NEWS AND UPDATE

Ikatlong Surgical Caravan ng QPHN-Quezon Medical Center | May 16, 2025

Ikatlong Surgical Caravan ng QPHN-Quezon Medical Center | May 16, 2025

Ngayong ika-16 ng Mayo, 2025, isang araw ng pag-asa at kagalingan ang hatid ng ikatlong Surgical Caravan ng QPHN-Quezon Medical Center!
Ang ating mga dedikadong doktor, nars, at buong surgical team ay walang pagod na naglilingkod sa ating mga kababayan. Bawat operasyon na isinasagawa ay hindi lamang pagtanggal ng sakit, kundi pagbibigay din ng bagong pagkakataon para sa mas malusog at masaganang buhay dito sa ating probinsya ng Quezon.
Ang bawat pasyenteng tinutulungan ngayon ay sumasalamin sa diwa ng tunay na serbisyo publiko at malasakit ng QPHN-QMC. Ang araw na ito ay patunay ng ating kolektibong pagsisikap na maabot ang mga nangangailangan at magbigay ng de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan. Sama-sama nating ipagdiwang ang tagumpay ng bawat operasyon at patuloy na suportahan ang ganitong mga makabuluhang programa para sa ating komunidad!


QPHN-QMC

Thunderstorm Advisory No. 25 | May 16, 2025

Thunderstorm Advisory No. 25 | May 16, 2025

𝐈𝐬𝐬𝐮𝐞𝐝 𝐚𝐭: 𝟐:𝟓𝟒 𝐏𝐌, 𝟏𝟔 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓(𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲)
Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ang nararanasan sa Quezon (Quezon, Gumaca, Plaridel, Atimonan, Unisan, Pitogo, Agdangan, Padre Burgos, General Nakar, Pagbilao) na maaaring magpatuloy sa susunod na dalawang oras at makaapekto sa mga karatig na lugar.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Patuloy na mag-monitor sa mga karagdagang updates.


Quezon PDRRMO

Veterinary Medical Mission – St. Peter II Subd Brgy Gulang-Gulang, Lucena City- May 16, 2025.jpg

Veterinary Medical Mission – St. Peter II Subd Brgy Gulang-Gulang, Lucena City- May 16, 2025.jpg

Nitong Mayo 15, 2025, sa kahilingan ng St. Peter II (Pag-ibig) Subdivision Homeowner’s Association, Inc. na pinangunahan ng kanilang presidente na si G. Ben N. Gedrano, ay nagsagawa ng Veterinary Medical Mission ang Office of the Provincial Veterinarian sa pamamagitan ni Dr. Camille Calaycay kasama ang mga technical personnel ng tanggapan. Ang naturang aktibidad ay ginanap sa Pag-ibig Covered Court, Brgy. Gulang Gulang, Lucena City.
Nagbigay ang OPV ng libreng veterinary services kung saan 96 na mga kalalawigan natin ang libreng naserbisyuhan at 203 na mga aso at pusa ang nabakunahan laban sa rabies, napurga, nasuri, at nabigyan ng bitamina.

More details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/15ZQWndb37/

#Provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#QuezonProvince


Quezon ProVet

Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo | May 16, 2025

Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo | May 16, 2025

TINGNAN: Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang gulay at ready-to-eat na pagkain, hatid ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sa Kapitolyo ngayong araw ng Biyernes, ika-16 ng Mayo, sa Quezon Capitol Grounds, Lucena City.
Ang Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA) ng Pangulo ay isang programa ng Pambansang Pamahalaan na inisyatibo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na layuning magbigay ng murang mga produkto tulad ng bigas, gulay, isda, at karne sa mga mamimili, ito ay hakbang upang matulungan ang mga mamamayan na makuha ang mga pangunahing pangangailangan sa mas abot-kayang halaga.
Iba’t-ibang farm owners mula sa Lalawigan ng Quezon ang nakilahok sa KNP, hatid dito ang sariling aning bigas, gulay, organic eggs, at mushrooms, mga lutong pagkain tulad ng: siomai, burgers, salads at processed products gaya ng: chips, buko pie, suka, cacao and coconut products, at marami pang iba.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/19mZz7Mxaf/

#KadiwaNgPangulo
#AbotKayangPagkain
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon
#QuezonProvince


Quezon PIO

Surgical Caravan 2025 Cholecystectomy | May 16, 2025

Surgical Caravan 2025 Cholecystectomy | May 16, 2025

Isang kalalawigan natin mula sa Catanauan, Quezon ang naoperahan ng libre sa kanyang iniindang Bato sa Apdo o “Gallstone” matapos maging benepisyaryo ng Surgical Caravan 2025 Cholecystectomy na isinagawa sa Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center (QPHN-QMC) nitong nakaraang May 9-10, 2025.

