NEWS AND UPDATE

Ika-96 taong anibersaryo ng Quezon Provincial Library | March 3, 2025

Ika-96 taong anibersaryo ng Quezon Provincial Library | March 3, 2025

Bilang pagdiriwang ng ika-96 taong anibersaryo ng Quezon Provincial Library, nagsagawa ng General Assembly of Public Librarians in Quezon Province sa Culture and Arts Center, Capitol Compound, Lucena City noong Pebrero 28, 2025.

May temang “QPL@96: Celebrating 96 Years of Bridging Knowledge, Culture and Communities,” nagkaroon ng pagbabahagi ng mga mga kontribusyon ng mga pampublikong aklatan sa Sustainable Development Goals (SDGs) at pagtatayo ng mga Barangay Reading Center sa lalawigan mula sa Quezon Provincial Library, Tayabas City Public Library at Mauban ELearningville.

Nagkaroon din ng pagkilala sa serbisyo at inisyatibo ng mga pampublikong aklatan at mga kawani sa lalawigan .

Bilang pagdiriwang ng ika-96 na taong anibersaryo, nagsagawa ang Panlalawigang Aklatan ng Quezon ng pagtitipon ng mga kawani ng mga pampublikong aklatan sa lalawigan noong Pebrero 28, 2025.

Ilan sa mga napag usapan ang tungkol sa mga kontribusyon ng mga pampublikong aklatan sa Sustainable Development Goals (SDGs) at pagtatayo ng mga Barangay Reading Center sa lalawigan.

Nagkaroon din ng pagkilala sa serbisyo at inisyatibo ng mga pampublikong aklatan at mga kawani sa lalawigan.


Quezon PIO

Tiangge ni Juana  | March 3, 2025

Tiangge ni Juana | March 3, 2025

PANOORIN: Mga kaganapan sa opisyal na pagbubukas ng TIANGGE NI JUANA sa Provincial Capitol Compound bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month.

Maaaring bisitahin at bumili sa mga nasabing tiangge na hatid ng mga kababaihan mula sa lalawigan ng Quezon mula ika-3 hanggang 7 ng Marso.

Happy Women’s Month!💜

Panoorin: https://www.facebook.com/share/v/167mHdSxQh

#HappyWomensMonth


Quezon PIO

Tiangge ni Juana | March 3, 2025

Tiangge ni Juana | March 3, 2025

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.” Pormal ng binuksan ang TIANGGE NI JUANA “Pag-unlad at Pagkakaisa” ngayong araw ng Lunes, Marso 3, sa Quezon Capitol Grounds, Lucena City.

Pinangunahan ito ni Governor Doktora Helen Tan katuwang ang Provincial Gender and Development office sa pamumuno ni Sonia Leyson kasama ang ilang punong tanggapan at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan kung saan tampok dito ang Iba’t ibang produktong gawa ng masisipag na kababaihang Quezonian.

Ang taunang aktibidad na ito ay naglalayong tulungan ang organisasyon ng mga kababaihan at mga babaeng negosyante kung saan maipapakita ang kanilang mga likhang produkto, gayundin na mabigyan sila ng mas maraming oportunidad upang mapalawak ang kanilang Mercado at mas lalo pang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Sama-sama nating suportahan ang gawang lokal at ang lakas ng Juana! bukas ito mula Marso 03 hanggang ika-7 ng Marso.

#HappyWomen’sMonth


Quezon PIO

Gawaing Safe ang Fur Babies sa Rabies

Gawaing Safe ang Fur Babies sa Rabies

IKAW BA AY ISANG FUR PARENT? 🐶🐱

Nais mo bang manalo ng 𝗰𝗮𝘀𝗵 𝗽𝗿𝗶𝘇𝗲𝘀? 💰✨ Hali na’t makiisa at sumali sa aming “𝐆𝐚𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐟𝐞 𝐚𝐧𝐠 𝐅𝐮𝐫 𝐁𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬” 𝐅𝐚𝐜𝐞𝐛𝐨𝐨𝐤 𝐑𝐞𝐞𝐥 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐞𝐬𝐭 ngayong 𝑹𝒂𝒃𝒊𝒆𝒔 𝑨𝒘𝒂𝒓𝒆𝒏𝒆𝒔𝒔 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉 𝟐𝟎𝟐𝟓. Ipakita ang iyong pagiging malikhain at tumulong sa pagpapalaganap ng tamang kaalaman para maprotektahan ang ating mga alaga.

📌 𝒃𝒂𝒔𝒂𝒉𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒆𝒄𝒉𝒂𝒏𝒊𝒄𝒔!

📄 Upang makasali, narito ang 𝑬𝒏𝒕𝒓𝒚 𝑭𝒐𝒓𝒎: ⬇️

bit.ly/ReelMakingEntryForm


ProVet

SPES 2025 Application | March 1, 2025

SPES 2025 Application | March 1, 2025

Muling bubuksan ng Provincial Government of Quezon sa pamamagitan ng Quezon Provincial Public Employment Service Office ang aplikasyon para sa Special Program for Employment of Students o SPES na isa sa mga programa ng Department of Labor and Employment. Nilalayon ng programang ito makapagbigay ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral at Out-of-School-Youth na kabilang sa low-income families.

Ang mga mapipiling benepisyaryo ay magtatrabaho sa iba’t ibang tanggapan sa Pamahalaang Lalawigan o sa mga katuwang nitong ahensya. Kasama rin sa mithiin ng programang ito na maging lunsaran ng pagtuklas at paghubog sa kasanayan at abilidad ng mga kabataan tungo sa iba’t ibang karera o propesyon na maaari nilang tunguhin sa hinaharap.

