Graduation and Distribution of Allowance | September 23, 2024
Ginanap ang Graduation and Distribution of Allowance ng mga Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Quezon Convention Center, Lucena City ngayong araw ng Lunes, Setyembre 23
Layunin ng TESDA magkaroon ng libreng skills training ang mamamayan natin upang magkaroon ng National Certificate (NC) na kanilang magagamit sa pagtatrabaho sa labas at loob ng bansa.
Ang mga nagsipagtapos ay ang mga sumusunod; Caregiver NC II (20), Electrical Installation and Maintenance NC II (40), Bread and Pastry NC II (25), Driving NC II (40), Agricultural Crop NC I (30), House Keeping NCII (9), Shelded Metal Arc Welding NC I (24), Shelded Metal Arc Welding NC II (20),Shelded Metal Arc Welding NC III (26) na may kabuuang 234 na katao.
Pasasalamat naman ang bungad ni Governor Doktora Helen Tan sa mga Trainor at Trainee na nagtulong-tulong upang maging matagumpay ang programa.
Sa huli, patuloy pa rin ang TESDA sa pagbibigay serbisyong kaalaman upang magkaroon ng kakayahan ang mga mamamayan sa bansang Pilipinas.
Quezon PIO