Panoorin dito: https://www.facebook.com/share/v/1ALDVp16Ly/

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO / QPHN-QMC

Thunderstorm Advisory No. 23 | May 16, 2025

Thunderstorm Advisory No. 23 | May 16, 2025

Thunderstorm Advisory No. 23

Issued at: 8:25 AM, 16 May 2025 (Friday)
Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na bugso ng hangin ay inaasahan sa Quezon sa loob ng susunod na dalawang oras.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat at maging alerto sa posibleng panganib ng pagbaba at pagguho ng lupa.
Patuloy na mag-monitor sa mga karagdagang updates.


Quezon PDRRMO

“Gawing Safe and Fur Babies sa Rabies” | May 15, 2025

“Gawing Safe and Fur Babies sa Rabies” | May 15, 2025

“GAWING SAFE ANG FUR BABIES SA RABIES” Facebook Reel Making Contest Sponsor’s Choice na Handog ng Apostol Petshop and Animal Care ♥️🐾

Congratulations at maraming maraming salamat po sa ating sponsor! 💕

#RabiesAwarenessMonth2025
#GawingSafeAngFurBabiessaRabies
#FBReelMakingContest
#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon


Quezon ProVet

Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM)  Officials visits Provincial Government of Quezon | May 15, 2025

Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) Officials visits Provincial Government of Quezon | May 15, 2025

Bumisita ang mga opisyal ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, ngayong araw ng Huwebes, Mayo 15.
Bilang kinatawan ni Governor Doktora Helen Tan, ito ay dinaluhan ni Provincial Administrator Manuel Butardo kasama sina Provincial Human Resource Management Officer Rowell Napeñas at ilang kawani ng tanggapan sa Pamahalaang Panlalawigan.
Layunin ng pagbisita na makipagpulong tungkol sa nais isagawang PS-DBM on Wheels sa lalawigan, kung saan magbebenta sila ng kanilang mga produkto gaya ng Common-use Supplies and Equipment (CSEs) ng ginagamit ng mga opisina. Gayundin, magkakaroon ng Client Learning Engagement (CLE) Regional Training at ilan sa mga tatalakayin ay ang eMarketplace, Virtual Store, at purchasing process for vehicles.
Samantala, mananatili namang bukas ang Pamahalaaang Panlalawigan sa mga ahensya na nais makipagtulungan at makipagbalikatan upang higit pang maging maayos ang mga serbisyo na inihahatid ng Kapitolyo.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/16evdjY4Bs/

#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PIO

Veterinary Medical Mission – Lucban Quezon | May 15, 2025

Veterinary Medical Mission – Lucban Quezon | May 15, 2025

‎Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pahiyas Festival sa bayan ng Lucban, ang Office of the Provincial Veterinarian na pinamumunuan ni Dr. Flomella A. Caguicla ay nagsagawa ng libreng veterinary medical mission katuwang ang Office of the Municipal Agriculturist sa pamumuno ni Sonia O. Catchuela at Quezon Veterinary Medical Association sa pangunguna naman ni Dr. Isagani C. Requizo.

‎Nagbigay ang ating tanggapan ng libreng veterinary services kung saan 419 na kalalawigan natin ang naserbisyuhan at 412 na mga aso at pusa ang nabakunahan laban sa rabies, purga, konsulta at nabigyan ng bitamina na may kabuuang 585 na benepisyaro.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1DuP9XHWpG/

‎#Provetquezon
‎#ProvincialGovernmentofQuezon
‎#QuezonProvince


Quezon ProVet

Job Openings – Raquel Pawnshop | May 15, 2025

Job Openings – Raquel Pawnshop | May 15, 2025

Ang Raquel Pawnshop ay magbubukas ng trabaho para sa mga posisyong:
• Auditor
• Company Driver
• Non-uniformed Security Guard
Para sa mga nais mag-apply, magtungo sa tanggapan ng Quezon Provincial PESO (2nd Floor, Quezon Convention Center, Capitol Compound, Lucena City) na bukas mula sa ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon, mula araw ng Lunes hanggnag Biyernes maliban sa holidays.
Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang official FB Page ng Quezon Provincial PESO.

#QuezonProvince
#SerbisyongTunayAtNatural
#HEALINGQuezon


Quezon PESO