Launching of Electronic Legislative Information System (ELIS) & SP Quezon Website | September 16, 2024
Inilunsad na ngayong araw, Setyembre 16 ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang SP ELIS Website na mas magpapabilis at makabagong paraan ng serbisyo publiko pagdating sa lehislatura.
Pinangunahan ang ginanap na programa ni Vice Governor Third Alcala kasama ang bawat Board Members kasabay ng ika-114 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan.
Ang nasabing ELIS o Electronic Legislative Information System ay isang digital website na naglalayon na maprotektahan at ma-archive ang mga ordinansa, resolusyon, at iba pang lehislaturang dokumento ng lalawigan ng Quezon para sa mas epektibing paglilingkod. Maaari rin ma-track o makita ang mga dokumentong mula sa Sangguniang Bayan at Lungsod.
Ipinaabot naman ni Governor Doktora Helen Tan ang pasasalamat sa bumubuo ng Sangguniang Panlalawigan, sapagkat ang kanilang dedikasyon sa paglilingkod ay may malaking tulong upang maisakatuparan ang mga serbisyo at programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
Quezon PIO