NEWS AND UPDATE

Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants | February 18, 2025

Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants | February 18, 2025

Ang Office of the Provincial Veterinarian ay nagsagawa ng Estrus Synchronization/Artificial Insemination on Large Ruminants at iba pang veterinary services sa bayan ng Lopez nitong Pebrero 10-11, 2025.

May kabuuang bilang na 191 mga baka at kalabaw na pag-aari ng 136 na kalalawigan natin ang naserbisyuhan sa naturang bayan.

Pebrero 12-13, 2025 ay nagbigay naman ng technical assistance ang tanggapan sa mga benepisaryo ng Coconut Carabao Development Program (CCDP) – Dairy Buffaloes Production, partikular ang Manggalang Agrarian Reform Cooperative- (Quezon II) Manggalang I, Sariaya, Quezon at Tayabas Community Multi-Purpose Cooperative (Quezon I), Tayabas City, Quezon.

Nais namang magpasalamat ng aming tanggapan sa mga katuwang na Ahensya ng Pamahalaan upang mapalawig pa ang Ruminant Development Program sa lalawigan, gaya ng Department of Agriculture (PCC, BAI, PCA, NDA, DARFO4A), gayundin sa mga Local Government Units ng mga nabanggit na bayan.


Quezon PIO

Libreng Basketball Clinic, Tagumpay na Naisagawa sa Quezon Convention Center | February 18, 2025

Libreng Basketball Clinic, Tagumpay na Naisagawa sa Quezon Convention Center | February 18, 2025

Sa pagtutulungan ng STAN Basketball Academy at Provincial Sports Office sa pangunguna ni Coach Aris Mercene, tagumpay na naisagawa ang “Free Basketball Clinic” para sa mga kabataan mula sa ikalawang distrito ng lalawigan nitong Sabado, Pebrero 15, sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Layunin ng aktibidad na ito na paunlarin at mahasa ang kakayahan ng mga kabataang edad 11-18 sa paglalaro ng isport na basketball. Sa tulong ng mga coaches, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa dribbling, shooting, passing, at depensa.

Nagsilbing daan din ang gawaing ito upang malinang ang kanilang socialization skills, teamwork at sportsmanship.

Samantala, asahang patuloy na susuporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan sa mga aktibidad na makapagpapaunlad ng kasanayan ng kabataan sa iba’t ibang larangan.


Quezon PIO

Job Opening | February 18, 2025

Job Opening | February 18, 2025

Magsasagawa ng PRE-ENTRY EXAM for OFFICER CANDIDATE COURSE ang Philippine Army (Army Recruitment Office-Luzon) na gaganapin sa Southern Luzon State University-Lucena Campus, Lucena City. Nakapaloob sa nasabing pagsusulit ang AFPSAT (Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test) na isasagawa sa ika-3 hanggang ika-4 ng Marso at AQE & SWE (Army Qualifying Exam & Special Written Exam) na isasagawa naman sa ika-5 ng Marso ng kasalukuyang taon

MGA KWALIPIKASYON/ QUALIFICATIONS:

1. Any Bachelor’s Degree

2.Natural-born Filipino Citizen

3. At least 5 feet tall (both male and female)

4. Physically and mentally fit

5. At least 20 years old but not a day older than 27 years old upon oath-taking

6. No pending case in any court

REQUIREMENTS:

1.College Diploma

2.Transcript of Records

3.PSA Issued Birth Certificate

4.Any government-issued ID

Para sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay SSg Ronnie M. Ado o magpaabot ng mensahe sa numerong 0981-677-1607.


Quezon PIO / PESO

Activation of Quezon Provincial Cyber Response Team (QPCRT) & Signing of Deed of Donation | February 18, 2025

Activation of Quezon Provincial Cyber Response Team (QPCRT) & Signing of Deed of Donation | February 18, 2025

Kasabay ang paggagawad kay Governor Doktotra Helen Tan bilang Lieutenant Colonel ng AFP Reserved Force, ginanap rin ang Activation of Quezon Provincial Cyber Response Team (QPCRT) and Signing of Deed of Donation, ngayong araw ng Pebrero 18 sa Camp BGen Guillermo P Nakar, Lucena City.

Sa kasalukuyang panahon ang cyberscam ay lumalaganap na krimen, gumagamit ito ng teknolohiya upang makakuha ng pera o impormasyon mula sa mga tao. Madalas na ginagamit ng mga scammer ang email, social media, at mga pekeng websites upang magmukhang lehitimo at magpanggap bilang isang kumpanya o tao na may magandang layunin.

Sa patuloy na pagdami ng mga online na scammer, naalarma ang mga kapulisan sa dumaraming kirmen sa Lalawigan ng Quezon, dahil dito minabuti ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Tan na pagkalooban ang mga kapulisan ng mga laptop, printer at computer na makakatulong para sa mas mabilis na pagtuklas ang mga kriminal online.

