NEWS AND UPDATE

Kitchen of the World with Chef Reggie Aspiras | September 06, 2024

Kitchen of the World with Chef Reggie Aspiras | September 06, 2024

Binisita ng Kitchen of the World ang lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Chef Reggie Aspiras kahapon, September 6

Kasama ang mahigit 30 turista mainit silang sinalubong ni Mrs. Maria Cristina Decal ang Board of Director ng “Kulinarya Tagala”. Tatlong(3) bayan ang binisita ng mga turista, kabilang ang mga bayan ng Sariaya, Lucban at Lungsod ng Tayabas.

Una nilang binisita ang Baysa-Villoso Ancestral House sa bayan ng Sariaya at sinundan ng Gala-Rodriguez upang libutin ang ganda ng mga sinaunang bahay sa nasabing bayan. Matapos mag-ikot ay bumisita rin sila sa simbahan ng Diocesan Shrine of Sto. Cristo de Burgos sa paghingi ng gabay habang sila ay naglalakbay sa ating lalawigan.

Lumipas ang mga oras, nakarating din sila sa Lungsod ng Tayabas kung saan ay bumungad sa kanila ang street dance ng mga kabataang Tayabasin at ang masayang paghahagis ng suman ni Mayor Lovely Reynoso. Ipinakilala ni punong bayan ang yaman ng agrikultura at nagsasarapang produkto na mayroon ang Lungsod. Dito rin ay naengganyong bumili ng mga pasalubong ang mga turista gaya ng Rodillas, Mallari Lambanog, Villadiegos at iba pa.

Sa wakas, ay nakarating ang mga turista sa huling distinasyon at ito ay ang Bayan ng Lucban. Una nilang pinuntahan ang Insular Flower Farm at namangha sa ganda ng mga halaman at klima na mayroon ang bayan. Ang huli ay Tan-Aw Banahaw, dito ay mas sumaya ang ating mga bisita sa hinandang mga palaro gaya ng Basag palayok at Maria Went to town. Nasaksihan din nila ang mga demonstrasyon ng pagluluto at paggawa ng Kiping, Longganisa at Pansit Lucban o mas kilalang Pansit Habhab sa pangunguna ni Chef Arens Ranola. Tinapos ang Tour na ito sa Tagayan Ritwal kasama ang mga Ambassador ng Tourism. Ang tangera ay mag sasalita ng “Naay Po” at sasagutin ito ng “Pakinabangan Po” na nagsilbing mainit na pagsalubong ng lalawigan ng Quezon sa mga turista

Kamangha-mangha talaga ang ganda ng Lalawigan ng Quezon. Binabandila natin ang sarap ng pagkain at mga kasaysayan o pinagmulan ng Lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

35th Philippine Travel Mart – September 6-8, 2024

35th Philippine Travel Mart – September 6-8, 2024

Halina’t damhin ang Land of a Thousand Colors, QUEZON PROVINCE.

Bisitahin ang aming booth (R29) sa ginaganap na 35th Philippine Travel Mart na matatagpuan sa SMX Convention, Pasay City na nagsimula ngayong araw ng Setyembre 6-8, 2024.

Tuklasin ang makulay na kultura at tikman ang iba’t-ibang ipinagmamalaking produkto ng Quezon.

Kaya ano pa ang hinihintay niyo, TARA NA SA QUEZON!


Quezon PIO

Libreng Serbisyong Pangkalusagan Mula sa Pamahalaang Panlalawigan | September 07, 2024

Libreng Serbisyong Pangkalusagan Mula sa Pamahalaang Panlalawigan | September 07, 2024

Ngayong araw pinangunahan ni Gov. Doktora Helen Tan at Vice Gov. Third Alcala ang ginanap na malawakang Libreng Serbisyong Pangkalusagan Mula sa Pamahalaang Panlalawigan, ngayong araw ng Sabado, ika-7 ng Septyembre sa Candelaria, Quezon.

Katuwang pa rin ang mga doktor at espesyalista mula sa iba’t-ibang ospital sa Maynila at lalawigan ng Quezon, dinagsa ng Candelaryahin ang nasabing libreng medical, surgical, at dental caravan.

Malugod namang tinanggap ng bawat Barangay sa Candelaria ang kahon ng gamot para sa Bata at Matanda upang magsilbing pangunahing pagkunan ng gamot sa oras ng Pangangailangan.

Samantala, sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO) nakapagbahagi sa mamamayan ng tulong pinansyal mula sa programang AICS o Aid to Individuals in Crisis Situation.


Quezon PIO

2024 Quezon Educators’ Research Convention (Day 1) | September 07, 2024

2024 Quezon Educators’ Research Convention (Day 1) | September 07, 2024

Nagsimula na ang Quezon Educator’s Research Convention na dinaluhan ng 6,135 guro mula sa bayan ng Candelaria, Pitogo, Dolores, General Nakar, Sariaya, Macalelon, San Antonio, Padre Burgos, Tiaong at Unisan na ginanap sa Quezon Convention Center, Lucena City, Setyembre 7.

Personal itong dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan na nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa dedikasyon ng mga guro lalo na ngayong Buwan ng mga Guro na nagsimula nitong Setyembre 5 hanggang Oktubre 5.

