NEWS AND UPDATE

Niyogyugan Festival 2024 Grand Parade | August 13, 2024

Niyogyugan Festival 2024 Grand Parade | August 13, 2024

Niyogyugaaaaaan!! 🌴🥥


𝐀𝐛𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐠𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐨𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚’𝐭-𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧.


𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝-𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐞 𝐬𝐚 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐢𝐤𝐚-𝟒 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧. 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐥𝐲𝐨 – 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐛𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐜𝐢𝐟𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐥𝐥 𝐋𝐮𝐜𝐞𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐰-𝟔 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨.


𝙏𝙖𝙧𝙖 𝙣𝙖 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙠𝙞-𝙣𝙞𝙮𝙤𝙜𝙮𝙪𝙜𝙖𝙣! 𝙏𝙖𝙧𝙖 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙌𝙪𝙚𝙯𝙤𝙣!


#NiyogyuganFestival2024


#TAraNasaQuezon

Niyogyugan Job & Business Fair 2024 | August 13, 2024

Niyogyugan Job & Business Fair 2024 | August 13, 2024

HAPPENING NOW: Niyogyugan Job & Business Fair 2024

August 13,2024 | Quezon Convention Center


Livestream – Provincial Government of Quezon


Quezon PIO

CocoZumba Dance Contest Championship | August 12, 2024

CocoZumba Dance Contest Championship | August 12, 2024

HAPPENING NOW: CocoZUMBA Dance Contest Championship

August 12, 2024 | Perez Park, Lucena City


Livestream – Provincial Government of Quezon

#TaraNaSaQuezon

#niyogyuganfestival2024


Quezon PIO

Kalusugan sa Niyogyugan | August 12, 2024

Kalusugan sa Niyogyugan | August 12, 2024

KALUSUGAN SA NIYOGYUGAN 2024


Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Niyogyugan Festival ngayong taon, nagsagawa ng libreng serbisyong medikal para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na may temang “Kalusugan Pangkaisipan: Stress Management and Promotion of Healthy Lifestyle” sa pangunguna ng Provincial Health Office ngayong araw, Agosto 12 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Layunin ng nasabing programa na mabigyang pansin din ang kalusugan ng bawat empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan lalo na’t ang pangunahing tinututukan ni Governor Doktora Helen Tan ay ang malusog na pangangatawan at kaisipan ng kanyang mga kalalawigan.

Iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan naman ang napakinabangan ng mga empleyado tulad na lamang ng libreng chest X-ray, ultrasound para sa kababaihan, cervical cancer screening, UACR Test, RBS, HIV screening and counseling, pagbabakuna ng anti-pneumonia, diet and nutrition counseling, kilatis-kutis o dermatological services, at libreng vitamins.

Bukod sa mga nabanggit na serbisyo ay magroon ding libreng pagpapagupit at pagpapamasahe, gayundin ay nagsagawa libreng pagpaparehistro sa PhilHealth at programang Konsulta.

Samantala, nagkaroon din ng lecture o talakayan ukol sa Mental Health in the Workplace na pinangunahan ni Dr. Dario Domingo C Flores ng QPHN-QMC.

 

#TAraNasaQuezon
#NiyogyuganFestival2024


Quezon PIO

Southern Luzon State University SLSU 55th Commencement Exercises | August 12, 2024

Southern Luzon State University SLSU 55th Commencement Exercises | August 12, 2024

“Today is the 55th commencement exercises, ito ay isang tagumpay, na dapat ninyong ipagmalaki at ipagpapasalamat sa diyos, proud ako sa inyong lahat, the Provincial Government is proud of what you have achieved.”

Ito ang sinabi ni Governor Doktora Helen Tan sa kanyang commencement address para sa 2024 Graduating Class ng Southern Luzon State University ngayong araw ng Lunes, Agosto 12 sa Lucban Quezon.

Humigit 700 mag-aaral ng kolehiyo mula sa SLSU Main Campus College of Agriculture, College of Allied Medicine at College of Education ang nagsipagtapos ng kanilang pag-aaral. Ito ang simula ng kanilang panibagong yugto kaya naman “MALIGAYANG PAGTATAPOS YUYANS.”


Quezon PIO

ANNOUNCEMENT | August 13, 2024

ANNOUNCEMENT | August 13, 2024

ANNOUNCEMENT❗️❗️❗️

FOR THOSE WHO HAVE NOT ABLE TO PRE-REGISTER FOR TOMORROW’S NIYOGYUGAN JOB AND BUSINESS FAIR, YOU ARE STILL WELCOME TO ATTEND AND HAVE THE CHANCE TO BE HIRED.

KINDLY BRING YOUR RESUME ON
AUGUST 13, 2024 I 8:00 AM – 5:00 PM
PARA SA MGA HINDI NAKAPRE-REGISTER PARA SA NIYOGYUGAN JOB AND BUSINESS FAIR, WELCOME KA PARIN NA DUMALO AT MAGKAROON NG
PAGKAKATAONG MA-HIRE.

MAGDALA LAMANG NG RESUME SA DARATING NA
AUGUST 13, 2024 I 8:00 AM – 5:00 PM


Quezon PESO

Cocozumba Dance Contest Championship | August 12, 2024

Cocozumba Dance Contest Championship | August 12, 2024

Masiglang iniyugyog ng bayan ng Unisan mula sa Ikatlong Distrito ang kampeonato sa ginanap na CocoZumba Dance Contest na bahagi ng Niyogyugan Festival 2024 ngayong gabi ng Lunes, Agosto 12.

