NEWS AND UPDATE

4th Quarter Meeting ng Provincial GAD Focal Point System-Technical Working Group (PGADFPS-TWG) and GAD Monitoring and Evaluation (M&E) Team cum Year-End Assessment | December 16, 2024

4th Quarter Meeting ng Provincial GAD Focal Point System-Technical Working Group (PGADFPS-TWG) and GAD Monitoring and Evaluation (M&E) Team cum Year-End Assessment | December 16, 2024

Ginanap ang 4th Quarter Meeting ng Provincial GAD Focal Point System-Technical Working Group (PGADFPS-TWG) and GAD Monitoring and Evaluation (M&E) Team cum Year-End Assessment nitong araw ng Lunes, Disyembre 16.

Sa inisyatibo ni Governor Doktora Helen Tan, pinangunahan ng Provincial Gender and Development Office (PGAD) ang pagpupulong na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya, partner agencies at kawani ng pamahalaang panlalawigan na miyembro ng nasabing samahan.

Sa naturang pagpupulong pinasimulan ni Community Affairs Officer Cynthia Profeta ang Basic Gender Sensitivity Training kung saan kalakip ang mga angkop na batas ay tinalakay ang mga sumusunod:

•GAD Legal Mandates

•Gender and Development

•Gender Sensitivity

•Sex and Gender

•Gender Roles

•Empowering LGBTQA+

•Non-Sexist Languange

•Male Oppression

•Manifestation of Gender Biases

Ang pagsasagawa ng ganitong klaseng pagsasanay ay pundasyon para sa pagpapalakas ng kamalayan, pagsulong ng pagkapantay-pantay, at pagtiyak na ang bawat miyembro ng PGFPS ay magkaroon ng kakayahang lumikha ng patas, inklusibo at gender-responsive na polisiya at serbisyo.

Sa pagtatapos tinalakay ni PGADH Sedfrey Potestades ang Accomplishment Report, Preparation for the 2025 Provincial Women’s Month Celebration at 2026 GAD Plan & Budget.


Quezon PIO

Weather Advisory No. 4 For: Low Pressure Area & Shear Line Issued at: 5:00 AM, December 17, 2024

Weather Advisory No. 4 For: Low Pressure Area & Shear Line Issued at: 5:00 AM, December 17, 2024

INAASAHAN ANG MALAKAS NA PAG-ULAN SANHI NG

LOW PRESSURE AREA

𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐅𝐨𝐫𝐞𝐜𝐚𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐟𝐚𝐥𝐥

Today (December 17): 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐭𝐨 𝐇𝐞𝐚𝐯𝐲 (𝟓𝟎 – 𝟏𝟎𝟎 𝐦𝐦)

Tomorrow (December 18): 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐭𝐨 𝐇𝐞𝐚𝐯𝐲 (𝟓𝟎 – 𝟏𝟎𝟎 𝐦𝐦)

𝐏𝐨𝐭𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐩𝐚𝐜𝐭𝐬

𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐝𝐢𝐧𝐠: Maaaring mangyari, partikular na sa mga lugar na urbanisado, mababa ang lokasyon, o malapit sa mga ilog.

𝐋𝐚𝐧𝐝𝐬𝐥𝐢𝐝𝐞: Posibleng maganap sa mga lugar na lubhang bulnerable sa pagguho ng lupa, lalo na sa matarik at bundok na rehiyon.

Hinihikayat ang publiko at ang mga tanggapan ng disaster risk reduction and management na magpatupad ng mga kinakailangang hakbang upang maprotektahan ang buhay at ari-arian. Ang mga PAGASA Regional Services Divisions ay maaaring maglabas ng Heavy Rainfall Warnings, Rainfall/Thunderstorm Advisories, at iba pang impormasyon ukol sa malalakas na pag-ulan ayon sa kanilang nasasakupan.

Kung walang makabuluhang pagbabago, ang susunod na Weather Advisory ay ilalabas mamayang ala 11:00 ng umaga.


Quezon PIO

Pagdiriwang ng Ika-7 Taong Anibersaryo ng Tactical Operations Wing Southern Luzon (TOWSOL), Philippine Air Force | Decemmber 16, 2024

Pagdiriwang ng Ika-7 Taong Anibersaryo ng Tactical Operations Wing Southern Luzon (TOWSOL), Philippine Air Force | Decemmber 16, 2024

“Tapang at Talino para sa Tagumpay ng Bagong Pilipinas”

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-7 Taong Anibersaryo ng Tactical Operations Wing Southern Luzon (TOWSOL), Philippine Air Force, ginawaran ng plake ng pagkilala si Governor Doktora Helen Tan ngayong araw ng Lunes, Disyembre 16 sa Provincial Capitol Bldg. Lucena City.

