NEWS AND UPDATE

𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐀𝐒𝐅 𝐙𝐨𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐚𝐬 𝐨𝐟 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟒

𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐀𝐒𝐅 𝐙𝐨𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐥𝐚𝐬𝐬𝐢𝐟𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐔𝐩𝐝𝐚𝐭𝐞 𝐚𝐬 𝐨𝐟 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟒

Ang mga sumusunod ang mga bayan na nasa 𝙍𝙀𝘿/𝙄𝙉𝙁𝙀𝘾𝙏𝙀𝘿 𝙕𝙊𝙉𝙀:

1. San Andres

2. Macalelon

3. Lopez

4. Mauban

5. Candelaria

6. Tiaong

7. San Antonio

Pinapaalala sa lahat na panatilihin ang 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗢𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗜𝗧𝗬 sa inyong mga babuyan.

Para sa kung ano ang ASF Zoning Classification, mga Facts and Information about ASF at mga Mahahalagang Paalala sa mga Byahero ng Baboy bisitahin ang link na ito:

Link (1): https://www.facebook.com/provetquezonofficial/posts/pfbid0k1DqJ97zPwvTTHUuSK3BPd4Q29sJZtNruzT2stfD6i3w1Va4NsRH191JQuicURbil

Link (2): https://www.facebook.com/provetquezonofficial/posts/pfbid0ADmqae2XkdJjKCva55U7VmUax7isxipT2wDBGq25ta3weh4ys3GybHUe5aosxhTKl

Link (3) : https://www.facebook.com/provetquezonofficial/posts/pfbid0i2fGjYQQY94QYQAZ1gf6HvLmbDZoBJMd4Rd724RURUobyXvfCx4cHCc1ejsJ9xMxl


Quezon ProVet

Pagpupulong ng Provincial School Board | August 13, 2024

Pagpupulong ng Provincial School Board | August 13, 2024

TINGNAN: Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen, isinagawa ngayong araw ng Martes, Agosto 13 ang pagpupulong ng Provincial School Board upang mapag-usapan ang ilang suliraning kinahaharap ng lalawigan pagdating sa edukasyon.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga kawani mula sa DepEd Quezon at DepEd Tayabas City, gayundin nina Executive Assistant John Francis Luzano, Provincial Treasurer Rosario Marilou Uy, Board Member Jerry Talaga, at Board Member Jacky Delimos.


Quezon PIO

Pagpupulong ng Provincial Health Board| August 13, 2024

Pagpupulong ng Provincial Health Board| August 13, 2024

TINGNAN: Masigasig na ginanap ngayong araw ng Martes, Agosto 13 ang ika-pitong pagpupulong ng Provincial Health Board sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Upang tuloy-tuloy pa ring makamtan ang pangarap na malusog na lalawigan ng Quezon, patuloy na pinagsusumikapan ng Health Board ang pagpaplano sa mga hakbangin na isasakatuparan para sa maayos na kalusugan ng bawat mamamayang Quezonian.

Ilan sa mga napag-usapan naman ay patungkol sa estado at pagtataas datos ng mga rehistrado ng mamamayan sa Konsulta Program ng PhilHealth, gayundin ay ibinahagi ang patungkol sa Quezon Healthcare Information System (HIS).


Quezon PIO

2024 Niyogyugan Job & Business Fair | August 13, 2024

2024 Niyogyugan Job & Business Fair | August 13, 2024

Sa hangarin na maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Quezonian at pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan na makapagbigay sa mga ito ng hanapbuhay at trabaho, ginanap ang Niyogyugan Job and Business Fair 2024 ngayong araw ng Martes, Agosto 13 sa Quezon Convention Center.

Pinangunahan ni Asst. Department Head and Provincial PESO Manager Genecille Aguirre ang aktibidad na pinamunuan ng Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DOLE, TESDA Quezon at humigit 40 participating agencies at employers. Nakasama rin ang DICT Quezon, DTI, PhilHealth, SSS, PSA, PAG-IBIG, BJMP at BPI na naghandog ng libreng serbisyo para sa mga job seekers.

Lubos naman ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa mga naging katuwang na iba’t-ibang local and overseas agencies na nagbigay ng pag-asa at oportunidad sa mga Quezonian upang makahanap ng maganda at nararapat na trabahong angkop sa kanilang kakayahan.

Samantala, ang nasabing aktibidad na ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival ngayong taon, at ito na ang pangalawang pagkakataon na nagkaroon ng malawakang job fair para sa mga job seeker sa lalawigan ng Quezon na sinimulan noong 2023.

Asahan naman na magtutuloy-tuloy ang mga ganitong klaseng aktibidad na layong matulungan ang ating mga kalalawigan naghahanap ng trabaho.


Quezon PIO

MLQ Lecture Series & Quiz Bee | August 13, 2024

MLQ Lecture Series & Quiz Bee | August 13, 2024

Bukod sa mapaunlad at magbigyang halaga ang kultura, sining, agrikutura, at turismo bilang layunin ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2024, malaking pagkakataon din ito upang mapahalagahan ang kasaysaysan ng lalawigan ng Quezon.

