NEWS AND UPDATE

Quezon Little Youth Officials Election & Leadership Seminar | August 26, 2024

Quezon Little Youth Officials Election & Leadership Seminar | August 26, 2024

Bilang bahagi ng Quezon Linggo ng Kabataan 2024, ginanap ang Leadership Seminar and Quezon Youth Officials Election ngayong araw ng Lunes, Agosto 26

Layon ng pagdiriwang na maipabatid ang adbokasiya ng mga kabataang Quezonian, maipadinig ang kanilang mga pananaw at mithiin na maging bahagi ng pagpuksa sa panlipunang suliranin at makapagbigay ng solusyon para sa kaunlaran ng Lalawigan ng Quezon.

Ang pagkilala sa mga natatanging mga kabataan at pagbibigay ng karapatan sa mga ito ay susi sa kagalingan ng bawat pamayanan.

Narito ang mga nahalal na mga kabataan:

Little Governor – Aldrin R. Ibarrola

Little Vice Governor – Ram B. Broncano

Little Board Members:

– Lady Graselle Botor

– Elise Ann Verastigue

– Louise Angielyn Capanzana

– Tim Hubert Ilao

– Anna Theresa Cabangon

– Jeremy Jade Ongwico

– Lance Jaymar Banton

– Josh Emmanuel Sotero

– John Cedrick Barizo

– Marie Joyce Mibato

Little Ex-Officio Board Member ABC/LNB President – Carl Johnrich Bathan

Little Ex-Officio Board Member PCL President – Marj Rhenniel Abelita

Little Ex-Officio Board Member SKPF President – Andrian Magtibay

Little Provincial Administrative Officer – Drake Borris Garcia

Little Provincial HRMO Head of Office – Jade Annie Domingo

Little Provincial Planning and Development Officer – Kathleen Genel Edcallado

Little Provincial Budget Officer – Alfonze Victor Pinawin

Little Provincial Treasurer – Lerwin Jade Esperancilla

Little Provincial Tourism Officer – Airiesh Postrado

Little Provincial Youth Development Officer – Ivy Morong

Little Secretary to the Sangguniang Panlalawigan – Edenjen Loverez


Quezon PIO

FREE TICKET DISTRIBUTION! Ngayong August 27, 8AM-5PM sa Harap ng Quezon Convention Center

FREE TICKET DISTRIBUTION! Ngayong August 27, 8AM-5PM sa Harap ng Quezon Convention Center

PASIKLABAN AT GABI NG KABATAANG QUEZONIAN FREE CONCERT Featuring: Magnus Haven & Agsunta.

Para sa ating mga kabataan at kalalawigan na nais makapanood ngayong darating na August 29, Thursday sa Quezon Convention Center, Lucena City.

PAALALA❗❗❗

1. Ang pagbibigay ng ticket ay isa lamang sa kada tao.

2. Limitado lang ang ticket na ipinamamahagi.

3. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng Upper Bleacher ticket.

QUEZON LINGGO NG KABATAAN 2024

Ang selebrasyon ito ay sa pangunguna ng Provincial Youth Development Office headed by Mr. John Carlo Villasin sa suporta ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala.

Sa kooperasyon ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation kasama ang SK Municipal Federation Presidents, Local Youth Development Officers At Provincial Development Council.

MABUHAY ANG KABATAANG QUEZONIAN!

Heartiest Congratulations!

Heartiest Congratulations!

“Heartiest Congratulations to the following lucky winners of the Bida ka Sa Niyogyugan Float 2024 raffle! Your best pick is well-deserved. Enjoy your prizes!”

People’s Choice 2024 winner: Tayabas City

Winners of Php 2,500.00

1. Valyn Rodillo

2. Mel Quinto

3. Hannah Rose Yanilla

Judges’ Pick winners: Alabat, Quezon

Winners of Php 2,500.00

1. Albert Mascarina

2. Edith Mago Vibar

3. Hubert B. Ursolino

Trending Hashtag winner: General Luna, Quezon

You can claim your prizes at the Provincial Tourism Office, Provincial Capitol Compound, Lucena City. Monday to Friday at 8AM to 5PM until September 30,2024.

Link: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid02m44HaLCofPn6c6hEAa9XDL9jxr87fzK18zk9Wapr4rxD7PRQM59Tb52u4jL6Hy27l?rdid=jX1eQPLn2VN4Goe6


Quezon PIO

National Heroes Day | August 26, 2024

National Heroes Day | August 26, 2024

Mabuhay ang mga bayaning Pilipino!🇵🇭

Ngayong araw ng Agosto 26, nakikiisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagbibigay-pugay sa kadakilaan at sakripisyo ng mga bayaning Pilipino para sa kalayaan na ating natatamasa ngayon.

Nawa’y parati nating pahalagahan at magsilbing inspirasyon ang kanilang ipinakitang tapang at pagmamahal sa bansa.

