Sa HPV Vaccine Cervical Cancer Free ang Future Natin | September 24, 2024
Prevention is Better than Cure!
Sinimulan ang Advancing Cervical Cancer Prevention and Province of Quezon School-Based Immuzation Kickoff sa Sampaloc Elementary School Main, Quezon Ave., Sampaloc, Quezon ngayong araw ng Martes, Setyembre 24.
Ang Human Papilloma Virus (HPV) ang pangunahing sanhi ng Cervical Cancer. Sa Pilipinas itinalang pang-apat na dahilan ng pagkamatay ng kababaihan at maging kalalakihan ay ang sakit na Cervical Cancer.
Sa pagtutulungan ng Quezon Provincial Health Office (QPHO) at School Division Office of Quezon, Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) at iba pang ahensya ay isinusulong ang adbokasiyang iwasan ang sakit na Cervical Cancer sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng (HPV) Vaccine sa buong bansa.
Samantalang, sa kauna-unahang pagkakataon dito sa Lalawigan ng Quezon mahigit 300 kabataang babae na may edad na 9 hanggang 14 na nag mula sa pampubliko at pribadong paaralan ng Sampaloc Quezon ang nakatanggap ng libreng HP Vaccine ngayong araw. Dagdag ding serbisyo ang pagbibigay ng libreng bakuna para sa Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria para sa mamamayan ng nasabing bayan.
Taos-puso naman ang pasasalamat ni Governor Doktora Helen Tan sa mga kawani at ahensyang nagtulong-tulong at patuloy na magbabalikatan sa adhika na alisin ang Cervical Cancer sa Lalawigan ng Quezon upang makalikha ng malusog at mas maliwanag na hinaharap ang mga Quezonians.
Quezon PIO