NEWS AND UPDATE

Educational Assistance Payout | September 12, 2024

Educational Assistance Payout | September 12, 2024

Isinagawa ngayong araw, Setyembre 12 ang Educational Assistance Payout para sa mga mag-aaral ng 2nd District ng lalawigan ng Quezon bilang bahagi ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS). Ang programa ay pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan kasama sina Vice Governor Third Alcala, Board Member Yna Liwanag, at Board Member Vinette Alcala sa tulong ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Sa kabuuan, 2,125 benepisyaryo mula sa bayan ng Dolores, San Antonio, Candelaria, Pagbilao, Tiaong, at Lucena City ang nakatanggap ng PHP 4,000.00. Layunin naman ng nasabing programa na tulungan ang mga estudyanteng nangangailangan ng suporta sa kanilang pag-aaral.

Sa hangarin ni Governor Doktora Helen Tan na maabot ng nararapat na serbisyo ang mga Quezonian, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay patuloy na nagsusumikap at tumutugon sa bawat nangangailangan.


Quezon PIO

Salient Features of Republic Act (RA) 10821, Formulation of Comprehensive Emergency Program for Children and Child-Friendly Spaces | September 12, 2024

Salient Features of Republic Act (RA) 10821, Formulation of Comprehensive Emergency Program for Children and Child-Friendly Spaces | September 12, 2024

Matagumpay na naisagawa ang huling araw ng pagtatalakay sa Salient Features of Republic Act (RA) 10821, Formulation of Comprehensive Emergency Program for Children and Child-Friendly Spaces na ginanap sa St. Jude Coop Hotel and Event Center, Tayabas City.

Tinutukan ngayong araw, Setyembre 12 ang usapin para sa nasabing pagsasanay ang Disaster Risk Reduction and Management and Climate Change Adaptation and Mitigation in Children.

Sa huli, pinangunahan ni Assistant Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Norliza M. Labitigan ang pagbibigay ng Certificate of Appreciation para sa mga Local Goverment Units (LGUs) na nagsidalo sa loob ng tatlong araw na pagsasanay.

Taos-pusong pinasasalamatan naman ang bawat dumalong kawani para sa patuloy na pagbibigay impormasyon na ikabubuti ng bawat kabataan sa lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Livestock Inspectors’ Meeting | September 12, 2024

Livestock Inspectors’ Meeting | September 12, 2024

Pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ang ginanap na Livestock Inspectors’ Meeting ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 12 kasama ang 27 Livestock Inspectors mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan.
Tinalakay ni OPV Head Dr. Flomella Caguicla ang kasalukuyang lagay ng lalawigan ng Quezon ukol sa African Swine Fever (ASF) gayundin ang Bureau of Animal Industry (BAI) issuances kaugnay sa Guidelines on the movement of Protocols for live pigs for the purposes of slaughter (DA CA No. 6 s2024), Revised Guidelines for granting cash assistance to ASF affected hog raisers (DA AO 10 s. 2024), at Guidelines on the controlled use of vaccine for ASF (DA Admin Circular No. 5, Series of 2024).
Samantala, inanyayahan naman nina Dr. Milcah Valente at Dr. Camille Calaycay ang mga LGU na makiisa sa kanilang mga inihandang aktibidad tulad ng “Sustainable and Climate Resilient Livestock Feeding: Orientation on Silage Making” at ang “World Rabies Day Celebration.”


Quezon PIO

Energy Audit 2024 | September 12, 2024

Energy Audit 2024 | September 12, 2024

Nakapagtamo ng 3-star rating ang Provincial Government of Quezon sa isinagawang Energy Audit 2024 ng Department of Energy (DOE) nitong araw ng Setyembre 12 sa pangunguna ni DOE Senior Research Specialist Ms. Anabel Elmaga.

Layunin nitong matukoy ang mga pamamaraan ng paggamit ng enerhiya gayundin ng pamamaraan para makatipid sa enerhiya at gasolina sa mga sasakyan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Ang ginanap na Energy Audit ay pinangunahan ng Provincial Administrator at Acting Provincial General Services Officer, Manuel M. Butardo na dinaluhan ng iba’t ibang tanggapan mula sa Provincial Governor’s Office, Provincial General Services Office, Provincial Engineering Office at Office of the Provincial Planning and Development Coordinator upang makapagbigay ng kinakailangang impormasyon sa nasabing Energy Audit.

