Launching of STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program | December 15, 2024
Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, matagumpay na isinagawa ang Launching of STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program, ngayong araw ng Linggo, Disyembre 15, sa Southern Convention Center, Gumaca Quezon.
Napakahalaga na ligtas ang mga Quezonian sa nabibiling pagkain, kung kaya’t kabalikat ang Provincial Local Goverment Unit (PLGU) sa pamumuno ni PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, naihatid sa mga nagnenegosyo ng karinderya o kainan ang mga kagamitan gaya ng; Utensils Heater, Alcohol Dispenser, 1 gallon ng alcohol, Stand-Out sa Kalinisan Corner Signage, kasama rin sa ipinamahagi ang Maya QR Sintra Board, Gcash Sintra Board para sa elektronikong pamamaraan ng pagbabayad.
Tinatayang 386 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nasabing kagamitan na nagmula sa mga bayan ng Alabat, Atimonan, Buenavista, Calauag, Catanuan, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Macalelon, Mulanay, Perez, Pitogo, Plaridel, Quezon, San Andres, San Francisco, San Narciso at Tagkawayan.
Bukod sa pamamahagi ng kagamitan, nagkaroon din ng libreng seminar ang mga benepisyaryo tungkol sa Basic Food Safety, Financial Literacy, SMART Service at Digitalization na tinalakay nina Quezon National Agricultural School Instructor I Ara Antonette Alfuen Durante, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Supervisor Bank Teller Dinah M. Simon, at SMART Communication, Inc. Costumer Development Manager Orven Ayonque.
Sa huli inanunsyo ni PLGU Quezon Project Development Officer III Velasco, kasama sa susunod na taon (2025) ang STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program na mabibigyan ng ID/ATM para sa mga matatanggap na insentibo mula sa Pamahaalang Panlalawigan na inisyatibo ni Governor Tan.
#STANd-Out