NEWS AND UPDATE

HAPPY INTERNATIONAL WOMEN’S DAY! | March 8, 2025

HAPPY INTERNATIONAL WOMEN’S DAY! | March 8, 2025

Sama-sama natin ipakita ang pagpapahalaga sa tagumpay, kontribusyon, at karapatan ng mga kababaihan sa buong mundo sa pagdiriwang ng International Women’s Day ngayong araw ng Sabado, Marso 8.
Ang inyong hindi matatawarang kontribusyon sa bawat larangan—mula sa pamilya, komunidad, hanggang sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay hindi malilimutan.
#InternationalWomen’sDay
#HEALINGQuezon
#SerbisyongTunayAtNatural
#WEcanbeEqual


Quezon PIO

Pagpapatibay ng Biosecurity at Kaligtasan: Livestock Inspectors ng Quezon Nagpulong para sa Mahahalagang Usapin sa Industriya ng Paghahayupan | March 7, 2025

Pagpapatibay ng Biosecurity at Kaligtasan: Livestock Inspectors ng Quezon Nagpulong para sa Mahahalagang Usapin sa Industriya ng Paghahayupan | March 7, 2025

Isang makabuluhang pagpupulong ang ginanap noong Marso 6, 2025 sa OPV Conference Hall, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon, kung saan nagkatipon-tipon ang mga Livestock Inspectors mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. Ang layunin ng pagpupulong ay talakayin ang mahahalagang usapin kaugnay ng kalusugan at kapakanan ng mga hayop, pati na rin ang pagpapatibay ng mga regulasyon sa biosecurity at quarantine protocols.
Isa sa mga pangunahing tinalakay ay ang updates sa Disaster Risk Reduction and Management Information System (DRRMIS), kung saan inilatag ang mga bagong impormasyon at proseso sa pag-uulat ng damage report sa panahon ng sakuna. Malaking bahagi rin ng pulong ang pinakabagong ulat tungkol sa African Swine Fever (ASF), kung saan ibinahagi ang kasalukuyang sitwasyon ng ASF sa lalawigan at ang mga hakbang na isinasagawa upang mapigilan ang pagkalat nito.
Pinagtuunan din ng pansin ang updates sa Standard Operating Procedures (SOP) para sa mga paglabag sa shipment regulations, kung saan binigyang-linaw ang mga tamang hakbang sa paghawak ng mga insidenteng may kaugnayan sa iligal na pagpapadala ng mga hayop at produktong mula rito. Bukod dito, ibinahagi rin ang mga nalalapit na programa at aktibidad sa pambansa, panrehiyon, at panglalawigang antas. Kasabay nito, nagbigay rin ng updates ang Animal Health and Welfare Division patungkol sa mga kasalukuyang proyekto at inisyatibo ng tanggapan.
Sa huling bahagi ng pagpupulong, nagkaroon ng isang open forum kung saan binigyang-daan ang mga suhestiyon at talakayan ukol sa pagbuo ng isang ordinansa na magpapalakas sa regulasyon laban sa shipment violations sa lalawigan ng Quezon. Pinag-usapan din ang kaligtasan at seguridad ng mga Animal Quarantine Personnel na nakadestino sa iba’t ibang checkpoints, lalo na ang mga hakbang upang maprotektahan sila sa banta na kaakibat ng kanilang tungkulin.
Ang pagpupulong na ito ay patunay ng matibay na pagkakaisa ng mga Livestock Inspectors sa lalawigan upang mapanatili ang maayos at ligtas na industriya ng paghahayupan sa Quezon.
#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices


Quezon PIO / ProVet

Province-Wide Search and Destroy Campaign to Combat Dengue | March 7, 2025

Province-Wide Search and Destroy Campaign to Combat Dengue | March 7, 2025

Inaanyayahan ang lahat ng mga punong-bayan at mga punong-barangay sa Lalawigan ng Quezon na maki-isa sa “Province-wide Search and Destroy Campaign to Combat Dengue”, sa darating na Sabado, Marso 8 ganap na ika-4 ng hapon.
Layunin ng nasabing aktibidad na alisin ang mga pinamamahayan ng lamok dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue sa Lalawigan ng Quezon.
Inaasahan ang pagkakaisa ng bawat pinuno kasama ang kanyang nasasakupan sa paglaban at pagprotekta sa kalusugan ng bawat Quezonian.
#Let’sCombatDengue
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants | March 7, 2025

Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants | March 7, 2025

Upang mabigyan ng kaukulang serbisyo ang mga magsasaka sa lalawigan ng Quezon ay muling nagsagawa ang Office of the Provincial Veterinarian ng Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants at iba pang veterinary services para sa mga kalabaw at baka sa iba’t ibang barangay ng Perez, Macalelon, at Lucban nitong Pebrero 25-28, at Marso 4-5, 2025.
May kabuuang bilang na 377 mga baka at kalabaw na pag-aari ng 247 na kalalawigan natin ang naserbisyuhan sa mga naturang bayan.
Nais namang magpasalamat ng OPV Quezon sa mga katuwang na ahensya ng pamahalaan upang mapalawig pa ang Ruminant Development Program sa lalawigan, gaya ng Department of Agriculture (PCC, BAI, PCA, NDA, DARFO4A), gayundin sa mga Local Government Units ng mga nabanggit na bayan.
#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices


Quezon PIO

Sama-samang Pagkilos ng Pamilyang Quezonian laban sa dengue

Sama-samang Pagkilos ng Pamilyang Quezonian laban sa dengue

Simula March 8, 2025 kasama ang Provincial Government of Quezon at Department of Interior and Local Government (DILG), sabay-sabay tayong makiisa at makilahok sa paglunsad ng Province-wide search and destroy breeding grounds for mosquitoes na may temang “𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧𝐢𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐝𝐞𝐧𝐠𝐮𝐞”.

