Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | September 15, 2024
Sa layunin na mailapit ang serbisyo ng Kapitolyo lalo na ang mga programang pangkalusugan, siniguro ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Sariling Sikap Program ni Governor Doktora Helen Tan na madadala rin ito sa mga Barangay sa Quezon.
Kaugnay nito, nabigyang pagkakataon na makapagpatingin ng kalagayan ng kanilang kalusugan ang 4,115 residente ng Brgy. Cotta, Lucena City sa ginanap na “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” nitong araw ng Linggo, Setyembre 15.
Libreng napakinabangan ng mga residente ang medical, dental, at surgical services na bitbit ng Medical Team kung saan mayroon din naipamahaging mga libreng gamot bilang pantawid na tugon sa mga may iniindang sakit.
Bukod dito, bitbit din sa nasabing Medical Mission ang libreng pagpapacheck-up sa ating mga kalalawigan na may problema sa mata gayundin ang libreng pagpapasalamin para sa mga lubos na kinakailangan na ito. Binigyan naman ng tulong at referral ang mga pasyenteng may katarata upang sila’y maoperahan sa mata.
Samantala, kasamang naghatid ng mga serbisyong medikal sina Vice Governor Third Alcala, Volunteer Doctor/Surgeon Dr. Kim Tan, Board Member Vinnette Alcala-Naca, Board Member Yna Liwanag, at ang ilang opisyal ng Barangay Cotta.
Quezon PIO