NEWS AND UPDATE

‎Ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan | April 9, 2025

‎Ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan | April 9, 2025

‎Ika-83 Anibersaryo ng Araw ng Kagitingan

Ipinagdiriwang ang ika-walumput tatlong anibersaryo ng “Araw ng Kagitingan” na may temang “Kabayanihan ng Beterano: Sandigan ng Kaunlaran ng Bagong Pilipinas” ngayong araw ng Abril 09, kung saan ginugunita ang katapangan ng mga bayaning Pilipino noong ikalawang digmaang pandaigdig.

‎Matapos isuko ni Major General Edward King Jr. ang mahigit kumulang 76,000 sundalo sa hukbong hapones noong ika-9 ng Abril taong 1942 ang mga ito ay sapilitang pinagmartsa na umabot sa 150 km. Matapos ang mga pagmamalupit na ito tinatayang libo-libong sundalo ang nasawi at tinawag itong “Death March.”

‎Ang kasaysayang ito ay nagpamalas sa angking husay at tapang ng ating mga bayani upang ipagtanggol ang bansang Pilipinas laban sa mga Hapones.

‎Kaya mga kalalawigan, halina’t sama-sama nating ipagdiwang ang kagitingan ng mga bayani na tila bituin at araw na kailan pa ma’y ‘di magdidilim.

‎#83Anniversary
‎#DayOfValor2025
‎#QuezonProvince


Quezon PIO

Tulong Medikal Hatid ng Pamahalaan, Nagbigay Pag-asa kay Alen Gonzales na May Sakit sa Puso | April 8, 2025

Tulong Medikal Hatid ng Pamahalaan, Nagbigay Pag-asa kay Alen Gonzales na May Sakit sa Puso | April 8, 2025

‎Isa si Alen Gonzales sa mga batang nakakaranas ng matinding karamdaman na sakit sa puso. Sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan sa programang Medical Mission na ginanap sa Polillo Group of Island, ngayon pa lang siya napatingnan sa doktor.

‎Dito ay agad siyang sinamahan sa Quezon Provincial Health Network-Quezon Medical Center (QPHN-QMC) upang malaman ang kalagayan at marapat na operasyon para sa kanyang sakit.

Ipinaabot naman ng kaniyang magulang na si Emmanuel Gonzales ang lubos na pasasalamat sa handog na serbisyong medikal para sa kanyang anak.

Link: https://www.facebook.com/share/r/1Eap4ZMf1s/

‎#QuezonProvince


Quezon PIO

Digital Marketing & Content Creation Seminar for MSMEs | April 8, 2025

Digital Marketing & Content Creation Seminar for MSMEs | April 8, 2025

Isinagawa ngayong araw ng Martes, Abril 8 ang Digital Marketing and Content Creation Seminar sa Department of Information Communications and Technology (DICT) Quezon Province Office Conference Room sa Zaballero Subd. Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City.
Layon ng nasabing programa na bigyan ng pagsasanay patungkol sa Social Media Marketing Tools at Graphics Design sa Canva ang mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa first batch ng STEP Up Entrepreneurship Program.
Dinaluhan ito ni Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco kung saan inihayag niya ang layon ng seminar na iangat pa ang antas ng kaalaman sa pagnenegosyo upang mas mapalago pa ito.
Samantala, ipinresenta dito ni DICT Provincial Officer Edd Fernan Gonzales ang patungkol sa Social Media Content Creation at mga paraan at kahalagahan ng pagkakaroon ng online platforms kung saan dito nila pwede itinda ang kanilang mga produkto. Gayundin, ay tinuruan rin sila kung paano makakagawa ng kanilang mga online shops sa Lazada, Shoppee, at TikTok shop.
Nagkaroon naman ng pagbabahagi ng mga ideya sa pagitan ng mga MSMEs upang solusyonan ang mga problema na maaring harapin sa iba’t ibang digital platforms.
Asahan ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagpapabuti ng paraan ng pagnenegosyo sa lalawigan ng Quezon.

#QuezonProvince
#DICTQuezon
#STEPUPprogram


Quezon PIO

Pabatid: QPHN-QMC Outpatient Department (OPD) Clinic | April 8, 2025

Pabatid: QPHN-QMC Outpatient Department (OPD) Clinic | April 8, 2025

📢 PABATID 📢
Pansamantalang sarado ang Outpatient Department (OPD) sa Abril 9, 2025, Miyerkules.
Para sa mga emergency cases, mangyaring dumiretso sa Emergency Room (ER).
Maraming salamat po!


