Isinasagawa ngayong araw, Setyembre 20 ang Harvest Festival sa Brgy. Mamala 1, Sariaya sa pangunguna ni Provincial Agriculturist Liza Mariano at Assistant Provincial Agriculturist Alexander Garcia.
Naglalayong ang selebrasyon na ito na maipakita ang tagumpay ng High-Value Crops Development Program (HVCDP) sa pamamagitan ng pag-highlight sa mga model farm.
Ang Harvest Festival ay ginanap sa isang model farm na pinamamahalaan ni Ms. Carina Relativo, isa sa mga cooperators ng Office of the Provincial Agriculturist. Dito’y ipinakita ang trial variety ng carrot na nagpatunay sa potensyal ng mga makabagong teknolohiya sa pag-aani at pagpapabuti ng ani.
Sa pagtutulungan naman ng mga lokal na magsasaka, seed companies, at OPA ay patuloy na naitataguyod ang masaganang ani at mas mataas na kalidad ng mga produkto para sa komunidad.
Quezon PIO
Provincial Peace & Order Council 3rd Quarter Meeting | September 20, 2024
Masiglang sinimulan ang 3rd Quarter joint meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) para sa patuloy na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan ng Quezon, na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan bilang PPOC Chairperson, ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 20 na ginanap sa 3rd floor Quezon Provincial Capitol, Lucena City.
Layon ng pagpupulong na ito na talakayin ang kalagayan ng ahensya ng pamahalaan ng lalawigan ng Quezon kung saan nagbahagi ang bawat tanggapan ng kanilang mga accomplishment reports at ng iba pang mahahalagang ulat patungkol sa iba’t-ibang kaso ng krimen, iligal na droga, insurhensiya, aksidente, at insidente sa sunog.
Nagbigay naman ng suhestiyon ang PPOC Chairperson Doktora Helen Tan na mas paigtingin ang pwersa ng K-9 program upang makapag inspeksyon sa mga pamilihan, parke, terminals at iba pang mga pampublikong lugar upang maging tugon sa kampanya laban sa ilegal na droga gayon din ang pagdaragdag ng mga CCTV sa bawat munisipalidad.
Ang nasabing pagpupulong ay dinaluhan nina BGEN. Cerillo C. Balaoro Jr. PA, Provincial Director PCOL Ledon D. Monte, PSWDO Head Sonia S. Leyson, DILG/PPOC Sec. Abegail N. Andres, HPG/PCPT Jerald Simeon, Engr. Russell C. Narte at PDRRMO Head na si Doctor Melchor Avanilla Jr. kasama ang mga miyembro ng Philippine Army, BFP, PNP, PDEA, DILG-Quezon, at iba pang mga pampublikong ahensya.
Sa pagtatapos, masayang pinasalamatan at binati ng Ina ng lalawigan ang Government Offices na itinalang pasado sa polisiyang “Drug Free Workplace” matapos maisagawa ang drug test sa pamahalaan ng lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO
Lauching of Paleng-QR Ph plus & PALENGQUE Digitalization Program | September 20, 2024
HAPPENING NOW: Lauching of Paleng-QR Ph plus & PALENGQUE Digitalization Program
September 20, 2024 | Quezon Convention Center, Lucena City
DISCLAIMER: I hereby declare that I do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.
Training on Coconut Farm Diversification and Livestock Integration | September 19, 2024
Naimbitahan bilang Resource Speaker si Dr. Milcah I. Valente ng Office of the Provincial Veterinarian patungkol sa Training on High Value Crop & Livestock Integration na ginanap sa Marcella’s Integrated Nature Agricultural Farm, Pitogo, Quezon nitong Setyembre 19, 2024.
Dumalo ang mga piling Coconut Farmers na nagmula pa sa Catanauan, Macalelon at Pitogo upang magkaroon ng kaalaman sa proyekytong isinagawa ng SEARCA katulong ang University of the Philippines-Los Baños (UPLB), at Office of the Provincial Agriculturist.
Quezon PIO
Orientation on OPCR/IPCR Calibration | September 19, 2024
Pinangunahan ng Human Resource Management Office (HRMO) sa pamumuno ni Mr. Rowell Napeñas ang isinagawang Orientation Office Performance Commitment and Review (OPCR) / Individual Performance Commitment and Review (IPCR) na ginanap sa Conference Hall, Capitol Building noong araw ng Huwebes, Setyembre 19.
Masigla ang naging talakayan at pagbibigay panayam ng Provincial Field Director II ng Civil Service Commission na si Ms. Lily Beth L. Majomot. Layon ng nasabing programa na maging epektibo at mahusay na mga tagapagbigay ng serbisyo sa mga nasasakupan ng Provincial Government Office batay sa kanilang posisyon at kapasidad.
Sa patuloy na pagbibigay ng Serbisyong Tunay at Natural ay malugod na ipinarating ang mensahe ng pakikiisa ni Governor Doktora Helen Tan sa nasabing pagpupulong.
Quezon PIO
Market Price Monitoring Livestock and Poultry Products as of September 19, 2024
Results of Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Pro | September 19, 2024
Kaugnay sa mataas na resultang nakuha ng Quezon Provincial Nutrition Multisectoral Committee sa “Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation Pro” noong taong 2023, nagkaroon ng Feedbacking and Exit Conference ang National Nutrition Council (NNC) CALABARZON sa pangunguna ni Nikka Mae S. Pablo, RND ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 19.
