
Turn over of equipment for pineapple wine, banana chips, and banana strings to Panukulan Multi-Sectoral Fishers and Farmers Association (PaMuSeFFA) | March 14, 2025
Panoorin: https://www.facebook.com/share/r/15sZ4qiwDd/
Quezon PIO
Panoorin: https://www.facebook.com/share/r/15sZ4qiwDd/
Quezon PIO
Sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong Marso ay nagsagawa ang Office of the Provincial Veterinarian ng Veterinary Medical Mission with Spay and Neuter sa mga bayan ng Guinayangan at San Antonio, Quezon nitong Marso 11 at 13, 2025.
Nagbigay ng libreng serbisyo ang tanggapan tulad ng pagbabakuna laban sa rabies, pagpupurga, konsultasyon, pamimigay ng bitamina at pagkakapon ng mga aso at pusa. Nagbigay din ng maikling lecture sina Dr. Camille Calaycay at ang veterinary medicine student galing Cavite State University na si Bb. Erika Coronado patungkol sa sakit na rabies at responsible pet ownership.
Ang grupo ng tanggapan ay pinangunahan ng ating Provincial Veterinarian na si Dr. Flomella Caguicla kasama sina Dr. Philip Augustus Maristela, Dr. Camille Calaycay at ng mga technical personnel katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist ng Guinayangan at San Antonio sa pangunguna ni Municipal Agriculturist William Lopez Jr. at Municipal Agriculturist Jennifer Lindo Cusi.
Ang mga nabigyan ng mga serbisyong pang beterinaryo ay ang mga sumusunod:
Total No. of Clients Served: 244
MALE: 96
FEMALE: 148
Anti-Rabies Vaccination
Total No. of animals vaccinated: 211
DOG: 175
CAT: 36
Spay and Castration
Total No. of animals neutered: 37
DOG: 5
CAT: 32
Free consultation & provision of veterinary medicines: 150
DOG: 87
CAT: 63
#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices
#SerbisyongTunayAtNatural
Quezon PIO / Pro Vet
PANOORIN: Sa pagpapatuloy ng pagbibigay ng iba’t ibang libreng serbisyong medikal para sa bawat mamamayang Quezonian, sunod na naihatid ito sa islang bayan ng Panukulan.
Taos-puso naman ang naging pasasalamat ng mga residente ng nasabing bayan sapagkat malaking bagay na napagtutuunan ng pansin ang kanilang kalusugan.
Narito ang Link: https://www.facebook.com/share/r/1C8Gvp9fhT/
#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO
Upang higit na matulungan ang mga magsasaka at maliliit na negosyante na mailapit ang kanilang mga produkto sa mga mamimili, muling isinagawa ang KADIWA ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo ngayong araw ng Biyernes, Marso 14 sa Quezon Capitol Compound, Lucena City.
Ang programang ito ay inisyatibo ng Pambansang Pamahalaan katuwang ang iba’t ibang ahensya gaya ng Department of Agriculture at Department of Trade and Industry na buwanang isinasagawa sa Pamahalaang Panlalawigan upang direktang mailapit sa konsyumer ang mga dekalidad at sariwang produkto sa abot-kayang halaga.
Ilan sa nakiisa sa nasabing aktibidad ay ang mga samahan mula sa High Value Crops Marketing Cooperative of Quezon, Sariaya Mushroom Growers Association, Samahan ng Magsasaka sa Nieva, at Flavors of Quezon. Hatid nila ang sariling aning gulay gaya ng; kalabasa, okra, talong at ampalaya, mga prutas gaya ng mangga at saging, karne, organic eggs, mushrooms, mga lutong pagkain tulad ng; siomai, pansit habhab, burgers, salads, mga processed products at marami pang iba.
Samantala, naglunsad naman ang Marketing Unit ng Office of the Provincial Agriculturist ng brochure kung saan makikita ang iba’t ibang produkto na mabibili sa KNP at ang abot-kayang presyo nito. At upang lalo pang makahikayat ng mga mamimili, namahagi rin ng “Suki Card” o Loyalty Card ang mga exhibitors o sellers kung saan makakakuha ng discount o surprise gift ang mga mamimili.