Para masimulan ang aplikasyon, ihanda ang mga requirements na nabanggit sa video. Palaging mag-antabay sa mga anunsyo at paanyaya ng Quezon Provincial PESO para sa ibang mga detalye at pamamaraan patungkol sa programang SPES.


Quezon PIO / PESO

Poor Family College Graduate Full Scholarship Program | February 28, 2025

Poor Family College Graduate Full Scholarship Program | February 28, 2025

Narito ang mga pangalan na kabilang sa “Shortlisted Applicants” para sa 2025 One Poor Family, One College Graduate Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Ang mga sumusunod ay naikonsidera batay sa kanilang mga sagot sa Assessment Tool na ginamit bilang batayan sa pagpili ng mga kwalipikadong aplikante.

Kaugnay nito, upang matiyak na wastong impormasyon ang ibinigay ng mga aplikante, magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng beripikasyon o pagsisiyasat upang malaman ang tunay na kalagayan ng bawat aplikante at matukoy kung sino ang pasok sa mga itinakdang pamantayan ng programa.

Samantala, hintayin ang opisyal na email kung saan ipapaliwanag ang mga susunod na hakbang at mga kailangang gawin kaugnay ng naturang scholarship program.

Narito ang buong listahan: https://drive.google.com/…/1hv1mu…/view…

Pabatid:

1. Naupdate na ang Listahan, upang mapasama ang mga “Shortlisted Applicants” mula Catanauan. Gayun din ay karagdagang pangalan para sa Pagbilao dahil sa nagdobleng entry.


Quezon PIO

2nd Provincial Health Board Meeting | February 28, 2025

2nd Provincial Health Board Meeting | February 28, 2025

Sa inisyatibo ng Provincial Health Office, sa pangunguna ni Dra. Kristin Mae-Jean Villaseñor, naisagawa ngayong araw ng Biyernes, ika-28 ng Pebrero, ang 2nd Provincial Health Board Meeting sa 3rd floor, Provincial Capitol Bldg. Lucena, City.

Isa sa natalakay sa pagpupulong ay ang Dengue status sa Lalawigan ng Quezon kung saan naipakita ang kasalukuyang bilang ng mga kaso ng dengue at ang mga munisipalidad sa Quezon na nakapagtala ng mataas na bilang nito. Sa kabilang banda, ipinakita naman ang mga hakbang na patuloy na isinasagawa ng lokal na pamahalaan upang maiwasan, mapababa, at makontrol ang pagtaas ng kaso ng dengue sa buong probinsya. Ilan sa mga proyekto ay ang: “Tepok Lamok Project”, Indoor spraying, at installation of long lasting insecticide treated screens sa mga paaralan.

Nagbigay naman ng direktiba ang Gobernadora na magkaroon o maglaan ng isang araw para sa Province-wide cleaning upang mapuksa ang bawat lugar na maaaring pamahayan ng lamok na nagdudulot ng dengue.

Samantala, kasabay ng pagpupulong ay namahagi rin ng multifunction portable analyzer machine sa mga munisipalidad sa apat na distrito ng lalawigan ng Quezon. Ang nasabing kagamitan ay magagamit sa iba’t ibang tests gaya ng blood glucose, total cholesterol, uric acid at heart rate. Magagamit din ito sa detection and management ng chronic diseases ng mga pasyente


Quezon PIO

Resilience Local Government System Scorecard (RLGSS) Contextualization and Baselining in Quezon | February 28, 2025

Resilience Local Government System Scorecard (RLGSS) Contextualization and Baselining in Quezon | February 28, 2025

Tagumpay na idinaos ang huling araw ng 3-day workshop para sa Resilience Local Government System Scorecard (RLGSS) Contextualization and Baselining in Quezon na ginanap ngayong araw, Biyernes, Pebrero 28, sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City.

Dito ay iprinisenta ng mga Resilience Committee ang kanilang mga programa na ginagawa na o pwedeng gawin upang maging kaakibat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa pagiging resilient ng bawat departamento ng Pamahalaang Panlalawigan, mga ahensya ng Pambansang Pamahalaan, at mga indibidwal na maaring maapektuhan ng sakuna.

Sa tulong ng Strengthening Institution and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change (SHIELD), ay nagkaroon ng talakayan sa pagitan ng mga Resilience Committee patungkol sa kung paano pa mas mapapabuti ang pagpapatupad ng mga programa ng bawat komite para maging disaster ready at resilient.

Sa huli ay nabigyang diin naman ni National Resilience Council (NCR) Resilience Officer, Jasmine De Leon, ang kahalagahan ng Resilience Competency Assessment (CompAss), sa pag susuri ng Resilience Competencies sa Leadership at Governance (L&G) at sa Science and Technology (S&T), na makakatulong sa pagkamit ng “Resilience” sangayon sa Scorecards. Inilahad din na ang Lalawigan ng Quezon ay isa sa mga lalawigan kung saan ipinatupad ang Resilience CompAss.

Asahan na ang Pamahalaang Panlalawigan ay patuloy ang suporta upang maging ligtas, handa, at matatag ang Lalawigan sa harap ng sakuna.

#HEALINGQuezon #SerbisyongTunayAtNatural #SHIELDCompAss #SPARCQuezon


Quezon PIO