Hindi naman nagpakabog at nakuha ng bayan ng Real, kinatawan ng unang distrito ang ikalawang puwesto ng kompetisyon at ikatlong puwesto naman ang Candelaria na kumatawan sa Ikalawang Distrito.

Samantala napanalunan naman ng bayan ng Atimonan mula sa Ikaapat na Distrito ang ikaapat na puwesto sa CocoZumba Dance Contest 2024.

Sa naganap na kompetisyon rin ibinida ng bayan ng Real ang kanilang magaganda at makikinang na mga costume at itinanghal bilang best in costume ng nasabing kompetisyon.


Quezon PIO

Meeting Pertaining to the Status of African Swine Fever (ASF) & Army Worms in Quezon Province | August 9 & 12, 2024

Meeting Pertaining to the Status of African Swine Fever (ASF) & Army Worms in Quezon Province | August 9 & 12, 2024

Nagsagawa ng isang pagpupulong upang maibahagi ang kalalagayan ng ating probinsya sa sakit na ASF sa ating mga babuyan at army worm sa mga palayan at maisan, sa pangunguna ng ating butihing Ina ng Lalawigan, Gov. Doktora Helen Tan.

Ibinahagi at pinaliwanag ng ating Provincial Veterinarian, Dr. Flomella A. Caguicla sa ating mga Municipal/City Agriculturist/Veterinarian kasama ang Association of Barangay Captains (ABCs) ang kasalukuyang estado ng ASF sa lalawigan at rehiyon. Pinaalalahanan din niya ang ating mga munisipyo at barangay sa mga dapat gawin kung may mga baboy na nagkakasakit sa kanilang lugar.

Nagpaalala rin ang kawani ng DILG na maaaring masuspende ang isang public official kung hindi nito nireport ang mga hayop na may sakit sa kanilang lugar sa kinauukulan.

Samantala, ibinahagi din ng ating Provincial Agriculturist, Dr. Ana Clarissa S. Mariano, ang estado ng pinsala ng pesteng Army Worms sa ating mga palayan at maisan.

Nagkaroon din ng open forum upang maibahagi ang mga karanasan ng mga public officials sa kanilang lugar patungkol sa ASF at Army Worms.

Kasama rin sa dumalo sa nasabing pulong ang mga kawani mula sa Department of Agriculture, BM Gerry Talaga at BM Boyong Boonggaling.


Quezon ProVet

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | August 11, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | August 11, 2024

Malugod na naihatid ng buong Medical Team sa 5,767 mamamayan ng bayan ng San Narciso nitong araw ng Linggo, Agosto 11 ang Libreng Serbisyong Gamutan na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Napakinabangan ng mga residente ng nasabing bayan ang iba’t-ibang serbisyong medikal gaya ng medical check-up para sa mga bata at matanda, bunot ng ngipin, tuli, derma, ENT, cervical cancer screening, family planning implant, Ultrasound, ECG, CBC, HIV Screening, Urinalysis, FBS/RBS, pagbabakuna ng PCV 23, gayundin ang libreng gamot.

Namahagi rin ng medical assistance para sa mga pasyenteng hindi available ang niresetang gamot o laboratoryo sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO).

Ipinaabot naman ang pasasalamat sa mga doktor at espesyalista sa walang sawang pagkikipagbalikatan upang maging possible ang nasabing programa na patuloy na tumutugon para sa pangkalusugan na pangangailangan ng mga Quezonian.

#LingapSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2024

Quezon PIO

Kulturang Quezonian Declamation, Oration, & Sabayang Pagbigkas | August 11, 2024

Kulturang Quezonian Declamation, Oration, & Sabayang Pagbigkas | August 11, 2024

Sa Ika-apat na araw ng Niyogyugan Festival nitong araw ng Linggo, Agosto 11, ginanap ang Kulturang Quezonian Declamation, Oration at Madulang Sabayang Pagbigkas sa Niyogyugan Festival Stage- Perez Park, Lucena City.

Kanya-kanyang diskarte sa pagpapakita ng husay sa pagbato ng mga salita ang mga kalahok mula sa apat na distrito ng Lalawigan pagdating sa kanilang mga kategoriya na tunay na hinangaan ng mga nanuod dito.

Narito ang pagkakasunod-sunod ng mga nagwagi sa ginanap na kompetisyon:

-Declamation:

Champion- AIDEEN YUSSEFF SEÑO (Tayabas City)

1st Place- NICO A. ROCA (Mulanay)

2nd Place- CAZZANDRA AALIAH M. DIGNO (Candelaria)

3rd Place- BEALY SHANE C. MAPA (Perez)

-Oration (High School)

Champion- BENCH ANDREI S. VERZOLA (Quezon)

1st Place- MILES LUIS M. DELOS SANTOS (Sariaya)

2nd Place- KARLA GABRIEL CHARIZMA COSIP (Pagbilao)

3rd Place- JOHN KENNETH B. REGIO (General Luna)

– Oration (College)

Champion – ARJAY M. LUSTERIO (Lucban)

1st Place – JEROME S. CADAG (Atimonan)

2nd Place – REZZA MHAY J. MAAÑO (General Luna)

3rd Place – JAMES MATTHEW ARANILLA (Candelaria)

-Sabayang Pagbigkas

Champion: Pagbilao, Quezon

1st Place: Unisan, Quezon

2nd Place: Gumaca, Quezon

3rd Place: Tiaong, Quezon

Sa kasabay na gabi ay ipinakita ng Tepsichorean Performing Arts ang kanilang makapanindig balahibong performances na bahagi naman ng Gabi ng Kulturang Quezonian.


Quezon PIO