NEWS AND UPDATE

Zumba Fitness and Wellness Program | March 5, 2025

Zumba Fitness and Wellness Program | March 5, 2025

Napuno ng sigla at saya ang muling pagsisimula ng Zumba Fitness and Wellness Program sa pangunguna ng Provincial Sports Office, sa pamumuno ni Coach Aris Mercene ngayong araw ng Martes, Marso 4 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Ang programang ito ay bilang bahagi parin ng pagdiriwang ng 2025 Women’s Month Celebration kung saan tinatayang nasa 150 ang mga nakiisa upang magpapawis at sumayaw sa pamamagitan ng masiglang Zumba routine.

Sa inisyatibo ni Governor Doktora Helen Tan ang naturang Zumba Program ay isasagawa sa loob ng 30 days tuwing 5:30pm ng hapon sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Hali na’t makiisa, patuloy nating suportahan ang mga ganitong aktibidad para sa isang mas masigla, malakas, at malusog na lalawigan ng Quezon!


Quezon PIO

3rd Organic Fair sa UPLB | March 4, 2025

3rd Organic Fair sa UPLB | March 4, 2025

Mahigit 30 Magsasaka mula sa Quezon, nakiisa sa 3rd Organic Fair sa UPLB

Nakiisa ang mahigit 30 magsasaka sa Quezon na nagsusulong ng organikong pamamaraan sa ginanap na 3rd Organic Agriculture Fair sa Organic Agriculture Research Development and Extension Center, UPLB Campus ngayong ika-4 ng Marso, 2025.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng publiko sa organikong pagsasaka sa pamamagitan ng mga teknolohiya, ani, at produktong binuo ng mga stakeholders.

Kabilang sa mga lumahok na exhibitors ang ilang samahan ng mga Organikong magsasaka sa Quezon na nagpakita ng kanilang dekalidad na ani at produktong organiko na tunay na gawang Quezonian!

#QuezonOrganicAgriculture #GoOrganicQuezon #HealthyQuezon


Quezon PIO

Interplast Taiwan Corporation sa pamamagitan ng Government to Government Program (Special Hiring Program for Taiwan) | March 4, 2025

Interplast Taiwan Corporation sa pamamagitan ng Government to Government Program (Special Hiring Program for Taiwan) | March 4, 2025

Ang Interplast Taiwan Corporation sa pamamagitan ng Government to Government Program (Special Hiring Program for Taiwan) sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers at Quezon Provincial PESO ay nangangailangan ng anim (6) na lalaking Factory Workers ( Machine Operator including the process of recycling).

Para sa karagdagang impormasyon, panoorin ang maikling video na naglalahad ng iba pang detalye hinggil sa anunsyong ito, o maaari ding magtungo sa official Facebook page ng Department of Migrant Workers (DMW).

Panoorin dito: https://www.facebook.com/share/v/15Fs2QRtVr/


Quezon PIO

APLIKASYON PARA SA SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS O SPES, NAGBUKAS NA! | March 4, 2025

APLIKASYON PARA SA SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS O SPES, NAGBUKAS NA! | March 4, 2025

Opisyal nang binuksan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office ang link para sa aplikasyon ng Special Program for Employment of Students o SPES ngayong araw, ika- 4 ng Marso, 2025. Ang mga mag-aaral at Out-of-School-Youth na nagnanais na maging benepisyaryo ng programa ay maaari nang simulan ang paghahanda ng dokumentong kakailanganin para masimulan ang aplikasyon.

Para sa kompletong detalye, magtungo sa official Facebook Page ng Quezon Provincial PESO. Manatiling nakaantabay para laging updated sa mga susunod pang anunsyo hinggil sa SPES.


Quezon PIO / PESO

Distribution of Agricultural Inputs | March 4, 2025

Distribution of Agricultural Inputs | March 4, 2025

Bukod sa serbisyong pangkalusugan, sinisiguro rin ni Governor Doktora Helen Tan na natututukan ng Pamahalaang Panlalawigan ang sektor ng agrikultura sa Quezon. Kung kaya’t kasabay ng pagsasagawa ng medical mission ay ang pamamahagi ng mga agricultural inputs sa Brgy. Manggalang-Kiling, Sariaya Quezon ngayong araw, Marso 4.

Katuwang ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA) naipamahagi sa iba’t ibang asosasyon ng magsasaka sa Sariaya ang mga organic fertilizer, assorted vegetable seeds, at iba’t ibang equipment na magagamit ng mga magniniyog at mga nagtatanim ng gulay para sa mas masaganang-ani.

Bukod sa distribusyon ng agri-inputs, nagkaroon din ng konsultasyon patungkol sa mga kasalukuyang suliraning kinakaharap ng mga magsasaka at ang mga hakbang na ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan upang matugunan ito.