Ang naturang pagkilala ay personal na iginawad ng piling mga opisyal ng TOWSOL na pinangunahan ni Brigadier General Philippine Air Force Wing Commander Pedro Francisco III.

Ang hindi matatawarang suporta ni Governor Doktora Helen Tan sa mga programa ng naturang grupo ay lubos na nakatulong lalo’t higit sa mga benepisyaryo ng Wings Mutual Relief System, Sinag Kalinga Foundation Inc. , at Orphans of RAC, GCC, CSWD, kung kaya’t kinilala ang Gobernadora sa kanyang inisyatiba.

Samantala, asahang patuloy na tutugon at susuporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga programa na makapag-aangat ng sistema ng pamumuhay ng bawat Quezonian.


Quezon PIO

Memorandum of Agreement (MOA) Signing | December 16, 2024

Memorandum of Agreement (MOA) Signing | December 16, 2024

Tagumpay na naisagawa ngayong Lunes, Disyembre 16 ang Memorandum of Agreement (MOA) signing sa pagitan ng San Pablo Colleges Inc. at Pamahalaang Panlalawigan ukol sa scholarship grant na matatanggap ng kwalipikadong mag-aaral na tatahak sa kursong abogasya.

Nakapaloob sa pinirmahang kasunduan ang libreng pagpapaaral sa mga mag-aaral na makakwalipika sa naturang kurso.

Sakop ng scholarship ang matrikula, mga aklat at iba pang miscellaneous expenses ng sinumang magiging scholar.

Kaugnay nito, may mga pamantayan na kailangang mapanatili ng mag-aaral upang maging karapatdapat sila sa naturang scholarship.

Samantala, nilagdaan nina Atty. Vicente M. Joyas, Dean of College of Law ng San Pablo Colleges Inc. at Governor Doktora Helen Tan ang nasabing kasunduan.


Quezon PIO

Step-Up Entrepreneurship Development Program Graduation | December 16 2024

Step-Up Entrepreneurship Development Program Graduation | December 16 2024

CONGRATULATIONS, 2nd Batch of the STEP-UP Entrepreneurship Development Program! 🎉

Kaugnay sa layunin na maiangat at mabigyang suporta ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa lalawigan ng Quezon, malugod na nagsipagtapos ang ikalawang batch ng Step-Up Program sa isinagawang seremonya ngayong araw, Disyembre 17 sa Southern Quezon Convention Center, Gumaca.

Sa nasabing programa na pinangungunahan ni PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, sumailalim sa 15-Days Intensive training ang 50 MSMEs kasama ang 54 na mag-aaral na kumukuha ng business related courses sa Philippine Polytechnic University (PUP) Lopez Branch.

Masaya naman si Governor Doktora Helen Tan sapagkat malaking tulong ang ganitong programa para sa mga bagong henerasyon ng negosyante sa lalawigan ng Quezon.

Samantala, naipagkaloob sa mga MSMEs ang Collapsible Kiosk, Tents, at Heavy-Duty Chairs na magagamit nila sa kanilang negosyo.

Nakiisa rin sa ginanap na programa ang mga kawani mula sa Philippine Trade Training Center (PTTC), at Department of Trade and Industry (DTI) Quezon na palagi namang katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay serbisyo sa mga maliliit na negosyanteng Quezonian.


Quezon PIO

Building Strong Connections and Opportunities for All | December 16, 2024

Building Strong Connections and Opportunities for All | December 16, 2024

HAPPENING NOW: Quezon Federation of Public and Private Schools Retired Teachers and Employees Association, Inc. (QFPPSRTEA)

December 16, 2024 | Quezon Convention Center, Lucena City

Livestream: https://www.facebook.com/QuezonGovPh/videos/597823056047655


Quezon PIO

Launching of STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program | December 15, 2024

Launching of STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program | December 15, 2024

Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, matagumpay na isinagawa ang Launching of STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program, ngayong araw ng Linggo, Disyembre 15, sa Southern Convention Center, Gumaca Quezon.