#KadiwangPangulo2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO
Panukulan, Quezon
Link 1: https://www.facebook.com/share/r/15xPgGPoQp/
Link 2: https://www.facebook.com/share/r/1C1mYKj4HA/
Link 3: https://www.facebook.com/share/r/18NZVcXSgR/
Quezon PIO
PANOORIN: Masusing pinaghahandaan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ang isasagawang isang linggong paghahatid ng IBA’T IBANG LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL para mga mamamayan mula sa Polillo Group of Islands, kung saan unang gaganapin sa islang bayan ng PANUKULAN sa Marso 14.
Bukod sa Medical Mission, handog rin na serbisyo para sa nasabing isla ang veterinary mission, legal mission, pamamahagi ng agricultural inputs, at tax campaign ng Provincial Treasurer’s Office (PTO) at Provincial Assessors Office.
Panoorin dito: https://www.facebook.com/share/r/1XKupbHQc1/
#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#MedicalMission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO
TINGNAN: Matapos ang ilang oras na biyahe, ligtas at matagumpay na nakarating ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa islang bayan ng Panukulan.
Pinaghahandaan na rin ang isasagawang “KALINGA SA MAMAMAYAN, LIBRENG GAMUTAN” o MEDICAL MISSION gaganapin sa Marso 14 kung saan hatid para sa mga residente ang iba’t ibang libreng serbisyong medikal.
Abangan naman ang pagsasagawa ng nasabing serbisyo sa bayan ng Polillo, Burdeos, Patnanungan, at Jomalig.
#KalingaSaMamamayanLibrengGamutan
#medicalmission2025
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
Quezon PIO
Pormal nang binuksan ang “Banyuhay sa Quezon”, Sining Panlalawigan an SP Program for Culture and Arts nitong araw ng Lunes, Marso 10 sa Sangguniang Panlalawigan Building Governor’s Mansion Compound, Lucena City.
Sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala katuwang ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito kasama ang ilang punong tanggapan at mga kawani upang magbigay suporta at magsilbing saksi sa mga natatanging obra ng Quezonian Artist na sumasalamin sa kultura at sining bilang pagkakilanlan ng nagkakaisang lalawigan ng Quezon.
Nagsama-sama ang mahuhusay na alagad ng sining mula sa Kamaylayan Artists’ Initiative (KAI), Lucban Artists Guild (LAG), Ugnayan ng Artistang Tayabasin (UGAT), at ilang Guest artist.
Kaya’t hali na at magtungo upang saksihan ang natatanging obra ng mahuhusay na Quezonian artists! Ang naturang exhibit ay bukas hanggang Marso 28 taong kasalukuyan.
Quezon PIO
Malugod na nakiisa si Governor Doktora Helen Tan sa World Kidney Day 2025, na ginanap sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa East Avenue, Quezon City ngayong araw ng Huwebes, Marso 13.
Bilang pangunahing tagapagsalita sa nasabing aktibidad nabigyan ng pagkilala at importansya ni Governor Tan ang mga programa na tumutugon sa pangangailangan ng mga kidney patient at sa mga health care workers.
Gayundin ay pinasalamatan niya ang NKTI bilang isang referral center ng Pamahalaang Panlalawigan na handang ibigay ang pinakamataas na standard ng serbisyo.
Samantala, patuloy naman na tutugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga pangangailangang pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapaigting sa mga programang may kaugnayan sa prevention, diagnosis, rehabilitation at treatment para sa mga mamayang Quezonian.
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#WorldKidneyDay2025
Quezon PIO
𝗔𝗡𝗡𝗢𝗨𝗡𝗖𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧!
We regret to inform everyone that the 𝗟𝗮𝘂𝗻𝗰𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗤𝘂𝗲𝘇𝗼𝗻 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵𝘆 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗢𝗽𝗲𝗻 𝗦𝗽𝗮𝗰𝗲 𝗰𝘂𝗺 𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗠𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗠𝗶𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 scheduled for 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗛 𝟮𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟱 has been 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗣𝗢𝗡𝗘𝗗.
We apologize for any inconvenience this may cause and we appreciate your understanding. Please stay tuned for updates regarding the rescheduling of this event.
Quezon ProVet