Stand-out Kalinisan Livelihood Improvement Program | January 15, 2025
Pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan, ang matagumpay na pagsasagawa ng Batch 2 STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program, ngayong araw ng Miyerkules, Enero 15, sa Brgy. Ilog, Infanta Quezon.
Ang kaligtasan ng Quezonian ay mahalaga lalo’t higit sa pagkaing binibili sa labas, kung kaya’t kabalikat si PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, naipamahagi sa 121 na benepisyaryo na nagmula sa bayan ng General Nakar, Infanta, at Real ang mga kagamitang pang karinderya o kainan gaya ng; heavy duty utensils heater, alcohol dispenser, 1 gallon alcohol, Stand-Out sa Kalinisan Corner Signage, Maya QR Sintra Board, at Gcash QR Sintra Board.
Bukod sa pamamahagi ng kagamitan, nagkaroon din ng libreng seminar ang mga benepisyaryo tungkol sa Briefing on first Polymer Piso Banknote Series, Basic Food Safety, Financial Literacy, SMART Service at Digitalization na tinalakay nina Sr. Research Specialist Shanise Geri D. Villanueva, Service Supervisor III Eleanor D. Zabella, Costumer Development Manager SMART Andy Dipon, Territory Solutions Lead Maya Ken Mendoza, at Costumer Development Manager SMART Dinah M. Simon para sa malawak na kaalaman sa pagnenegosyo.
Sa huli, buong-puso ang pasasalamat ni Governor Tan sa patuloy na pagsuporta ng mga mamamayan sa mga programang mapapakinabangan ng buong Lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO