Pagkakaloob ng Packaging Materials, Food Processing Tools and Equipment at Coding Machines sa mga Assisted Organizations ng OPA | February 25, 2025
Pagkakaloob ng Packaging Materials, Food Processing Tools and Equipment at Coding Machines sa mga Assisted Organizations ng OPA, isinagawa
Matagumpay na naisagawa ang turn-over ceremony ng mga packaging materials at coding machine sa mga assisted organizations mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan nitong Pebrero 20, 2025 sa Sitio Fori, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.
Pinangunahan ito ng Agricultural Support Services Division – Quezon Food and Herbal Processing Center at Quezon Product Display Center Staff sa ilalim ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) kung saan ilan sa mga asosasyon na napagkalooban ay ang mga Young Farmers Associations sa Candelaria, Quezon, at Gumaca, Herbal Growers Association, Rural Improvement Club of Mauban, ReINa Fish Processors mula sa Real, Quezon, SICAP Quezon Cooperative mula sa Pagbilao, Quezon, Pitogo Banana Growers Association, Guinayangan Coffee Agri-Farmers Processors and Entrepreneurs Agriculture Cooperative, San Francisco Aurora Agriculture Cooperative at ang D’ Aroma Rural Improvement Club mula naman sa bayan ng Dolores, Quezon na gumagawa at nagpoproseso ng iba’t-ibang mga produkto.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga maliliit na negosyo at kooperatiba sa sektor ng agrikultura at pangisdaan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kalidad na packaging materials at coding machine ay patuloy ang pagpapataas ng kalidad ng mga lokal na produkto, pagpapapabilis ng produksyon, pagpapalawak ng merkado, na higit na matutulungan maiangat ng kabuhayan ng bawat miyembro ng organisyon at makilala ang produktong Quezonian.
#agribasedproductdevelopment #OPAQuezon #opaquezonfitscenter
Quezon PIO / ProVET