
1st Provincial Development Council Meeting para sa taong 2025 | March 10, 2025
Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, naisagawa ang unang Provincial Development Council Meeting para sa taong 2025 ngayong araw ng Lunes, Marso 10.
Sa nasabing pagpupulong, naglahad ng presentasyon patungkol sa Proposed Infrastructure Project CY 2026 ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) mula sa apat na District Engineering Office sa lalawigan ng Quezon. Nakapaloob dito ang alokasyong pondo para sa mga proyektong naglalayong magkaroon ng konstruksyon at rehabilitasyon para sa mga kalsada, tulay, at iba pang proyekto na may kinalaman sa imprastruktura at pasilidad sa lalawigan gaya ng water supply and drainage system at multi-purpose buildings.
Naaprubahan din sa pagpupulong ang Supplemental Annual Investment Plan No. 2 CY 2025 at Provincial Commodity Investment Plan (PCIP), kasunod nang ieendorso ang mga ito sa Sangguniang Panlalawigan at ahensyang may kinalaman sa nasabing investment plan.
Samantala, ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan nina Executive Assistant John Francis Luzano, Provincial Project and Development Coordinator Engr. Russell Narte, Board Member Sonny Ubana, mga Punong-bayan at kinatawan mula sa ibaโt ibang munisipalidad sa lalawigan.
#SerbisyongTunayAtNatural
Quezon PIO