Naka-angkla naman ang Energy Audit na ito sa batas na Energy Efficiency and Conservation Act of 2018 (Republic Act No. 11285), na inaatasan ang Department of Energy (DOE) na magsagawa ng Energy Audit kada tatlong (3) taon sa mga ahensya ng gobyerno.


Quezon PIO

Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) Payout – Centro Pastoral, Lucena City | September 12, 2024

Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) Payout – Centro Pastoral, Lucena City | September 12, 2024

Part 1 | Livestream – Provincial Government of Quezon


Quezon PIO

Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) Payout – Candelaria, Quezon | September 12, 2024

Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) Payout – Candelaria, Quezon | September 12, 2024

Part 1 | Livestream – Provincial Government of Quezon


Quezon PIO

Turn-over of Power Sprayers and Disinfectants for African Swine Fever (ASF) Prevention and Control | August 28-September 11, 2024

Turn-over of Power Sprayers and Disinfectants for African Swine Fever (ASF) Prevention and Control | August 28-September 11, 2024

Bilang tugon sa lumalaganap na African Swine Fever (ASF), namahagi ng mga power sprayers at disinfectants ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng Office of the Provincial Veterinarian.

Mula Agosto 28 hanggang Setyembre 11, isinagawa ang pamamahagi sa mga Local Government Units at mga Farmers Associations and Cooperatives ng mga bayang nagkaroon ng kaso ng ASF upang makatulong sa pagsugpo ng naturang sakit at gayundin para sa cleaning and disinfection ng mga naapektuhang babuyan.

Samantala, nagmula naman ang pondo nito sa LDRRM trust Fund ng PDRRMO.


Quezon PIO

Metro Retail Stores Group, Inc. Job Openings

Metro Retail Stores Group, Inc. Job Openings

JOB OPPORTUNITIES AT

📌METRO RETAIL SALES GROUP, INC.📌

POSITIONS:

🟠SALES ASSOCIATE-COUNTER (CASHIER)

QUALIFICATIONS

-Female

-At least Senior High School Graduate or College level

-With related work experience

-Good customer service and oral communication

JOB DESCRIPTION

Responsible for assisting the customers with the utmost respect, courtesy and enthusiasm in the process of selling while promoting the goodwill of the company to make sales and meet a sales quota.

🟠SALES ASSOCIATE-SELLING (SALES SLERK)

QUALIFICATIONS

-Male

-At least Senior High School Graduate or College level

-With related work experience

-Good customer service and oral communication

JOB DESCRIPTION

Responsible for assisting the customers with the utmost respect, courtesy and enthusiasm in the process of selling while promoting the goodwill of the company to make sales and meet a sales quota.

🟠PHARMACIST

QUALIFICATIONS

-Male/Female

-Licensed Pharmacist

-Preferably with experience in any pharmaceutical company

-Must possess leadership skills and detail oriented

-Good written and oral communication

JOB DESCRIPTION

Responsible for the proper dispensing of drugs as prescribed by the physicians

❗️DEADLINE OF SUBMISSION OF RESUME SEPTEMBER 20, 2024 ❗️

All interested applicants may proceed to PESO Quezon Province office located at 2nd floor, Quezon Convention Center, Capitol Compound Lucena City. Bring RESUME, ID and a pen.

For more information, you may call PESO Quezon Province (042) 373-4805 0933-868-5524 or leave us a message here at our Facebook page.


Quezon PIO

Pagsangguni ng mga Proyekto at Programang nais Maisakatuparan para sa Lalawigan ng Quezon | September 11, 2024

Pagsangguni ng mga Proyekto at Programang nais Maisakatuparan para sa Lalawigan ng Quezon | September 11, 2024

TINGNAN: Bumisita ngayong araw, Setyembre 11 si Governor Doktora Helen Tan kasama si 4th District Congressman Atorni Mike Tan sa Senado upang personal na isangguni ang mga proyekto at programang nais maisakatuparan para sa lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO