Anti-Rabies Vaccination in Alabat, Perez, and Quezon, Quezon | April 10, 2025
Upang patuloy na mapanatili na Rabies-Free municipalities ang mga bayan ng Alabat, Perez, at Quezon, ay isinagawa ng Office of the Provincial Veterinarian (OPV) ang regular na pagbabakuna laban sa rabies sa mga nasabing bayan, mula Marso 24 hanggang Abril 2, 2025.
Sa kabuuan, umabot sa 1,998 na kliyente ang nabigyan ng serbisyo, 3,423 na mga alagang hayop ang nabakunahan na binubuo ng 2,475 na aso, 947 na pusa at 1 na unggoy.
Kinatawanan ito ng mga technical personnel ng OPV katuwang ang Offices of the Municipal Agriculturist ng Alabat, Perez at Quezon, Quezon sa pangunguna nina MA – Gerard Franklin R. Belazon, MA Marie Ann C. Montañez at MA Mary Rose O. Panol.
Layunin ng aktibidad na ito na patuloy na maprotektahan ang kalusugan ng mga alagang hayop gayun din ng mga mamamayan laban sa sakit na rabies. Patuloy na hinihikayat ang lahat na makiisa sa mga ganitong uri ng programa upang mapanatiling ligtas at malusog ang bawat komunidad laban sa rabies.
#provetquezon
#ProvincialGovernmentofQuezon
#VeterinaryServices
#QuezonProvince
Quezon PIO / ProVet