Atin ring bigyang pagkilala ang mga Pilipinong patuloy na lumalaban at nagbubuwis ng buhay para sa inang bayan saan man sulok sila ng mundo naroroon.


Quezon PIO

LIBRENG GAMOT para sa Barangay ang Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan | August 25, 2024

LIBRENG GAMOT para sa Barangay ang Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan | August 25, 2024

LIBRENG GAMOT para sa Barangay ang ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Governor Doktora Helen Tan para sa 36 na barangay ng Unisan, Quezon kahapon, ika-25 ng Agosto.

Ang mga essential medicines na ito ay magsisilbing paunang lunas para sa mga taga-Unisan at magpapadali ang kanilang access sa gamot. Sa halip na magtungo agad sa mga lokal na botika, maaari na silang makakuha ng gamot sa kanilang Barangay Health Center.


Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – Unisan, Quezon | August 25, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan – Unisan, Quezon | August 25, 2024

Para sa buong-pusong paglilingkod, patuloy na inihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga Quezonian ang Libreng Serbisyong Gamutan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Dinagsa ng 4,360 benepisyaryo mula sa bayan ng Unisan ang ginanap na Medical Mission nitong araw ng Agosto 25 kung saan kanilang napakinabangan ang iba’t-ibang libreng serbisyong medikal.

Ilan sa mga ito ay medical check-up para sa bata at matanda, bunot ng ngipin, tuli, derma, ENT, cervical cancer screening, minor surgery sa may maliit na bukol, Ultrasound, ECG, CBC, HIV Screening, Urinalysis, FBS/RBS, pagbabakuna ng PCV 23, at libreng gamot. Bitbit din ang libreng pagpapatingin sa mata at libreng pagpapasalamin.

Nakasama naman sa paghahatid ng mga serbisyong medikal sina Vice Governor Third Alcala, 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, at Mayor Adulta Ferdinand Denand.


Quezon PIO

Libreng Serbisyong Medikal sa Bayan ng Unisan | August 25, 2024

Libreng Serbisyong Medikal sa Bayan ng Unisan | August 25, 2024

TINGNAN: Mainit na naihatid ng buong Medical Team ang iba’t-ibang libreng serbisyong medikal sa bayan ng Unisan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw ng Linggo, Agosto 25.

Narito ang ilang kaganapan sa ginanap na Medical Mission.


Quezon PIO

Lingap sa Mamamaya Libreng Gamutan – Macalelon, Quezon | August 24, 2024

Lingap sa Mamamaya Libreng Gamutan – Macalelon, Quezon | August 24, 2024

Sa inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ni Governor Doktora Helen Tan, tuloy-tuloy na naisasakatuparan ang misyong mailapit ang serbisyo ng kapitolyo lalo na ang mga programang pangkalusugan.

Ang Medical Mission o Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan ay isa sa pangunahing inihahatid para sa mga mamamayan ng Quezon, at sunod itong napakinabangan ng bayan ng Macalelon nitong araw ng Agosto 24.

Umabot sa 4,078 ang naging benepisyaryo ng mga libreng serbisyong medikal, gaya ng medical check-up para sa mga bata at matanda, bunot ng ngipin, tuli, minor surgery sa may maliit na bukol, derma, ENT, eye check-up, cervical cancer screening, Ultrasound, ECG, CBC, HIV Screening, Urinalysis, FBS/RBS, pagbabakuna ng PCV 23, at mayroon ding libreng gamot.

Malugod namang ipinaabot ang pasasalamat sa bawat doktor at espesyalista sa parating pakikipagbalikatan sa pamahalaang panlalawigan upang maging possible ang paghahatid ng serbisyong medikal para sa mga mamamayang Quezonian.


Quezon PIO

Aid to Barangay & Distrubtion of Essential Medicine | August 24, 2024

Aid to Barangay & Distrubtion of Essential Medicine | August 24, 2024

Upang higit pang maipakita ang malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Governor Doktora Helen Tan sa bawat barangay ng ating lalawigan, isinagawa ngayong araw, Sabado, ika-24 ng Agosto, ang Aid to Barangay at Distribution of Essential Medicine para sa 30 na barangay ng Bayan ng Macalelon, Quezon.

Ang pinansyal na tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ay magagamit ng mga benepisyaryong barangay para sa karagdagang mga programang pangkalusugan, habang ang mga essential medicines ay magsisilbing paunang lunas para sa mga may sakit sa kanilang mga lugar.

Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, pinatutunayan ng Pamahalaang Panlalawigan at ni Governor Doktora Helen Tan na mayroong gobyernong maaasahan ang bawat mamamayang Quezonian.


Quezon PIO

Libreng Serbisyong Medikal na Handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon | August 24, 2024

Libreng Serbisyong Medikal na Handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon | August 24, 2024

TINGNAN: Mga mamamayan mula sa bayan ng Macalelon, napakinabangan ang mga libreng serbisyong medikal na handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw, Agosto 24.


Quezon PIO