Dagdag pa rito, hinikayat din ni DepED Region IV-A Asst. Regional Director Loida N. Nieda, na isulong ang pananaliksik sa mga guro upang matuklasan ang kakayahan na mapausbong ang kalidad ng edukasyon sa bansa.


Quezon PIO

Skills Training on Banana Cake Processing | September 06, 2024

Skills Training on Banana Cake Processing | September 06, 2024

Matagumpay na idinaos nitong araw ng Setyembre 6 ang pagsasanay ukol sa Pagpoproseso ng Banana Cake para sa samahan ng mga kababaihan mula sa bayan ng Guinayangan, Quezon.

Ito ay pinangunahan ng Food Processing Unit mula sa Agricultural Support Services Division ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor katuwang ang Pamahalaang Pambayan ng Guinayangan.

Ang pagsasanay ay naglalayong magkaroon ng bagong pagkakakitaan ang mga kababaihan na nagtatanim ng saging upang matugunan ang mga gastusin sa araw-araw ng kanilang pamilya, at magkaroon ng sariling produkto na tatangkilikin hindi lamang sa Quezon kundi maging sa kalakhang Maynila.


Quezon PIO

Pagbibigay ng Libreng WiFi sa mga Pampublikong Paaralan, Ospital at Palengke sa mga Bayan ng Lalawigan ng Quezon | September 05, 2024

Pagbibigay ng Libreng WiFi sa mga Pampublikong Paaralan, Ospital at Palengke sa mga Bayan ng Lalawigan ng Quezon | September 05, 2024

Dinaluhan ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang pagpaplano sa pagbibigay ng libreng WiFi sa mga pampublikong paaralan, ospital at palengke sa mga bayan ng lalawigan ng Quezon ngayong araw ng Huwebes, September 5.

Nakasama ni Governor Doktora Helen Tan si DICT Regional Director Felix Tabanao at mga opisyal ng ahensya sa isang pagpupulong kung saan ay inilatag ang plano sa pagbibigay ng libreng wifi sa 4 na bayan ng Quezon partikular sa mga palengke para sa modernisadong pagbabayad ng mga bilihin. Kasama rin ang pagbibigay ng WiFi sa mga ospital at pangkolehiyong paaralan sa lalawigan ng Quezon.

Malaki ang tiwala ni Governor Tan na sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ng DICT ay maisasakatuparan ang proyekto at higit pang mapakikinabangan ang mga teknolohiyang mas makapagpapaginhawa ng pang-araw-araw na buhay ng mga Quezonian.


Quezon PIO

Pagsalubong ni Governor Doktora Helen Tan kay Israel Cesar Cantos ng Sariaya Quezon sa Provincial Governor’s Office | September 05, 2025

Pagsalubong ni Governor Doktora Helen Tan kay Israel Cesar Cantos ng Sariaya Quezon sa Provincial Governor’s Office | September 05, 2025

Mainit ang naging pagsalubong ni Governor Doktora Helen Tan kay Israel Cesar Cantos ng Sariaya Quezon sa Provincial Governor’s Office ngayong Huwebes, Setyembre 5.

Siya ay nag-uwi ng gintong medalya para sa larong Mens – Kyorugi – 87 kg sa ginanap na World University Taekwondo Festival sa Daegu, South Korea nitong nakaraang Hulyo 5-7, 2024.

Ang iyong pagsisikap at dedikasyon ay talagang kahanga-hanga, at ikinararangal ng buong lalawigan ng Quezon ang iyong tagumpay.


Quezon PIO

AV Fistula Caravan | September 05, 2024

AV Fistula Caravan | September 05, 2024

Sinimulan ngayong araw ng Huwebes, September 5, ang AV FISTULA CARAVAN sa Quezon Provincial Hospital Network- Quezon Memorial Center (QPNH-QMC) para sa mahigit kumulang na 50 na pasyente hanggang bukas September 6.

Ang Arteriovenous Fistula o AV Fistula ay isang surgical procedure na isinasagawa upang i-konekta ang ARTERY (ugat na nagdadala ng dugong may oxygen) at VEIN (ugat na nagdadala ng dugong walang oxygen) bilang access sa dugo na lilinisin sa mga pasyenteng sumasailalim sa hemodialysis.

Tinugunan nina Dr. Emmanuel Lacandulo at mga kasamahan nitong doktor ang pagbibigay impormasyon sa mga pasyente partikular ang mga dapat at hindi dapat gawin ng mga pasyente matapos ang operasyon. Magpapatuloy ang diskusyon hanggang bukas, Sept. 6 para sa iba pang mga pasyente.

Taos-puso ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa mga doktor na nagtulungan upang maisagawa ang nasabing caravan. Kasabay nito ang pagbibigay ng Certificate of Appreciation sa ating magigiting na doktor.


Quezon PIO

EARTHQUAKE UPDATE

EARTHQUAKE UPDATE

Labing-apat (14) na aftershocks ang naitala makalipas ang naunang lindol nitong umaga ng 04 September 24 2024 – 07:16 AM.

Sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS, muling niyanig ang Jomalig ng Magnitude 2.3 na lindol kaninang 01:25:46 PM.


Quezon PIO