Sa pamamagitan ng Provincial Library Office at Provincial Tourism Office, ginanap ngayong araw ng Agosto 13 sa STI College Lucena ang “MLQ Quiz Bee: Tagisan ng Talino” na nilahukan ng mga kabataang Quezonian na nasa Elementary, Junior High School, at Senior High School na mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Nagtagisan ang bawat mag-aaral na kalahok ukol sa kanilang kaalaman sa makasaysayang buhay ni dating Pangulong Manuel Luis Quezon gayundin ng kasaysayan ng lalawigan.

Narito ang mga nagwagi sa isinagawang kompetisyon:

ELEMENTARY:

•1ST PLACE – Aim Nathaneal A. Ramoran (Tiaong)

•2ND PLACE – Jian Paul Xavier C. Nolledo (General Nakar)

•3RD PLACE – Matt Cedric M. Nomabiles (Catanauan)

JUIOR HIGH SCHOOL:

•1ST PLACE – Andrea Gail R. Masibay (Infanta)

•2ND PLACE – Criza Jen C. Capistrano (Tayabas City)

•3RD PLACE – Liz Claudette De Claro (Quezon, Quezon)

SENIOR HIGH SCHOOL:

•1ST PLACE – Jaycel Ann Leonado (San Antonio)

•2ND PLACE – Chynna Alexandra T. Depon (Buenavista)

•3RD PLACE – Aidann Joseph Bricenio (Lopez)

Samantala, kasabay ring isinagawa ang MLQ Serye ng Talakayan na pinangunahan ni Mr. Joel Costa Malaban kung saan kanyang tinalakay ang “Si Quezon at ang Pamana niya sa Pagtaguyod ng Pambansang Wika sa Awiting Makabayan” at kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng kanta ang makabuluhang kwento ng kasaysayan kaugnay kay dating Pangulong Manuel Luis Quezon.


Quezon PIO

Niyogyugan Festival 2024 Grand Parade | August 13, 2024

Niyogyugan Festival 2024 Grand Parade | August 13, 2024

Niyogyugaaaaaan!! 🌴🥥


𝐀𝐛𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐠𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐫𝐨𝐬𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚’𝐭-𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧.


𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝-𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐏𝐚𝐫𝐚𝐝𝐞 𝐬𝐚 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐢𝐤𝐚-𝟒 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧. 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐝𝐚 𝐬𝐚 𝐂𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐥𝐲𝐨 – 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐲𝐛𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐀𝐯𝐞𝐧𝐮𝐞 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐜𝐢𝐟𝐢𝐜 𝐌𝐚𝐥𝐥 𝐋𝐮𝐜𝐞𝐧𝐚 𝐚𝐭 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐰-𝟔 𝐧𝐠 𝐠𝐚𝐛𝐢 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨.


𝙏𝙖𝙧𝙖 𝙣𝙖 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙠𝙞-𝙣𝙞𝙮𝙤𝙜𝙮𝙪𝙜𝙖𝙣! 𝙏𝙖𝙧𝙖 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝙌𝙪𝙚𝙯𝙤𝙣!


#NiyogyuganFestival2024


#TAraNasaQuezon

Niyogyugan Job & Business Fair 2024 | August 13, 2024

Niyogyugan Job & Business Fair 2024 | August 13, 2024

HAPPENING NOW: Niyogyugan Job & Business Fair 2024

August 13,2024 | Quezon Convention Center


Livestream – Provincial Government of Quezon


Quezon PIO

CocoZumba Dance Contest Championship | August 12, 2024

CocoZumba Dance Contest Championship | August 12, 2024

HAPPENING NOW: CocoZUMBA Dance Contest Championship

August 12, 2024 | Perez Park, Lucena City


Livestream – Provincial Government of Quezon

#TaraNaSaQuezon

#niyogyuganfestival2024


Quezon PIO

Kalusugan sa Niyogyugan | August 12, 2024

Kalusugan sa Niyogyugan | August 12, 2024

KALUSUGAN SA NIYOGYUGAN 2024


Bilang bahagi sa pagdiriwang ng Niyogyugan Festival ngayong taon, nagsagawa ng libreng serbisyong medikal para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon na may temang “Kalusugan Pangkaisipan: Stress Management and Promotion of Healthy Lifestyle” sa pangunguna ng Provincial Health Office ngayong araw, Agosto 12 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Layunin ng nasabing programa na mabigyang pansin din ang kalusugan ng bawat empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan lalo na’t ang pangunahing tinututukan ni Governor Doktora Helen Tan ay ang malusog na pangangatawan at kaisipan ng kanyang mga kalalawigan.

Iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan naman ang napakinabangan ng mga empleyado tulad na lamang ng libreng chest X-ray, ultrasound para sa kababaihan, cervical cancer screening, UACR Test, RBS, HIV screening and counseling, pagbabakuna ng anti-pneumonia, diet and nutrition counseling, kilatis-kutis o dermatological services, at libreng vitamins.

Bukod sa mga nabanggit na serbisyo ay magroon ding libreng pagpapagupit at pagpapamasahe, gayundin ay nagsagawa libreng pagpaparehistro sa PhilHealth at programang Konsulta.

Samantala, nagkaroon din ng lecture o talakayan ukol sa Mental Health in the Workplace na pinangunahan ni Dr. Dario Domingo C Flores ng QPHN-QMC.

 

#TAraNasaQuezon
#NiyogyuganFestival2024


Quezon PIO