NEWS AND UPDATE

Kapitolyo Serye – A Quezon Provincial Information Office Special

Kapitolyo Serye – A Quezon Provincial Information Office Special

QUEZONIANS, huwag palampasin ang unang episode ng Kapitolyo Serye!

Ang Kapitolyo Serye ay isang programa mula sa Provincial Information Office na naglalayong ilahad ang mga serbisyong inihahandog ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Sa aming unang pagtatanghal tunghayan natin ang Provincial Budget Office sa pamumuno ni Ginoong Diego M. Salas, na tatalakayin ang patungkol sa wastong proseso ng pag-gamit ng pondo ng lalawigan at kung saan ito napupunta.

Panoorin ang makabuluhang talakayan na ito!


Quezon PIO

Pamamahagi ng 129 Patient Transport Vehicles (PTVs) sa mga Local Government Units( LGUs) | September 10, 2024

Pamamahagi ng 129 Patient Transport Vehicles (PTVs) sa mga Local Government Units( LGUs) | September 10, 2024

Ginanap ngayong araw ng Martes ika-10 ng Setyembre ang pamamahagi ng 129 Patient Transport Vehicles (PTVs) sa mga Local Government Units( LGUs) sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. katuwang ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Quirino Grandstand, City of Manila.

Dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan ang nasabing programa kasama ang mga punong bayan mula sa iba’t ibang lalawigan.

Layunin ng programang ito na mapabilis ang pagresponde sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs).

Maraming salamat po Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.!

Photo Credits: PCO – RTVM


Quezon PIO

STEP UP Entrepreneurship Development Program

STEP UP Entrepreneurship Development Program

Handa Ka Na Bang I-level up ang Iyong Negosyo?

Ikaw ba ay isang manufacturer o processor ng food o non-food products? Kung OO, ito na ang pagkakataon mong umangat!

Halina’t sumali sa STEP-UP Entrepreneurship Development Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Layunin ng programang ito na suportahan at i-angat ang antas ng pagnenegosyo ng mga MSMEs sa Quezon Province sa pamamagitan ng lingguhang coaching at mentoring sessions kasama ang mga dalubhasang trainor mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bakit Dapat Kang Sumali?

✅ 15-Day Intensive Training – Makakatanggap ka ng 12 Business Modules na tutulong sa iyong palaguin ang negosyo.

✅ Free Packaging Design – Mabibigyan ng bagong anyo ang iyong produkto na makakaakit ng mas maraming customer.

✅ Negosyo Kits – Makakatanggap ka ng:

• Collapsible Kiosk

• Heavy Duty Foldable Canopy/Tent

• 2 Heavy Duty Foldable Chairs

✅ Business Pitching Opportunity – Kapag napasama ka sa “Top 10 Best Presentors,” maaari kang makatanggap ng livelihood assistance.

✅ Exposure sa Trade Fairs – Magkakaroon ka ng pagkakataong sumali sa iba’t ibang trade fair at exhibit sa loob man o labas probinsya!

Paano Sumali?

Kumpletuhin ang mga Dokumento:

-Photocopy ng DTI Business Name Certification

-Photocopy ng 2024 Mayor’s Permit

-Photocopy ng BIR Registration (optional)

-At least isang sample product ng iyong negosyo

Ipasa ang Iyong mga Dokumento:

Dalhin ang mga ito sa Governor’s Office o DTI Negosyo Center mula September 9-20, 2024.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Sumali na sa STEP-UP Entrepreneurship Development Program at sabay nating i-level up ang iyong negosyo! 💪🚀


Quezon PIO

Our Quality Policy

Our Quality Policy

Bilang bahagi ng paghahangad na makuha ang ISO Certification ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, ang “Our Quality Policy” ay sinisigurong naisasapuso ng bawat kawani at empleyado ng Kapitolyo.

Narito ang nilalaman ng nasabing Quality Management System (QMS).


Quezon PIO

2nd Gov. Angelina “Doktora Helen” D.L Tan Inter-collegiate Basketball and Volleyball Tournament 2024 – 4th District Meeting | September 09, 2024

2nd Gov. Angelina “Doktora Helen” D.L Tan Inter-collegiate Basketball and Volleyball Tournament 2024 – 4th District Meeting | September 09, 2024

Ginanap ngayong araw, Setyembre 9 sa bayan ng Gumaca ang pagpupulong para sa 4th District Leg ng “The 2nd Gov. Angelina “Doktora Helen” D.L Tan Inter-Collegiate Basketball and Volleyball Tournament 2024.”