Kasabay nito pormal na ring binasbasan ang bagong rehabilitasyon ng Detective Office sa pangunguna ni Command Chaplain, SOLCOM Rev Fr (MAR) Joseph Jim M Camargo, hangad ng Pamahalaang Panlalawigan na magkaroon ng kamalayan ang mga Quezonian sa cyberscam upang hindi malinlang ng ibang tao.

Samantala, tuloy-tuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtupad ng tungkulin sa pangkapayapaan at seguridad ng buong Lalawigan ng Quezon.


Quezon PIO

Upcoming Activities of OVP | February 18, 2025

Upcoming Activities of OVP | February 18, 2025

𝐑𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐀𝐰𝐚𝐫𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡 𝐔𝐩𝐜𝐨𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 (𝐌𝐚𝐫𝐜𝐡 𝟐𝟎𝟐𝟓)

1. 𝑊𝑒𝑒𝑘𝑙𝑦 𝑉𝑒𝑡𝑒𝑟𝑖𝑛𝑎𝑟𝑦 𝑀𝑒𝑑𝑖𝑐𝑎𝑙 𝑀𝑖𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛, 𝑒𝑣𝑒𝑟𝑦 𝑀𝑜𝑛𝑑𝑎𝑦, 9𝑎𝑚 𝑡𝑜 4𝑝𝑚, 𝑓𝑟𝑜𝑚 𝑀𝑎𝑟𝑐ℎ 03-24, 2025

2. 𝐿𝑎𝑢𝑛𝑐ℎ𝑖𝑛𝑔 𝑜𝑓 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛 𝐻𝑒𝑎𝑙𝑡ℎ𝓎 𝑃𝑢𝑏𝑙𝑖𝑐 𝑂𝑝𝑒𝑛 𝑆𝑝𝑎𝑐𝑒 𝑐𝑢𝑚 𝑉𝑒𝑡𝑒𝑟𝑖𝑛𝑎𝑟𝑦 𝑀𝑒𝑑𝑖𝑐𝑎𝑙 𝑀𝑖𝑠𝑠𝑖𝑜𝑛 𝑜𝑛 𝑀𝑎𝑟𝑐ℎ 26, 2025

𝑺𝒆𝒆 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒉𝒆𝒓𝒆 𝒎𝒈𝒂 𝒌𝒂-𝒇𝒖𝒓𝒑𝒂𝒓𝒆𝒏𝒕𝒔!


Quezon ProVet

Donning of Ranks to LTCOL Angelina DL Tan PA (RES) | February 18, 2025

Donning of Ranks to LTCOL Angelina DL Tan PA (RES) | February 18, 2025

Pagpupugay sa Pamumuno at Serbisyo!

LTCOL Angelina D.L. Tan PA (RES)

Iginawad kay Governor Doktora Helen Tan ang kanyang bagong ranggo sa isang makasaysayang Commissioning and Donning of Ranks Ceremony, ngayong araw ng Martes Pebrero 18 sa Camp Guillermo Nakar, Lucena City.

Ang seremonya ay dinaluhan ng matataas na opisyal, kasundaluhan, pamilya, Board Members, at mga pinuno ng iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan, ang seremonya ay nagsilbing pagkilala sa dedikasyon at walang sawang paglilingkod ng gobernadora sa kanyang nasasakupan.

Sa kanyang panunumpa, muling pinagtibay ni LTC Angelina D.L. Tan PA (RES) sa pangunguna ni Commander of Southern Luzon Command (SOLCOM) Administering Officer LTGEN Facundo O Palafox IV PA, kasama ang mga anak na sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan at Doc Kim Tan, ang kanyang pangako na patuloy na maglingkod nang may integridad at malasakit para sa ikauunlad ng Lalawigan ng Quezon.

#Congratulations


Quezon PIO

Congratulations, LTCOL Angelina D.L. Tan PA (RES) | February 18, 2015

Congratulations, LTCOL Angelina D.L. Tan PA (RES) | February 18, 2015

Congratulations, LTCOL Angelina D.L. Tan PA (RES)🎖️

Sa ginanap na Donning of Ranks ngayong araw ng Martes, Pebrero 18, pormal na kinilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Governor Tan bilang parte ng Philippine Army Reserve Force.

Ang iyong dedikasyon at malasakit sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lalawigan ay tunay na hindi matatawaran.

