HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024 | August 16, 2024
HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024 August 16, 2024 | Provincial Capitol, Lucena City Livestream – Provincial Government of Quezon
Quezon PIO
HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024 August 16, 2024 | Provincial Capitol, Lucena City Livestream – Provincial Government of Quezon
Quezon PIO
HAPPENING NOW : Niyogyugan 2024
August 16, 2024 | Provincial Capitol, Lucena City
Livestream – Provincial Government of Quezon
Kabilang sa hangarin ni Governor Doktora Helen Tan ang mabigyan ng oportunidad na trabaho ang mga mamamayan ng lalawigan ng Quezon, at isa sa mga programang tumutugon dito ay ang GIP o Government Internship Program.
Sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Assistant Department Head and PESO Manager Genecille Aguirre katuwang ang DOLE, isinagawa ngayong araw ng Biyernes, Agosto 16 ang GIP Orientation and Life Skills Training ng 593 Quezonian na benepisyaryo ng nasabing programa.
Malaking tulong ang programa upang malinang ang kasanayan sa pagtatrabaho ng mga benepisyaryo lalo’t karamihan sa kanila ay katatapos lamang sa kolehiyo. Nagkaroon din ng talakayan o life skills training na magagamit ng mga benepisyaryo sa kanilang pagtatrabaho.
Samantala, madedeploy naman ang mga ito sa iba’t-ibang opisana sa kapitolyo, satellite offices, DepEd, at Negosyo Centers.
Quezon PIO
Link:
Quezon ProVet
TINGNAN: Narito ang pasilip sa mga naggagandahang karosa ng mga kalahok na bayan at lungsod para sa gaganaping engrandeng parada ng Niyogyugan Festival 2024 bukas ng Sabado (4pm), Agosto 17.
Tuloy-tuloy lang ang saya, halina’t makiniyog-yugan na!
TARA NA SA QUEZON!
Photos:
Quezon PIO
Diskarte ang ipinakita ng mga kalahok mula sa apat na distrito ng Lalawigan ng Quezon sa ginanap na Cocolympics 2024 ngayong araw ng Huwebes, Agosto 15 sa Quezon Convention Center.
Limang palaro kagaya ng Lambanog Relay, Bangus Deboning, Panlazang Gen Z, Coconut Relay at Quezon, Game Ka Na Ba ang pinaglaanan ng mga kalahok ng kanilang husay at bilis, utak at puso upang ipamalas ang kanilang angking galing sa bawat kompetisyon.
Narito ang mga nagwagi sa mga sumusunod na palaro:
LAMBANOG RELAY:
1st Place- LUCBAN (DISTRICT I)
2nd Place- SAN ANTONIO (DISTRICT II)
3rd Place- BUENAVISTA (DISTRICT III)
4th Place- LOPEZ (DISTRICT IV)
BANGUS DEBONING:
1st Place- LUCBAN (DISTRICT I)
2nd Place- LUCENA (DISTRICT II)
3rd Place- QUEZON (DISTRICT IV)
4th Place- AGDANGAN (DISTRICT III)
PANLASANG GEN Z:
1st Place- TAGKAWAYAN (DISTRICT IV)
2nd Place- BURDEOS (DISTRICT I)
3rd Place- BUENAVISTA (DISTRICT III)
4th Place- CANDELARIA (DISTRICT II)
COCONUT RELAY:
1st Place- MAUBAN (DISTRICT I)
2nd Place- CALAUAG (DISTRICT IV)
3rd Place- UNISAN (DISTRICT III)
4th Place- DOLORES (DISTRICT II)
QUEZON, GAME KA NA BA?:
1st Place- DOLORES (DISTRICT II)
2nd Place- PITOGO (DISTRICT III)
3rd Place- POLILLO AT PLARIDEL (DISTRICT I & II)
Quezon PIO
Link:
Quezon PIO
π·πππ ππππ πππ π¨πΊπ ππππππ πͺπππππππππππππ?
Link:
Quezon Provet
“Naa’y po, Pakinabangan po.”
Bilang Bahagi ng Ika-6 na araw ng Niyogyugan Festival 2024, ginanap ang Lambanog Mixology Contest kahapon ng Miyerkules, Agosto 14 sa Quezon Convention Center.
Tagisan ng husay at pakulo sa paraan ng pagtitimpla gamit ang malawak na imahinasyon ng dalawampu’t isang kalahok mula sa Iba’t- ibang lungsod at munisipalidad ng Lalawigan ng Quezon na layong ipatikim sa mga hurado at mga manunuod ang kultura ng kanilang bayan sa pamamagitan ng lambanog.
Congratulations at Mabuhay sa mga sumusunod na nagwagi para sa Lambanog Mixology Contest 2024:
1st Place – Lucban, Quezon
2nd Place – Tayabas City
3rd Place – Lopez, Quezon
Ang lambanog ang pangalawang pinaka matapang na alak sa buong mundo kaya naman ang mga ganitong klaseng aktibidad ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga at importansya sa ipinagmamalaking lambanog ng lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO
Kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Food Drug and Administration (FDA) na magbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa maliliit na negosyo sa lalawigan ng Quezon, pormal nang pinirmahan ngayong araw ng Miyerkules, Agosto 14.
Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan ang ginanap na seremonya kasama si FDA Director General Dr. Samuel A Zacate, kung saan ibinahagi ang Proyektong “Bigyang Halaga, Bangon MSMEs” na layuning palakasin at gabayan ang mga maliliit na negosyo sa pamamagitan na rin ng pagiging FDA Approved ng kanilang mga produkto.
Lubos naman ang pasasalamat ni Governor Tan sa pamunuan ng FDA sapagkat napakalaking hakbang ito upang mas makilala at tangkilikin ang mga sariling gawang produkto ng mga Quezonian gayundin ay mahalagang pagkakataon ito upang unti-unting mailapit sa mga pribadong kompanya ang mga MSME (Micro, Small, and Medium Enterprises) na magpapalakas pa sa kanilang kabuhayan.
Samantala, nakasama rin sa nasabing MOA Signing sina FDA Deputy Director General – Jesusa Joyce Cirunay, FDA Southern Luzon Cluster Director – Arnold Alindada, DTI Quezon Business Development Division Chief – Anna Marie Quincina, PGO Livelihood Project Development Officer Lawrence Joseph Velasco, at Provincial Agriculturist Dr. Liza Mariano.
Quezon PIO