Trainig on High Value Crop & Livestock Integration | September 19, 2024
Sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ng Quezon – Coconut Development Division at Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA), matagumpay na naisagawa ang serye ng mga pagsasanay na dinaluhan ng 70 magsasaka mula sa 6 na asosasyon ng mga magniniyog sa lalawigan ng Quezon mula Setyembre 18-20, 2024.
Ang mga pagsasanay na ito ay bahagi ng proyektong Development of Coconut Industry Growth Areas sa lalawigan. Kabilang sa mga naging paksa ng pagsasanay ang Farm Diversification at Livestock Integration, na naglalayong ituro ang pagtatanim ng ibaโt ibang uri ng halaman at pag-aalaga ng mga hayop sa ilalim ng niyugan, gayundin ang mga estratehiya sa pagmemerkado ng mga produktong niyog. Tampok din sa mga pagsasanay ang mga aktwal na demonstrasyon sa pagproseso ng mga produktong mula sa tuba ng niyog, tulad ng virgin coconut oil (VCO), Coco Sugar, at Lambanog.
Ang mga pagsasanay na ito ay mahalagang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga magniniyog sa Quezon Province, na naglalayong mapabuti ang kanilang produksyon at kita. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaalaman at kasanayan, inaasahang makakamit ng mga magsasaka ang mas matatag at sustinable na mga kabuhayan, kasabay ng pag-unlad ng industriya ng niyog sa lalawigan.
Quezon PIO