Layunin ng programang panatilihin ang magandang kalidad ng kalusugan ng mga mamamayan sa buong Region IV-A CALABARZON.
Matatandaan noong taong 2022, nakakuha ang Lalawigan ng Quezon ng tinatayang 85% na sa tingin nila ay mas kaya pang-itaas ang kalidad ng kalusugan.
Sa pangunguna naman ni Governor Doktora Helen Tan at iba pang ahensya ng Pamahalaang Panlalawigan, sa taong 2023 ay nagkamit sila ng 90.01% indekasyong mas pinalawak pa ang programang pangkalusugan.
Sa huli, taos-pusong pinasasalamat ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga ahensya at tanggapan na walang sawang nakikipagbalikatan para sa malusog na Lalawigan ng Quezon.
Quezon PIO
Quezon Provincial Health Office IS HIRING!
Quezon Provincial Health Office is in need of:
ONE (1) Medical Officer III – Job Order (Salary Grade 21)
Interested applicants may send their applications via:
quezon.pho@gmail.com, cc: quezon.hrhmdu@gmail.com
or you can bring in the following at 2nd floor,
IPHO-QMC Administrative Building Quezon Medical Center Compound, Brgy. 11, Lucena City.
Letter of Intent addressed to:
DR. KRISTIN MAE-JEAN M. VILLASEÑOR, RMT, MD, MPM
Provincial Health Officer II
One (1) copy of accomplished and duly signed
Personal Data Sheet Form (CS Form No. 212, Revised 2017)
One (1) photocopy of TOR
One (1) photocopy of PRC ID (if applicable)
Deadline of submission will be on September 24, 2024.
Please note that we will not entertain applicants
who have incomplete requirements.
We will not accept applications after the said deadline.Provincial Health Office IS HIRING!
Quezon Provincial Health Office is in need of:
ONE (1) Medical Officer III – Job Order (Salary Grade 21)
Interested applicants may send their applications via:
quezon.pho@gmail.com, cc: quezon.hrhmdu@gmail.com
or you can bring in the following at 2nd floor,
IPHO-QMC Administrative Building Quezon Medical Center Compound, Brgy. 11, Lucena City.
Letter of Intent addressed to:
DR. KRISTIN MAE-JEAN M. VILLASEÑOR, RMT, MD, MPM
Provincial Health Officer II
One (1) copy of accomplished and duly signed
Personal Data Sheet Form (CS Form No. 212, Revised 2017)
One (1) photocopy of TOR
One (1) photocopy of PRC ID (if applicable)
Deadline of submission will be on September 24, 2024.
Please note that we will not entertain applicants
who have incomplete requirements.
We will not accept applications after the said deadline.
Link:
Quezon PIO
Training on Organization Strengthening and Leardership for PKNM-Q 2023, Inc. | September 19, 2024
Matagumpay na ginanap ngayong Setyembre 19, ang unang araw ng 2-Day Organizational Strengthening and Leadership Training para sa Panlalawigang Kalipunan ng mga Nag-iisang Magulang sa Quezon (PKNM-Q) sa Queen Margarette Hotel, Domoit, Lucena City na pinangunahan ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Head Sonia S. Leyson.
Sa tulong nina DSWD IV-A KC-NCDDP Training Specialist Tessie T. Bugarin at Ms. Philda Luteria Portes mula sa LGU Perez, Quezon naibahagi ang mahahalagang kaalaman na naglalayong makatulong sa mga single parent na mamamayan sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Quezon. Tatlumpu’t pito (37) naman ang nakilahok sa nasabing pagsasanay.
Tinalakay sa programa ang mga seksyon ng batas at legal na batayan para sa mga Solo Parents, kabilang ang RA 7160 o Local Government Code of 1991 at RA 11861 o Expanded Solo Welfare Act. Bukod dito, inilahad ang mga kwalipikasyon upang makilala bilang Solo Parent, mga benepisyo na maaari nilang makuha, at ang wastong paggamit at pag-iingat sa Solo Parent Identification Card.
Para masunod ang hangarin ni Governor Doktora Helen Tan na serbisyong para sa lahat at pagkakaroon ng makapangyarihang mamamayan ng lalawigan ng Quezon, ipagpapatuloy ang ikalawang araw ng training/workshop sa Biyernes, Setyembre 20.
Quezon PIO
Assessment of Crop-Animal Systems in the Philippines | September 19, 2024
Ginanap ngayong araw, Setyembre 19 ang pagpupulong na pinangunahan ni Provincial Agriculturist Liza Mariano kasama sina Maria Cecilia Caceres (University Researcher) at Karren Race Sunade mula sa UPLB College of Agriculture and Food Science (CAFS) na nananaliksik ukol sa Assessment of Crop-Animal Systems in the Philippines.
Layon ng nasabing pulong na makakalap ang mga naturang panauhin mula sa UPLBL ng mga impormasyon at suhestiyon para sa mga sakahan na maaari nilang isama sa pag-aaral na makakatulong sa pagbibigay-daan para sa epektibo at mahusay na pamamaraan sa crop-livestock integration.
Nais namang bigyang-diin ng isinasagawa nilang proyekto ay pagsama-samahin at i-update ang mga advance infos, innovations, strategies, at best practices ukol sa crop-animal systems na isinasakatuparan sa Pilipinas.