NEWS AND UPDATE

Pamamahagi sa mga Mamamayan ng Buenavista ang Libreng Gamot at Aid to Barangay | September 21, 2024

Pamamahagi sa mga Mamamayan ng Buenavista ang Libreng Gamot at Aid to Barangay | September 21, 2024

Sa pagtungo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at ni Governor Doktora Helen sa bayan ng Buenavista ngayong araw, Setyembre 21, naipamahagi rin para sa mga mamamayan nito ang libreng gamot at Aid to Barangay.

Natanggap ang mga nasabing tulong ng 37 Barangays sa nasabing bayan, kung saan ang pinansyal na tulong ay magagamit para sa karagdagang mga programang pangkalusugan habang ang mga libreng essential medicines ay magsisilbing paunang lunas para sa mga may sakit sa kanilang mga lugar.


Quezon PIO

Inauguration of 3-Classroom School Building | September 21, 2024

Inauguration of 3-Classroom School Building | September 21, 2024

Umaapaw ang saya na nararamdaman ng mga mag-aaral, magulang, at guro sa Sabang Piriz Primary School na matatagpuan sa bayan ng Buenavista, matapos isagawa ang pormal na pagbabasbas ng bagong 3 Classroom Building ngayong araw, Setyembre 21 sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Ang paaralan na dating Kinder to Grade 3 lang ang kayang i-enroll dahil sa kakulangan ng silid aralan, ngayo’y maayos na nakakapag-aaral ang mga bata mula Kinder to Grade 6 sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang tanggapan ng Provincial Engineering Office (PEO).

Ginawang typhoon resilient ang mga silid-aralan, kung saan naman’y hinati ng paaralan ang isang classroom at ginawang opisina para sa karagdagan pang silid na magagamit din ng mga guro.

Labis naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Sabang Piriz Primary School sapagkat naisakatuparan na ang kanilang kahilingan na mabigyan pansin ang kakulangan nila sa silid-aralan.


Quezon PIO

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | September 21, 2024

Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan | September 21, 2024

Upang patuloy na maisakatuparan ang misyong mailapit sa mga mamamayan ng Quezon ang serbisyo ng Kapitolyo, isinagawa ngayong araw ng Sabado, Setyembre 21 ang “Lingap sa Mamamayan, Libreng Gamutan” na napakinabangan ng mga residente ng bayan ng Buenavista.

Narito ang mga naging kaganapan sa nasabing Medical Mission na pinangunahan ni Governor Doktora Helen Tan.


Quezon PIO

๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐…๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ #๐Ÿ๐Ÿ• ๐…๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ ๐š๐ญ ๐Ÿ”:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐š๐ฆ, ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐…๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜ #๐Ÿ๐Ÿ• ๐…๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ ๐š๐ญ ๐Ÿ”:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐š๐ฆ, ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

(๐•๐š๐ฅ๐ข๐ ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฅ ๐ญ๐ก๐ž ๐ง๐ž๐ฑ๐ญ ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐š๐ง๐œ๐ž ๐š๐ญ ๐Ÿ”:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ฉ๐ฆ ๐ญ๐จ๐๐š๐ฒ)

๐๐‘๐„๐’๐„๐๐“ ๐–๐„๐€๐“๐‡๐„๐‘:

SOUTHWEST MONSOON AFFECTING LUZON AND VISAYAS.

๐…๐Ž๐‘๐„๐‚๐€๐’๐“ ๐Ÿ๐Ÿ-๐‡๐‘ ๐‘๐€๐ˆ๐๐…๐€๐‹๐‹:

LIGHT TO MODERATE RAINS AND THUNDERSTORMS.