Napakahalaga na ligtas ang mga Quezonian sa nabibiling pagkain, kung kaya’t kabalikat ang Provincial Local Goverment Unit (PLGU) sa pamumuno ni PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, naihatid sa mga nagnenegosyo ng karinderya o kainan ang mga kagamitan gaya ng; Utensils Heater, Alcohol Dispenser, 1 gallon ng alcohol, Stand-Out sa Kalinisan Corner Signage, kasama rin sa ipinamahagi ang Maya QR Sintra Board, Gcash Sintra Board para sa elektronikong pamamaraan ng pagbabayad.

Tinatayang 386 na benepisyaryo ang nakatanggap ng nasabing kagamitan na nagmula sa mga bayan ng Alabat, Atimonan, Buenavista, Calauag, Catanuan, General Luna, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Macalelon, Mulanay, Perez, Pitogo, Plaridel, Quezon, San Andres, San Francisco, San Narciso at Tagkawayan.

Bukod sa pamamahagi ng kagamitan, nagkaroon din ng libreng seminar ang mga benepisyaryo tungkol sa Basic Food Safety, Financial Literacy, SMART Service at Digitalization na tinalakay nina Quezon National Agricultural School Instructor I Ara Antonette Alfuen Durante, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Supervisor Bank Teller Dinah M. Simon, at SMART Communication, Inc. Costumer Development Manager Orven Ayonque.

Sa huli inanunsyo ni PLGU Quezon Project Development Officer III Velasco, kasama sa susunod na taon (2025) ang STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program na mabibigyan ng ID/ATM para sa mga matatanggap na insentibo mula sa Pamahaalang Panlalawigan na inisyatibo ni Governor Tan.

#STANd-Out

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon

Naganap ang isang pagguho ng lupa | December 14, 2024

Naganap ang isang pagguho ng lupa | December 14, 2024

TINGNAN: Naganap ang isang pagguho ng lupa nitong Disyembre 14, bandang alas-onse ng gabi sa Barangay Matinik, Lopez Quezon partikular sa bahagi ng National Road.

Ang naturang insidente ay nagdulot ng mga sumusunod na epekto:

•Paglikas ng mga residente: 30 pamilya o 90 indibidwal ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa Barangay Hall.

• Pinsala sa mga ari-arian: 15 bahay ang nasira, gayundin ang 2 silid-aralan sa Matinik Elementary School.

Transportasyon: pansamantalang hindi madaanan ang riles ng tren, at NOT PASSABLE for heavy vehicles ang National Highway patungong Hondagua.

Samantala, nagbigay naman ng direktiba si Governor Doktora Helen Tan para sa agarang pamamahagi ng kinakailangang tulong, pagsasa-ayos ng kalsada at ng iba pang pinsalang idinulot ng nasabing insidente.

Ang mga awtoridad ay agad na kumilos sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council (BDRRMC), paglikas ng mga residente, pagsasaayos ng trapiko, at pagbabawal ng access sa mga mapanganib na lugar.

Naging paulit-ulit ang mababaw na pagguho ng lupa sa nasabing lugar, kaya’t patuloy ang pagbabantay at pag-iingat ng mga awtoridad at mga residente.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Paskong Quezonian Dance Contest | December 14, 2024

Paskong Quezonian Dance Contest | December 14, 2024

TINGNAN: Bilang bahagi ng Paskong Quezonian 2024, nagtagisan ng galing sa pagsayaw ang mga kabataan sa ginanap na Dance Contest, nitong araw ng Disyembre 14 sa Stage Capitol Compound, Lucena City.

Ang kompetisyon ay inisyatibo ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Provincial Tourism Officer Nesler Louies Almagro katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan upang maging matagumpay ang programa.

Nilahukan ito ng 15 grupo na nagmula sa iba’t ibang bayan gaya ng Unisan, Pagbilao, Atimonan, Mauban, Lucban, Sariaya, Sampaloc, Tagkawayan, General Nakar, Gumaca, Agdangan, Candelaria at Lucena City.

Kaya naman, sa magkasunod na taon muling nagwagi ang Project Monster na nagmula sa bayan ng Pagbilao, ang nagkamit naman ng 1st Runner Up ay bayan ng Gumaca at bayan ng Sariaya ang 2nd Runner Up.

Samantala, iniimbitahan ang lahat ng Quezonian sa ika-16 ng Disyembre na makiisa at makisaya sa Choral Competition.

#SerbisyongTunayAtNatural

#HEALINGQuezon


Quezon PIO