
World Wildlife Day 2025 | March 3, 2025
Sa pagdiriwang ng World Wildlife Day 2025 ngayong araw Marso 3, na may temang:
โ๐๐ข๐ฅ๐๐ฅ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐๐ซ๐ฏ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ ๐ข๐ง๐๐ง๐๐: ๐๐ง๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง ๐๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง๐๐ญโ
Ipinagmamalaki ng Provincial Government โ Environment & Natural Resources Office ang limang (5) misteryosong hayop na dapat mong tuklasin. Ang bawat misteryo ay ipopost sa opisyal na Facebook page ng Provincial Government ENRO Quezon tuwing Lunes sa buong buwan ng Marso. Sa masaya at kapana-panabik na larong ito, susubukan ang iyong kaalaman tungkol sa mga hayop sa Pilipinas. Magbibigay kami ng mga pahiwatig (hint) tungkol sa ibaโt ibang organismo โ mula sa mga nilalang sa kagubatan, karagatan, o kalangitan, kayaโt maghanda para sa isang wild na pakikipagsapalaran.
๐๐ซ๐ข๐ญ๐๐ซ๐ข๐:
โข Ito ay bukas sa lahat ng kasapi ng lokal na komunidad na may access sa opisyal na Facebook page ng Provincial Government ENRO Quezon. https://www.facebook.com/provincial.enro.quezon/
โข Ang mga sagot ay dapat nasa tamang baybay, isama ang karaniwang pangalan at siyentipikong pangalan.
โข Ang mga kalahok ay magbibigay ng sagot gamit ang Google Forms link na ibibigay sa bawat post.
โข Limang (5) kalahok lamang ang maaring manalo. At kung higit na kalahok ang magsusumite ng tamang sagot nang sabay-sabay, ang PG-ENRO staff ang magtatakda ng unang limang winners batay sa oras ng unang pagsusumite.
โข Dapat naka-like o naka-follow ang mga kalahok sa opisyal na Facebook page ng Provincial Government ENRO Quezon at maglagay ng proof o screenshot.
โข I-comment ang mga hashtags,
#WWD2025#WildlifeConservationFinance#PGENROQuezonInAction#STANQuezonBetterTogether#SerbisyongTunayAtNatural
matapos makapagsumite ng kasagutan sa mismong post.
๐๐ง๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐ฌ:
โข Tuwing Lunes, magpo-post ang Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ng isang tanong sa kanilang opisyal na Facebook page.
Provincial Government ENRO Quezon
https://www.facebook.com/provincial.enro.quezon
โข May kabuuang limang (5) tanong na ipo-post sa PG-ENRO page simula ngayong araw Marso 3, 2025.
โข Ang panahon ng pagsagot para sa bawat post ay tatagal lamang ng isang linggo. Ang tamang sagot at mga nanalo ay iaanunsyo sa sumunod na Lunes matapos itong i-post.
โข Ang unang limang (5) indibidwal na magbibigay ng tamang sagot sa Google Forms ay makakatanggap ng premyo.
Makikipag-ugnayan ang PG-ENRO staff sa mga nanalo para sa detalye ng pagkuha ng PREMYO.
#WWD2025 #WildlifeConservationFinance #PGENROQuezonInAction #STANQuezonBetterTogether #SerbisyongTunayAtNatural
Quezon PIO