๐–๐€๐“๐„๐‘๐‚๐Ž๐”๐‘๐’๐„๐’ ๐‹๐ˆ๐Š๐„๐‹๐˜ ๐“๐Ž ๐๐„ ๐€๐…๐…๐„๐‚๐“๐„๐ƒ:

๐๐”๐„๐™๐Ž๐ – RIVERS AND ITS TRIBUTARIES PARTICULARLY UPPER UMIRAY, LOWER BOLBOK (LAWAYA), MALAKING-ILOG, IYAM, MACALELON, CATANAUAN, SILONGIN LAGDA, PAGSANJAN, YABAHAAN, BIGOL, GUINHALINAN, VINAS, CALAUAG, PANDANAN, STA. LUCIA, LUGAN MALAYBALAY, MAAPON, BUCAL (LALANGAN), LAKAYAT, TIGNOAN, AGOS, ANIBAWAN (POLILIO ISLAND) AND UPPER KILBAY – CATABANGAN.

PEOPLE LIVING NEAR THE MOUNTAINS SLOPES AND IN THE LOW LYING AREAS OF THE ABOVE MENTIONED RIVER SYSTEMS AND THE ๐‹๐Ž๐‚๐€๐‹ ๐ƒ๐ˆ๐’๐€๐’๐“๐„๐‘ ๐‘๐ˆ๐’๐Š ๐‘๐„๐ƒ๐”๐‚๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐€๐๐ƒ ๐Œ๐€๐๐€๐†๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐‚๐Ž๐”๐๐‚๐ˆ๐‹๐’ CONCERNED ARE ๐’๐“๐ˆ๐‹๐‹ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐„๐ƒ ๐“๐Ž ๐๐„ ๐€๐‹๐„๐‘๐“ ๐…๐Ž๐‘ ๐๐Ž๐’๐’๐ˆ๐๐‹๐„ ๐…๐‹๐€๐’๐‡๐…๐‹๐Ž๐Ž๐ƒ๐’.


Quezon PIO

๐„๐š๐ซ๐ญ๐ก๐ช๐ฎ๐š๐ค๐ž ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ.๐Ÿ ๐ƒ๐š๐ญ๐ž ๐š๐ง๐ ๐“๐ข๐ฆ๐ž: ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ – ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐Ÿ๐Ÿ• ๐€๐Œ

๐„๐š๐ซ๐ญ๐ก๐ช๐ฎ๐š๐ค๐ž ๐ˆ๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐จ.๐Ÿ ๐ƒ๐š๐ญ๐ž ๐š๐ง๐ ๐“๐ข๐ฆ๐ž: ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ – ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐Ÿ๐Ÿ• ๐€๐Œ

๐Œ๐š๐ ๐ง๐ข๐ญ๐ฎ๐๐ž = ๐Ÿ‘.๐ŸŽ

๐ƒ๐ž๐ฉ๐ญ๐ก = ๐ŸŽ๐ŸŽ๐Ÿ ๐ค๐ฆ

๐‹๐จ๐œ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง = ๐Ÿ๐Ÿ“.๐Ÿ๐Ÿ‘ยฐ๐, ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ.๐ŸŽ๐Ÿยฐ๐„ – ๐ŸŽ๐Ÿ‘๐ŸŽ ๐ค๐ฆ ๐ ๐Ÿ’๐Ÿ’ยฐ ๐„ ๐จ๐Ÿ ๐๐š๐ง๐ฎ๐ค๐ฎ๐ฅ๐š๐ง (๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง)


Quezon PIO

๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐–๐„๐€๐“๐‡๐„๐‘ ๐…๐Ž๐‘๐„๐‚๐€๐’๐“ ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ ๐š๐ญ: ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

๐๐”๐„๐™๐Ž๐ ๐–๐„๐€๐“๐‡๐„๐‘ ๐…๐Ž๐‘๐„๐‚๐€๐’๐“ ๐ˆ๐ฌ๐ฌ๐ฎ๐ž๐ ๐š๐ญ: ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

๐•๐š๐ฅ๐ข๐ ๐๐ž๐ ๐ข๐ง๐ง๐ข๐ง๐ : ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ ๐ญ๐จ๐๐š๐ฒ ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ฅ ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ ๐ญ๐จ๐ฆ๐จ๐ซ๐ซ๐จ๐ฐ

๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ โ€“ ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

