Lingap sa Mamamayan Libreng Gamutan | September 21, 2024
Hindi naging hadlang sa buong Medical Team ang makulimlim na panahon at pag-ambon upang matagumpay na maihatid ang libreng serbisyong gamutan para sa bayan ng Buenavista nitong araw ng Setyembre 21.
Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, nabigyang pagkakataon na makapagpatingin ng kalagayan kanilang kalusugan ang 4,123 mamamayan ng nasabing bayan na labis na ipinagpasalamat ng mga ito.
Kabilang sa mga napakinabangan na serbisyo ang libreng medical check-up para sa bata at matanda, tuli, bunot ng ngipin, minor surgery sa maliit na bukol, ENT, Cervical Cancer Screening, X-RAY, Ultrasound, FBS, Urinalysis, CBC, HIV Testing and Screening, at pagpapaturok ng Anti-pneumonia vaccine.
Mayroon ding handog na libreng pagpapagupit ng buhok.
Nakakuha naman ng libreng gamot ang mga pasyente, at kung hindi available ang iniresetang gamot ng doktor ay sinigurong mabibigyan sila ng Medical Assistance mula sa programang AICS na naisakatuparan sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO).
Samantala, kasamang naghatid ng serbisyo sa nasabing Medical Mission sina 3rd District Congressman Reynan Arrogancia, Board Member John Joseph Aquivido, Fourth Alcala bilang kinatawan ni Vice Governor Third Alcala, at Mayor Rey Rosilla Jr.
Quezon PIO