Mas Pinaigting na Animal Checkpoints sa Lalawigan | September 02, 2024
Patuloy na mas pinaigting at mas pinahigpit pa ang mga Barangay, City/Municipal, at Provincial Animal Checkpoints simula ng magkaroon ng sunod-sunod na kaso ng African Swine Fever (ASF) sa ilang parte ng lalawigan. Ito ay pinag tulong-tulungan ng mga Local Government Units (LGUs) at ng mga opisyales ng Quezon Provincial Police Office (QPPO).
Ang mga Checkpoint Personnel kasama ang mga Police Officers ay palagiang nagsasagawa ng inspeksyon upang masigurado na kumpleto ang mga dokumentong dala ng mga biyahero at upang matiyak na walang sakit ang kanilang mga ibibiyaheng hayop.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong paigtingin at patibayin ang seguridad ng mga pumapasok at lumalabas na mga livestock, poultry, at animal by-products sa ating lalawigan. Isang paraan din ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na ASF at banta ng iba pang sakit tulad ng Avian Influenza.
Quezon PIO