Samantala, asahan ang walang-patid na pagsuporta ni Governor Doktora Helen Tan upang magkaroon ng mas mayabong at sustenableng agrikultura sa lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan o Medical Mission sa Infanta | March 4, 2025

Magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan o Medical Mission sa Infanta | March 4, 2025

Magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan o Medical Mission sa susunod na mga araw March 5-6 sa Brgy. Magsaysay, at Brgy. Dinahican Infanta, Quezon.

Sa lahat ng interesado magsisimula ang registration sa ganap na 6:00 ng umaga.

#HEALINGQuezon #SerbisyongTunayAtNatural #MedicalMission #KalingasaMamamayan #LibrengGamutan


Quezon PIO

Registration Deadline is Extended | March 4, 2025

Registration Deadline is Extended | March 4, 2025

𝓔𝔁𝓽𝓮𝓷𝓭𝓮𝓭!

Extended ang registration ng inyong mga entries para sa 𝓖𝓪𝔀𝓲𝓷𝓰 𝓢𝓪𝓯𝓮 𝓪𝓷𝓰 𝓕𝓾𝓻 𝓑𝓪𝓫𝓲𝓮𝓼 𝓼𝓪 𝓡𝓪𝓫𝓲𝓮𝓼 𝓕𝓪𝓬𝓮𝓫𝓸𝓸𝓴 𝓡𝓮𝓮𝓵𝓼 𝓜𝓪𝓴𝓲𝓷𝓰 𝓒𝓸𝓷𝓽𝓮𝓼𝓽! Maaari pa kayong magsend ng inyong reels hanggang MARCH 14, 2025 (until 12 midnight). Sali na!

Bisitahin at basahin ang Guidelines at Mechanics sa link na ito:

https://www.facebook.com/share/p/15hGKnA5KB


Quezon PIO / ProVet

Rabies Awareness Video Making Contest | March 4, 2025

Rabies Awareness Video Making Contest | March 4, 2025

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Marso ang Rabies Awareness Month na may temang: “Rabies-Free na Pusa’t Aso, Kaligtasan ng Pamiyang Pilipino!”

Magkakaroon po tayo ng Rabies Awareness Video Making Contest kaya’t hinahikayat namin ang lahat ng Animal Bite and Treatment Center (ABTC) na makilahok sa patimpalak na ito.

Narito ang buong mechanics:

1. Open to all Animal Bite and Treatment Centers (ABTC) in Quezon Province.

2. All entries must be original and must not use copyrighted materials in their video.

3. Topic/Concept of the video must be aligned with Department of Health Rabies Awareness Guidelines and related with the theme: “Rabies-Free na pusa’t aso, kaligtasan ng pamilyang Pilipino”.

4. Length: Minimum of 1 minute | Maximum of 2 minutes File format: .mp4

5. Follow and like our Facebook page to make entry valid: Quezon Provincial Health Office

6. Entries will be submitted via email thru: qpho.hepu@gmail.com until March 17, 2025.

– Subject format: RABIES AWARENESS VIDEO MAKING ENTRY

For reference, check out this link: https://tinyurl.com/yc2vnsst


Quezon IPHO

OPV Nakiisa sa Boling-Boling Festival sa Catanauan, Nagdaos ng Veterinary Medical Mission | March 4, 2025

OPV Nakiisa sa Boling-Boling Festival sa Catanauan, Nagdaos ng Veterinary Medical Mission | March 4, 2025

Nakiisa ang Office of the Provincial Veterinarian (OPV) sa pagdiriwang ng Boling-boling festival sa Catanauan, Quezon nitong Marso 3, 2025. Nagsagawa ang tanggapan, sa pamamagitan ng Animal Health and Welfare Division (AHWD), ng Veterinary Medical Mission kung saan ay mayroong libreng pagbabakuna laban sa rabies, pagpupurga, konsultasyon, at pamamahagi ng mg Veterinary medicines para sa mga alagang hayop ng mga kalalawigan natin sa Catanauan.

Naging isa sa mga hurado naman si Dr. Philip Augustus Maristela, Head ng OPV-AHWD sa ginanap na “Dog mo, SHOW mo” Competition.

Ang mga aktibidad na ito ay may kaugnayan pa rin sa pag-obserba ng Rabies Awareness Month ngayong Marso, na may temang, “Rabies-Free na pusa’t aso, kaligtasan ng Pamilyang Filipino.” Naglalayon ito na maipalaganap ang kamalayan ng mga tao sa masamang dulot ng sakit na rabies at kung paano maiiwasan ito sa pamamagitan ng responsible pet ownership.


Quezon PIO