punong tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan, mga punong bayan, at Provincial Directors ng iba’t-ibang ahensya.

Abangan ang iba pang mga aktibidad na inihanda at isasagawa para sa pagdiriwang ng engrandeng Niyogyugan Festival 2024 mula Agosto 9 hanggang 19.

#TAraNasaQuezon
#NiyogyuganFestival2024

Quezon PIO

Grand Tagayan Day Niyogyugan Music Fest – August 10, 2024

Quezon Tourism