NEWS AND UPDATE

Kulturang Quezonian Declamation, Oration, & Sabayang Pagbigkas | August 11, 2024

Kulturang Quezonian Declamation, Oration, & Sabayang Pagbigkas | August 11, 2024

Sa Ika-apat na araw ng Niyogyugan Festival nitong araw ng Linggo, Agosto 11, ginanap ang Kulturang Quezonian Declamation, Oration at Madulang Sabayang Pagbigkas sa Niyogyugan Festival Stage- Perez Park, Lucena City.

Kanya-kanyang diskarte sa pagpapakita ng husay sa pagbato ng mga salita ang mga kalahok mula sa apat na distrito ng Lalawigan pagdating sa kanilang mga kategoriya na tunay na hinangaan ng mga nanuod dito.

Narito ang pagkakasunod-sunod ng mga nagwagi sa ginanap na kompetisyon:

-Declamation:

Champion- AIDEEN YUSSEFF SEÑO (Tayabas City)

1st Place- NICO A. ROCA (Mulanay)

2nd Place- CAZZANDRA AALIAH M. DIGNO (Candelaria)

3rd Place- BEALY SHANE C. MAPA (Perez)

-Oration (High School)

Champion- BENCH ANDREI S. VERZOLA (Quezon)

1st Place- MILES LUIS M. DELOS SANTOS (Sariaya)

2nd Place- KARLA GABRIEL CHARIZMA COSIP (Pagbilao)

3rd Place- JOHN KENNETH B. REGIO (General Luna)

– Oration (College)

Champion – ARJAY M. LUSTERIO (Lucban)

1st Place – JEROME S. CADAG (Atimonan)

2nd Place – REZZA MHAY J. MAAÑO (General Luna)

3rd Place – JAMES MATTHEW ARANILLA (Candelaria)

-Sabayang Pagbigkas

Champion: Pagbilao, Quezon

1st Place: Unisan, Quezon

2nd Place: Gumaca, Quezon

3rd Place: Tiaong, Quezon

Sa kasabay na gabi ay ipinakita ng Tepsichorean Performing Arts ang kanilang makapanindig balahibong performances na bahagi naman ng Gabi ng Kulturang Quezonian.

Quezon PIO

Isinagawang Medical Mission o programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Bayan ng San Narciso | August 11, 2024

Isinagawang Medical Mission o programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa Bayan ng San Narciso | August 11, 2024

TINGNAN: Mga kaganapan sa isinagawang Medical Mission o programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa bayan ng San Narciso na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw, Agosto 11.

Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | August 10, 2024

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | August 10, 2024

TINGNAN: Mga naging kaganapan sa isinagawang Medical Mission o programang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” sa bayan ng San Francisco ngayong araw, Agosto 10.

Ito’y bilang bahagi pa rin sa misyon ni Governor Doktora Helen Tan na mailapit ang serbisyo ng kapitolyo para sa bawat Quezonian, gaano man sila kalapit o kalayo.

Constructions of QPHN San Francisco Quezon | August 10, 2024

Constructions of QPHN San Francisco Quezon | August 10, 2024

TINGNAN: Personal na nagtungo nitong araw ng Sabado, Agosto 10 si Governor Doktora Helen Tan sa QPHN – San Francisco upang suriin ang kasalukuyang kalagayan ng itinatayong bagong gusali nito, gayundin ay kanyang kinamusta ang mga pasyenteng naka-admit ng nasabing ospital.

Quezon PIO

Blessing of Covered Court | August 10, 2024

Blessing of Covered Court | August 10, 2024

Kasabay ng isinagawang Medical Mission sa bayan ng San Francisco, pinasinayaan din ni Governor Doktora Helen Tan ang pagbabasbas ng bagong Covered Court para sa mga mag-aaral ng Aurora Central Annex 1 Elementary School sa ginanap na programa kahapon, Agosto 10.

Malaking tulong ang bagong gusali para sa mga guro at estudyante ng paaralan dahil magiging mas malawak at maginhawa ang pagdaraos ng iba’t-ibang okasyon dito.

Nakasama rin sa nasabing seremonya sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, Board Member Jacky Delimos, at Mayor Kresna Fernandez.

Quezon PIO

Grand Tagayan Day Niyogyugan Music Fest | August 10, 2024

Grand Tagayan Day Niyogyugan Music Fest | August 10, 2024

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Niyogyugan Festival 2024, ginanap ang Grand Tagayan Day: Niyogyugan Music Fest kahapon ng Sabado, Agosto 10 sa Alcala Sports Complex, Lucena City.

Binigyang kulay nina Elaine Duran, Dionela at Rivermaya ang nasabing music fest kasama ang mga ipinagmamalaking mahuhusay sa larangan ng pagtatanghal at sining ng lalawigan ng Quezon gaya nina Dylan Generica, Quezon’s Pride, at marami pang iba.

Samantala, pinangunahan naman ni Vice Governor Third Alcala at panganay na anak ni Governor Doktora Helen Tan na si Doc Kim Tan ang naganap na malawakang pagtagay ng lambanog na may mahalagang papel sa kultura ng mga Quezonian.

Asahan pa ang mga kaabang-abang na aktibidad para sa Niyogyugan Festival 2024 na tiyak magbibigay saya sa bawat isa hanggang Agosto 19.

Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan – San Francisco, Quezon | August 10, 2024

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan – San Francisco, Quezon | August 10, 2024

Walang layo at pagod ang naging hadlang upang hindi maihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng buong Medical Team ang Libreng Serbisyong Gamutan para sa 5,147 mamamayan ng bayan ng San Francisco nitong araw ng Sabado, Agosto 10.

Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang mga doktor at espesyalista mula sa iba’t-ibang ospital at pagamutan sa Maynila gayundin sa lalawigan ng Quezon, nabigyan pagkakataon na makapagpatingin ng kalagayan ng kalusugan ang mga residente ng nasabing bayan.

Ilan sa mga dalang libreng serbisyong medikal ay medical check-up para sa mga bata at matanda, bunot ng ngipin, tuli, derma, cervical cancer screening, family planning implant, Ultrasound, ECG, CBC, HIV Screening, Urinalysis, FBS/RBS, pagbabakuna ng PCV 23, at mayroon ding libreng gamot.

Sa pamamagitan naman ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO), nakapamahagi ng medical assistance na mula sa programang AICS para sa mga pasyenteng hindi available ang niresetang gamot gayundin ang inirekomendang laboratoryo ng doktor.

Samantala, nakasama sa paghahatid ng nasabing serbisyong medikal sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, Board Member Jacky Delimos, at Mayor Kresna Fernandez.

Quezon PIO

Pagtungo ni Governor Doktora Helen Tan sa QPHN – San Francisco | August 10, 2024