Pinangunahan ito ni Provincial Sports Officer Coach Aris A. Mercene, kung saan kaniyang hinarap ang ilang Unibersidad at Kolehiyo sa ika-apat na distrito upang magkaroon ng koordinasyon sa mga mga manlalarong nais lumahok mula sa kanilang paaralan.

Samantala, sa tulong naman ni Lopez Mayor Rachel A Ubana, gaganapin Grand Opening ng nasabing pasiklaban sa larangan ng Basketball at Volleyball sa Municipal Covered ng bayan ng Lopez.


Quezon PIO

Ika-113 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | September 09, 2024

Ika-113 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon | September 09, 2024

Sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala, isinagawa ang ika-113 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon na ginanap via Zoom Meeting Conference ngayong araw ng Lunes, Setyembre 9.

Naaprubahan sa nasabing pagpupulong ang mga ordinansang bayan, panukala, kautusan bayan at resolusyon na mapakikinabangan ng bawat mamamayan upang magpaunlad at mapabuti ang lalawigan.

Asahan naman ang walang humpay pang pagsisikap ng Sanggunian sa pagbibigay ng mga panglehisturang serbisyo para sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga mamamayang Quezonian.


Quezon PIO

2024 Quezon Educators’ Research Convention (Day 2) | September 08, 2024

2024 Quezon Educators’ Research Convention (Day 2) | September 08, 2024

Sa ikalawang araw ng Quezon Educators’ Research Convention 2024, kabilang sa mga dumalo ang iba’t ibang lugar sa Quezon mula Pagbilao, Mauban, Lucban, Sampaloc, Real, Infanta, General Nakar, Polillo, Panukulan, Patnanungan, Quezon at Jomalig, Setyembre 8.

Pinangunahan ang programa nina Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Anacleto A. Alcala III na patuloy na sumusuporta at nagpapasalamat sa mga masisipag na guro na nagtatrabaho upang maiangat ang kalidad ng edukasyon partikular sa lalawigan ng Quezon.

Ipinahayag rin ni Loida N. Nideo, Assistant Regional Director, “you my dear teachers with support of non-teaching personnel are the people who make children happy”.


Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | September 08, 2024

Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | September 08, 2024

Naihatid sa 2,567 mamamayan ng Calumpang, Tayabas City ang iba’t-ibang libreng serbisyong medikal ngayong araw ng Linggo, September 8 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala.

Napakinabangan ng mga residente ng nasabing lugar ang libreng medical check-up sa bata at matanda, bunot ng ngipin, minor surgery, pagpapatingin sa mata, libreng pagpapasalamin, at iba’t-ibang laboratory examinations gaya ng X-ray, Ultrasound, FBS, ECG, UACR, at HIV Screening.

Asahan na magpapatuloy ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay pa ng mga programa at serbisyong pangkalusugan na abot-kamay ng bawat mamamayang Quezonian.


Quezon PIO

1st Runner-up Best Booth-Regional Category – 35th Philippine Travel Mart

1st Runner-up Best Booth-Regional Category – 35th Philippine Travel Mart

Quezon Province, nagwagi bilang Best Booth ng Regional and Provincial Category sa ginanap na 35th Philippine Travel Mart (PTM) sa SMX Convention Center, Pasay City mula September 6-8.

Sa pangunguna ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Nesler Louies Almagro, ibinida sa tatlong araw na isinagawang programa ang mga ipinagmamalaking produkto at kultura ng lalawigan ng Quezon kabilang na ang Lambanog at ang Tagayan Ritual.

Ang Philippine Travel Mart ay ang pinakamalaking taunang fair na nakatuon sa pagtataguyod ng mga sikat at umuusbong na destinasyon ng turista sa bansa, kung kaya’t malaking tulong ito upang makilala pa ang mga nakabibighaning Agri-turismong destinasyon sa lalawigan ng Quezon na isa sa layunin ni Governor Doktora Helen Tan.


Quezon PIO