NEWS AND UPDATE

Bagong MILK HUB sa lalawigan ng Quezon na matatagpuan sa Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC), mapapakinabangan na matapos isagawa ang pormal na pagbabasbas nito ngayong araw ng Huwebes, Agosto 29 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Ang nasabing pasilidad ay naisakatuparan dahil sa pagtutulungan ng mga doktor ng ospital sa Pamahalaang Panlalawigan. Kasabay nito’y malugod ding ipinagdiwang ng QPHN-QMC ang kanilang pagiging DOH-accredited “Mother Friendly Hub.”

Samantala, isinagawa rin sa parehong araw ang CATARACT CARAVAN kung saan 48 pasyente mula sa iba’t-ibang bayan sa Quezon ang nakinabang sa libreng check-up at operasyon ng kanilang mga mata.

Magtatapos naman ang nasabing caravan bukas ng Agosto 30, at nakatakdang operahan ang second batch ng mga pasyenteng may diperensya sa mata.

Lubos ang pasasalamat ni Governor Tan sa mga dakilang doktor na patuloy pakikipagbalikatan sa Pamahalaang Panlalawigan upang marami pang matugunan ang pangkalusugan na pangangailangan ng mga Quezonian.



Quezon PIO

Papag at Bilao Grand Parade | August 29, 2024

Papag at Bilao Grand Parade | August 29, 2024

HAPPENING NOW: Araw ng Pagbilao | Papag at Bilao Grand Parade


Livestream – Provincial Government of Quezon

Quezon PIO

Papag at Bilao Grand Parade | August 29, 2024

Papag at Bilao Grand Parade | August 29, 2024

HAPPENING NOW: Araw ng Pagbilao | Papag at Bilao Grand Parade


Livestream – Provincial Government of Quezon

Quezon PIO

Gabi ng Kabataang Quezonian | August 29, 2024

Gabi ng Kabataang Quezonian | August 29, 2024

Matagumpay na isinagawa kahapon, Agosto 29 ang PASIKLABAN AT GABI NG KABATAANG QUEZONIAN 2024 sa pangunguna ng Provincial Youth and Development Office (PYDO) na pinamumunuan ni Mr. John Carlo Villasin.

Sama-samang ipinagdiwang ng mga kabataang Quezonian ang kanilang husay sa pagsayaw at pag-awit sa ginanap na mga kompetisyon tulad ng vocal solo, vocal duet, inter-town dance contest, at battle of the bands.

Samantala, nagbigay sigla at saya rin sa mga kabataan ang FREE CONCERT kasama ang bandang Magnus Haven at Agsunta.

Nawa’y manatili ang nag-aalab na kagalingan ng bawat kabataang Quezonian sa anumang larangan na kanilang tinatahak.

Mabuhay ang mga kabataang Quezonian!


Quezon PIO

Gabi ng Kabataang Quezonian Pasiklaban 2024 – August 29, 2024

Gabi ng Kabataang Quezonian Pasiklaban 2024 – August 29, 2024

QUEZONIANS, handa na ba kayo MAKIPAGPASIKLABAN?

Makisaya at makisigaw para sa gabi ng kabataan kasama ang ating crowd-favorite band: Magnus Haven at Agsunta sa darating na Agosto 29, 2024, 6 pm sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Narito ang ilang munting mga paalala.

Bawal dalhin ang mga sumusunod:

– Bags

– Large Umbrella

– Aluminum & Glass Drink Containers/ Plastic Bottles

– Alcohol/ Perfume

– Food & Drink

– Pushchairs

– Selfie Sticks

– Weapons and Tools

– Drones

– Flares

– Lasers

– Smoke Devices

– Canisters

Large Bodied Camera

Cam Recorders

Unauthorized Musical Instruments

Vuvuzelas

Ipinagbabawal rin ang pagdadala at pagtatapon ng mga sumusunod na plastic waste sa look ng Quezon Convention Center:

– Styrofoam (Cups, Plates, Canisters)

– Plastic (secondary packaging)

– Sando bag

– Cellophane (8×11, 2×3, etc.)

– Film plastic

– Plastic Straw

– Plastic Stirrer

See you, QUEZONIANS!

Link:

https://www.facebook.com/QuezonGovPh/posts/pfbid0B8y2qa6ayp6PE8fkHuvtNDv7gRRv42rAcbFhSnFNc3VGB7cu7VbtjJ11RSc9dRpEl?rdid=8rpejVvcDfRbM2Yu


Quezon PIO

Quezon Youth Conference | August 27, 2024

Quezon Youth Conference | August 27, 2024

Sa layunin na mabigyang halaga ang mga kabataang Quezonian, isang linggong aktibidad ang handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ng Provincial Youth Development Office (PYDO).

Bahagi nito ang isinagawang unang araw na Quezon Youth Conference sa St. Jude Cooperative Hotel and Event Center, Brgy. Isabang, Tayabas City na dinaluhan ng tinatayang 200 kabataan mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Malugod na nakasama ngayong araw, Agosto 27 bilang resource speakers sa ginanap na seminar sina Provincial Information Officer – Mr. Jun Lubid, Mental Health and Substance Abuse Prevention Program Focal Person – Ms. Lanna Basañes, at LYDO LGU Gumaca – Mr. Hamilton Villapando kung saan kanilang ibinahagi ang ilang karanasan at kaalaman ukol sa mental health, leadership, at digital literacy.

Samantala, magpapatuloy ang Quezon Youth Conference na ito bukas ng Agosto 28 para sa mas malawak pang pagbibigay kaalaman at gabay sa mga kabataang Quezonian.


Quezon PIO