WEATHER: Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog-pagkidlat

WIND: Katamtaman na hangin mula sa timog-kanluran

COASTAL: Katamtaman na alon sa karagatan

TEMPERATURE: 23 -33ยฐC

๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ – ๐ŸŽ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐€๐Œ, ๐Ÿ๐Ÿ ๐’๐ž๐ฉ๐ญ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’

WEATHER: Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkulog-pagkidlat

WIND: Katamtaman na hangin mula sa timog-kanluran

COASTAL: Katamtaman na alon sa karagatan

TEMPERATURE: 24 -31ยฐC


Quezon PIO

Training on Organizational Strengthening and Leadership for PKNM-Q | September 20, 2024

Training on Organizational Strengthening and Leadership for PKNM-Q | September 20, 2024

Maayos na idinaos ang huling araw ng 2-day Organizational Strengthening and Leadership Training para sa Panlalawigang Kalipunan ng mga Nag-iisang Magulang sa Quezon (PKNM-Q), 2023 Inc. sa Queen Margarette Hotel, Domoit, Lucena City. Tatlumpu’t walo (38) ang dumalo naman sa pagsasanay.

Pinangunahan Nina Ms. Philda Luteria Potes at Ms. Tessie T. Bugarin, kasama ang Pangulo ng PKNM-Q na si Ms. Rica Narvaez Malveda mula sa Gumaca, ang pagpapatupad ng bagong Vision at Mission ng PKNM-Q at ipinaliwanag kung paano ito maiuugnay sa Mission at Vision ng lalawigan ng Quezon.

Tinalakay rin dito ang mga pangunahing aspeto ng pamamahala sa pag-unlad ng organisasyon, iba’t ibang istilo ng pamumuno kabilang ang bagong konseptong adaptive leadership, at mga pamamaraan para mapanatili ang maayos na organisasyon. Kasama rin sa talakayan ang wastong pamumuno, pamamahala ng pinansiyal, at mga hakbang sa pagsisimula ng plano batay sa SWOT analysis.

Sa pagpapatuloy ng layunin ni Governor Doktora Helen Tan na makabuo ng makapangyarihang mamamayan, matagumpay na natapos ang pagsasanay para sa mga dumalo upang matutunan kung paano nila lubos na magagamit ang mga kaalaman mula sa dalawang araw na training/workshop.


Quezon PIO

Pagpupulong ng Quezon Provincial Council on Disability Affairs (QCDA) | September 20, 2024

Pagpupulong ng Quezon Provincial Council on Disability Affairs (QCDA) | September 20, 2024

Sa Ikatlong pagkakataon nagkaroon ng pagpupulong ang Quezon Provincial Council on Disability Affairs (QCDA) sa St. Jude Coop Hotel and Event Center, Brgy. Isabang.Tayabas Quezon, ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 20.

Layunin ng programa na matugunan ng ahensya ng Pamahalaang Panlalawigan ang seguridad, pangangailangan at karapatan ng mga Person With Disabilities (PWDs) sa iba’t ibang Local Goverment Units (LGUs) sa buong Lalawigan ng Quezon.

Matatandaan noong Hunyo 27 na pagpupulong, tinalakay ng (QCDA) ang Republic Act No. (RA) 11650, o kilala bilang โ€œInstituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act”, na ipinatupad ng organisasyon na ang bawat PWD ay may karapatang makisalamuha sa normal na paaralan ngunit, may iba’t ibang limitasyon na nakadepende sa kalagayan ng mag-aaral.

Sa pangunguna ni Rev. Benjamin R. Hugo Executive Director of QCDA tinalakay ngayong araw ang Resolution No. 2024-001-004 ito’y pagpaplano ng ahensya na magkaroon ng Inclusive Learning Resource Center (ILRC) ang bawat (LGUs) para sa ating PWD. Kasama ring tinalakay ang mga pamantayan para “Search for PWD Friendly LGUs” upang magbigay parangal sa taong 2025.

Sa huli, ang iba’t ibang ahensya ng Panlalawigang Pamahalaan ay patuloy na magbabalikatan para sa ikabubuti ng (PWDs) sa ating bayan.


Quezon PIO