Siguraduhing safe and healthy ang buong taon ng pamilya mo kaya Quezonians, halina at araw-araw nating gawin ang 4S kontra dengue tuwing alas-kwatro ng hapon.

☑️ Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng lamok

☑️ Sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue

☑️ Sarili ay protektahan laban sa lamok

☑️ Sumuporta sa “Fogging / Spraying” kapag may banta ng outbreak.


IPHO

PRIORITY COURSES SCHOLARSHIP & RETURN SERVICE PROGRAM FOR DESERVING STUDENTS | March 7, 2025

PRIORITY COURSES SCHOLARSHIP & RETURN SERVICE PROGRAM FOR DESERVING STUDENTS | March 7, 2025

Narito ang mga pangalan na kabilang sa “Shortlisted Applicants” para sa PRIORITY COURSES SCHOLARSHIP & RETURN SERVICE PROGRAM FOR DESERVING STUDENTS ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Ang listahang ito ay awtomatikong nabuo batay sa mga sagot na ibinigay sa Online Assessment Tool at isang formula na idinisenyo alinsunod sa umiiral na Scholarship Ordinance.

Kaugnay nito, magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ng paunang beripikasyon ng inyong kwalipikasyon upang makapagpatuloy sa susunod na antas ng pagsusuri o panayam.

Samantala, ipadadala sa inyong email ang iskedyul at mga tagubilin para sa susunod na antas ng pagsusuri.

Narito ang buong listahan:

https://drive.google.com/file/d/1n-YqwkiIZBwKxdi-_zgxyrYNz0Ta_Vh0/view?usp=drivesdk&usp=embed_facebook


Quezon PIO

STAN Kabuhayan Livelihood Assistance Program | March 7, 2025

STAN Kabuhayan Livelihood Assistance Program | March 7, 2025

𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗥𝗜-𝗦𝗔𝗥𝗜 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗢𝗪𝗡𝗘𝗥𝗦, HANDA NA BA KAYO?

Ikaw ba ay may sari-sari store at nangangailangan ng dagdag napangkabuhayan upang mapalago ang iyong negosyo? Ito na ang pagkakataon mo!

Sumali sa STAN-KABUHAYAN Livelihood Assistance Program, isa sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, nanaglalayong palaguin ang antas ng pagnenegosyo sa atinglalawigan.

𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔?

• Pangkabuhayan Assistance

• Libreng Pagsasanay: Entrepreneurial Mindsetting, Financial Literacy, at Digitalization

• Libreng Signages at QR Code para ma-upgrade ang negosyo

𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗜?

Ihanda ang sumusunod na requirements:

1. Photocopy ng ALIN MAN sa mga sumusunod:

• Barangay Permit 2025

• Barangay Certification 2025

• Mayor’s Permit 2025

2. Printed picture ng sari-sari store kasama ang may-ari

3. Photocopy ng Valid ID

𝗗𝗘𝗔𝗗𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗕𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡:

– Maaari ng magpasa ng requirements mula March 7, 2025hanggang March 28, 2025

𝗦𝗔𝗔𝗡 𝗜𝗣𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔?

– Sa pinakamalapit na STAN Satellite Office sa inyong lugar.

Huwag palampasin ang oportunidad na ito! Baka ikaw na ang mapili at makatanggap ng STAN-Kabuhayan Pangkabuhayan Assistance!

I-share ito sa iba pang kakilalang sari-sari store owners!

#STANKabuhayan


Quezon PIO

Benificiaries ng “Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan”  – Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon | March 6, 2025

Benificiaries ng “Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan” – Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon | March 6, 2025

Dala ang hangaring makapaghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga Quezonian, matagumpay na naisagawa ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission sa Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon nitong araw ng Huwebes, Marso 6.

Sa inisyatibong ito ni Governor Doktora Helen Tan, umabot sa 3551 na indibidwal ang nahandugan ng serbisyo medikal sa nasabing bayan. Naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sina Vice-Governor Third Alcala, Board Member Julius Luces, mga Private Doctors, at iba’t ibang espesyalista na mula pa sa loob at labas ng Quezon.

Ilan sa serbisyong naibigay sa mga benepisyaryo ay ang Medical Consultation, Dental Extraction, Minor Surgery, FBS, Laboratory, Ultrasound, at ECG. Handog din ang bagong idinagdag na optical service kung saan may konsultasyon sa mata at libreng salamin para sa mga higit na nangangailangan.

Kasama ring naghandog ng serbisyo ang Office of the Provincial Veterinarian, kung saan may 188 na benepisyaryo ang nakinabang sa libreng konsultasyon at bakuna sa anti-rabies.

Samantala, asahang hindi titigil ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng libreng serbisyo na tiyak na mapapakinabangan ng lahat ng mamamayan sa Quezon.

#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025


Quezon PIO

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan – Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon | March 6, 2025

Kalinga sa Mamamayan Libreng Gamutan – Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon | March 6, 2025

Ang mga naging kaganapan sa isinagawang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission sa Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon ngayong araw ng Huwebes, Marso 6.

Ang serbisyong pangkalusugan na ito ay inisyatibo ni Governor Doktora Helen Tan katuwang sina Vice Governor Third Alcala, Board Member Julius Luces, Provincial Health Office (PHO), mga Private Doctors, at mga espesyalista na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

#SerbisyongTunayAtNatural #HEALINGQuezon #KalingaSaMamamayanLibrengGamutan #MedicalMission2025


Quezon PIO