Quezon PIO / QPHN-QMC

Quezon Mobile PCF Caravan | April 8, 2025

Quezon Mobile PCF Caravan | April 8, 2025

Isinagawa ng mga kawani ng Tanggapang Panlalawigan ng Kalusugan, katuwang ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Mulanay at ang RHU sa pangunguna ni Dr. Elena O. Peña, ang Quezon Mobile PCF Caravan, kasabay ng kanilang pagdiriwang ng Buntis Congress, noong ika- 3 hanggang 4 ng Abril, 2025.
Ang nasabing aktibidad ay isa sa mga daan upang makapagbigay kaalaman sa kahalagahan ng pangangalaga sa buntis at sanggol na siyang pinangunahan ng Provincial Safe Motherhood Program Focal Person na si Maria Cristina A. Dayapan. Layunin ng Quezon Mobile PCF Caravan na mabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan ang ating mga kalalawigan, lalo na ang mga kababaihan, sa lahat ng bayan sa ating probinsiya.
Ang mga sumusunod ay ang bilang ng mga kalalawigan na nabigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan:
Para sa mga buntis:
*Ultrasound – 57
*Laboratory – 42
*HIV Screening – 42
*Given OB Supplements – 55
Para sa ibang kababaihan:
*PSI Insertion – 31
*PSI Removal – 23
*Cervical Cancer Screening (VIAA) – 41
*Breast Examination – 42

#QuezonProvince


Quezon PIO

Memorandum of Agreement (MOA) signing between MAPUA University and Provincial Government of Quezon | April 8, 2025

Memorandum of Agreement (MOA) signing between MAPUA University and Provincial Government of Quezon | April 8, 2025

Matagumpay na ginanap ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng MAPUA University at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, nitong araw ng Lunes, Abril 7 sa 2nd Floor Old Capitol Building Lucena City.

‎Ang kasunduan ay isang pagtutulungan at kooperasyon para sa pagbibigay ng praktikal na pagsasanay sa medisina sa komunidad at pampublikong kalusugan para sa mga mag-aaral na ang kurso ay may kinalaman sa medisina.

‎Ang programa ay magbibigay ng pagkakataon sa praktikal na karanasan at exposure sa pagsasanay sa medisina sa komunidad, pag-unawa sa teorya at pratika ng medisina, pangangalagang ambulatorio at pangangalaga sa tahanan, at pakikilahok sa mga aktibidad ng pampublikong kalusugan.

‎Samantala, patuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba’t ibang ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na makakatulong sa kalusugan ng mga mamamayang Quezonian pagdating ng panahon.

‎#QuezonProvince


Quezon PIO

Provincial Veterinary Announcement | April 7, 2025

Provincial Veterinary Announcement | April 7, 2025

#ANNOUNCEMENT
There will be NO Processing of Veterinary SHIPPING DOCUMENTS on APRIL 9, 2025 in observance of the Day of Valor (Araw ng Kagitingan) (Regular Holiday) (Proclamation No. 727)
All Shippers MUST apply for their needed Shipping Documents on APRIL 8, 2025.
Regular Operation will resume on APRIL 10, 2025.


Quezon PIO

Barangay Health Worker Day | April 7, 2025

Barangay Health Worker Day | April 7, 2025

Ngayong ika-7 ng Abril ay Barangay Health Worker Day.
Ating bigyang pasasalamat ang mga Health Workers ng ating mga Barangay sa walang sawang pagbibigay ng aruga at malasakit sa mga mamamayan.
Patuloy natin silang suportahan upang makapagbigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan.

#QuezonProvince


Quezon PIO

Pasasalamat sa Libreng Operasyon sa QMC sa ilalim ng NBB Program | April 7, 2025

Pasasalamat sa Libreng Operasyon sa QMC sa ilalim ng NBB Program | April 7, 2025

PANOORIN: Ang lubos na pasasalamat ni Elinita Hernandez sa Pamahalaang Panlalawigan dahil sa libreng operasyon ng kaniyang asawa na si Michael Hernandez sa Quezon Provincial Hospital Network- Quezon Medical Center (QPHN-QMC).

‎Isa si Michael sa naging benepisyaryo ng No Balance Billing o NBB na kung saan, libreng makakakuha ng serbisyong medikal ang higit nanganagilangan nito.

Link: https://www.facebook.com/share/r/12GkoUDuoxc/

#QuezonProvince


Quezon PIO

WORLD HEALTH DAY: “Healthy beginnings, hopeful futures” | April 7, 2025

WORLD HEALTH DAY: “Healthy beginnings, hopeful futures” | April 7, 2025

WORLD HEALTH DAY: “Healthy beginnings, hopeful futures”.
Ipinagdiriwang ngayong araw ng Lunes, Abril 07, ang WORLD HEALTH DAY na may temang “Healthy Beginnings, Hopeful Futures”. Ito ay nakatuon sa higit na pangangalaga sa bawat ina at sa kaniyang sanggol. Layunin nito na itaas ang pangkalusugang kamalayan na may kinalaman sa pagbubuntis hanggang panganganak ng isang ina at magtaguyod ng kolektibong aksyon na tutugon at susuporta sa kanilang mga pangangailangan.
Ayon sa tala ng World Health Organization nitong taong 2023, tinatayang nasa 700 kada araw o katumbas ng halos 260, 000 kada taon ang kababaihan na namamatay dahil sa pagbubuntis at panganganak.
Ang nakakaalarmang datos na ito ay isang paalala na bigyang-pansin ang kalusugan at maglaan ng panahon upang alamin ang mga pamamaraan na mag-aangat ng kalusugan ng bawat mamamayan.
Mga kalalawigan, tayo ay makiisa sa pagtataguyod ng mga epektibong pamamaraan upang pangalagaan ang kalusugan ng mga kababaihan at mga sanggol.

#WorldHealthDay
#QuezonProvince


Quezon PIO