#AFPReserve


Quezon PIO

MGA PAALALA PARA SA MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO/JOBSEEKERS | February 17, 2025

MGA PAALALA PARA SA MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO/JOBSEEKERS | February 17, 2025

MGA PAALALA PARA SA MGA NAGHAHANAP NG TRABAHO/JOBSEEKERS📣📣📣

☎️📱🌐Para sa iba pang katanungan, maaaring tumawag sa Quezon Provincial PESO (042) 373-4805 | 0933-868-5524 o mag-iwan ng mensahe dito sa aming Facebook page: https://www.facebook.com/share/p/12Fco4735pm/


Quezon PIO / PESO

STANDOUT sa Kalinisan Batch 2 | February 17, 2025

STANDOUT sa Kalinisan Batch 2 | February 17, 2025

Hangad ng Pamahalaang Panlalawigan ang malinis at ligtas na kainan sa buong Lalawigan ng Quezon, kaya sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, matagumpay na isinagawa ang STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program Batch 2, ngayong araw ng Lunes Pebrero 17, sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Napakahalaga na ligtas ang mga Quezonian sa nabibiling pagkain, kung kaya’t kabalikat ang Provincial Local Goverment Unit (PLGU) sa pamumuno ni PLGU Quezon Project Development Officer III Lawrence Joseph Velasco, naihatid sa tinatayang 444 na benepisyaryo na nag mula sa mga bayan at lungsod ng; Agdangan, Candelaria, Dolores, Lucban, Mauban, Padre Burgos, Pagbilao, Sampaloc, San Antonio, Sariaya, Tiaong, Unisan, Lucena At Tayabas ang mga kagamitan gaya ng; Utensils Heater, Alcohol Dispenser, 1 gallon ng alcohol, Stand-Out sa Kalinisan Corner Signage, kasama rin sa ipinamahagi ang Maya QR Sintra Board, Gcash Sintra Board para sa elektronikong pamamaraan ng pagbabayad na makakatulong sa kanilang paghahanap-buhay.

Bukod sa pamamahagi ng kagamitan, nagkaroon din ng libreng seminar ang mga benepisyaryo tungkol sa Basic Food Safety, SMART, Maya, and PLDT Services at Digitalization Seminar na tinalakay nina Food Service Supervisor II Gidget Quejda, Administrative VI Mylene Lavadia, Smart Representative Andy Dipon, Maya Representative Ken Mendoza, PLDT Representative Jemalyn Cornelia, at BSP South Luzon Regional Office Shanise Geri Villanueva.

Sa huli, inanunsyo ni PLGU Quezon Project Development Officer III Velasco, abangan ang STANd-Out sa Kalinisan Livelihood Improvement Program na mabibigyan ng Stan Kalinga Livelihood I.D/ATM para sa mga matatanggap na insentibo mula sa Pamahaalang Panlalawigan na inisyatibo ni Governor Tan.

#STANd-OutsaKalinisan


Quezon PIO

135th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | February 17, 2025

135th Sangguniang Panlalawigan Regular Session | February 17, 2025

Upang higit pang mapatibay ang mga inisyatibang naglalayong mapabuti at mapaunlad ang pamamahala sa lalawigan ng Quezon, pormal na ginanap ang ika-135 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Lunes, Pebrero 17, sa Governor’s Mansion Compound, Lucena City.

Sa pangunguna ni Vice Governor Third Alcala katuwang ang mga Board Member na kinatawan ng bawat distrito sa lalawigan ay naaprubahan ang mga Ordinansa, Resolusyon, Atas tagapag paganap at iba pang liham, alinsunod sa mas lalo pang pag-unlad ng lalawigan ng Quezon.

Kaugnay dito ang pormal na pag-upo sa tungkulin ng pinakabago at ika-14 na miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na si Thelma P. Aumentado ng General Nakar na kinatawan ng Indigenous People (IP) partikular sa sektor ng mga katutubong dumagat na magsisilbing boses upang mas maprotektahan ang kanilang mga karapatan, kultura, at lupang ninuno.

Samantala, aprobado sa ikatlong pagbasa ang Panlalawigang Ordinansa Blg. 2025-002, ang kauna-unahang Quezon Provincial Nutrition Code na isinulong ni 3rd District Board Member at Committee on Health Chairperson Bokal John Joseph Aquivido, layunin ng naturang ordinansa na lumikha ng mas malusog na lalawigan sa hinaharap para sa mamamayan ng Quezon sa pamamagitan ng mga programang may malinaw na direksyon, sapat na pondo, at aktibong partisipasyon ng komunidad.

Aprobado din sa ikalawang pagbasa ang ordinansa na inilunsad ni 4th District Board Member at Committee on Peace and Order Bokal Roderick Magbuhos sa ordinansang naglalayong magtakda ng mga alituntunin at magbigay ng pagbabawal sa paggamit ng mga drone sa loob ng 100 metrong distansya mula sa mga bilangguan at iba pang pasilidad ng detensyon sa lalawigan ng Quezon upang maiwasan ang mga ilegal na gawain tulad ng pagpapadala ng mga kontrabando gamit ang mga drone. Kasama din sa ordinansa ang mga parusa para sa sinumang lalabag sa nasabing pagbabawal.


Quezon PIO