NEWS AND UPDATE

Libreng Serbisyong Medikal na Inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Medical Team | September 28, 2024

Libreng Serbisyong Medikal na Inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Medical Team | September 28, 2024

TINGNAN: Narito ang ilan sa mga naging kaganapan ng libreng serbisyong medikal na inihatid ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon at Medical Team katuwang ang Sariling Sikap Program ni Governor Doktora Helen Tan ngayong araw, Setyembre 28 sa Southern Luzon State University-Lucena Campus.


Quezon PIO

PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE & ROTARY CLUB OF LUCENA CENTRAL JOB FAIR

PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE & ROTARY CLUB OF LUCENA CENTRAL JOB FAIR

PAALALA

Ang pagtugon sa ONLINE PRE-REGISTRATION ay mahalaga para hindi na kailanganing mag-fill up ng JOBSEEKER’S FORM sa mismong araw ng JOB FAIR.

At para magkaroon ng oportunidad na ma-interview at ma-hired-on-the-spot (HOTS) ay kinakailangang makadalo ang mga PRE-REGISTERED JOBSEEKERS sa araw ng JOB FAIR.


Quezon PIO

Veterinary Medical Mission | September 28, 2024

Veterinary Medical Mission | September 28, 2024

Bilang pakikiisa sa taunang pagdiriwang ng World Rabies Day, isinagawa ng Office of the Provincial Veterinarian ang Veterinary Medical Mission katuwang ang Quezon Veterinary Medical Association (QVMA) nitong Setyembre 28 sa Pacific Mall, Lucena City.

Binigyang-diin ni Provincial Veterinarian Dr. Flomella Caguicla sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga hayop at tao na maaaring magdulot ng panganib dala ng rabies kapag ito’y hindi naagapan ng bakuna.

Samantala, tinalakay ni Dr. Flori-Anne Buiser mula sa MSD Animal Health ang tamang pamamaraan ng pag-aalaga sa mga hayop.

Sa kabuuaan, mayroong 176 na mga aso at pusa ang nabakunahan laban sa rabies, 462 naman ang nagpakonsulta ng kanilang mga alagang hayop, binigyan ng bitamina at nagpapurga.

Dagdag pa rito, mayroon ding 25 na mga hayop ang pinakapon at 389 na mga furparents ang naserbisyuhan.

Labis na nagpapasalamat ang tanggapan sa walang sawang suportang binibigay ng ASVET Inc., AVLI Biocare Inc., Boehringer Ingelheim, MSD Animal Health, Nutri Chunks, Yum Yum, JVetServ Veterinary Clinic, Southern Swine Farm, CJ Philippines, Inc. at Zoetis Inc. upang ipalaganap sa publiko ang banta ng rabies sa lahat.


Quezon PIO

International Coastal Clean-Up Day | September 12, 19-21, 24-25, 27-28, 2024

International Coastal Clean-Up Day | September 12, 19-21, 24-25, 27-28, 2024

Sa pangunguna ni PGENRO Head John Francis L. Luzano,EnP, MPA kasama ang PGENRO Staffs, nakibahagi ang Provincial Government of Environment and Natural Resources Office (PGENRO) sa International Coastal Clean-Up Day nitong Setyembre 12, 19-21, 24-25, 27-28, 2024 sa Dolores, Real, Guinayangan, Pagbilao, General Luna, Padre Burgos, Plaridel, Tiaong, Tayabas City, Sariaya, Atimonan, Quezon, Lucena City, Sampaloc, Mauban, QPL-SBPL, Patnanungan San Francisco, Unisan, Tagkawayan, at Calauag.

Layunin nito ay mapalawig at mabigyan ng kaalaman ang ating mga kalalawigan na maging mapagmasid sa ating kapaligiran. Kaalinsabay nito ang pamamahagi ng mga reusable bags na magsisilbing isang paraan upang mabawasan ang paggamit ng plastic bags ayon sa Philippine Nuclear Research Institute (PRNI) in the Department of Science and Technology.

Sinabi ni Carlo Arcilla, Director of the Philippine Nuclear Research Institute (PRNI) in the Department of Science and Technology, “The Philippines generates an estimate of 61, 000 metric tons of solid waste daily, up to 24 per cent of which is plastic. According to recent figures, the country is one of the world’s largest contributors of plastic waste leaking into the ocean.”

Maging bahagi ng solusyon at hindi ng polusyon!


Quezon PIO

Merkado ng Produktong Quezonian, Maglelevel-up na sa Multimedia Platform! | September 26-27, 2024

Merkado ng Produktong Quezonian, Maglelevel-up na sa Multimedia Platform! | September 26-27, 2024

Bilang bahagi ng patuloy na inisyatibo ng Marketing Unit ng Agri-Enterprise Division, ang tanggapan ng Panglalawigang Agrikultor ng Quezon ay nagsagawa ng isang “Product Promotion and Visual Merchandising Training Workshop” para sa mga food processors at agri-entrepreneurs mula sa iba’t ibang Farmers Cooperative and Associations, kabilang ang Rural-Based Organizations (RBOs), Rural Improvement Club (RIC), Young Farmers, at 4-H Club na ginanap sa Queen Margarette Hotel Downtown, nitong Setyembre 26-27.

Tinalakay ni PRDP IV-A Project Development Associate Consultant Ms. Diane Desiree Quijano ang iba’t ibang multimedia platforms na maaaring gamitin para sa pagmemerkado ng mga produkto. Nakatulong sa mga partisepante ang aktuwal na paggawa ng Facebook Page, pagsanay gumawa ng graphic design, at paggawa ng epektibong social media content.

Sa pagtatapos ng nasabing pagsasanay, buong kagalakang ipinahatid ng mga lumahok ang kanilang pasasalamat, dagdag pa nila nagbigay ng malaking inspirasyon at pag-asa sa kanila na makaabot ang kanilang mga produkto sa mas maraming mamimili sa pamamagitan ng Multimedia Platforms na tiyak na magpapataas ng kanilang kita at higit na magpapalago ng kanilang mga negosyo.


Quezon PIO

Training on Animal Disease and Control for LGU Livestock Technician | September 25-27, 2024

Training on Animal Disease and Control for LGU Livestock Technician | September 25-27, 2024

Matagumpay na isinagawa ang tatlong araw na pagsasanay sa Animal Disease Prevention and Control for LGU Livestock Technician na pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian nitong Setyembre 25-27, 2024 sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City na pinondohan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Nagpaabot nang mensahe ang ating Provincial Veterinarian na si Dr. Flomella Caguicla sa 27 kalahok na Livestock Technicians upang mabigyan sila ng kaalaman at kahalagahan na magsisilbing katuwang ng tanggapan sa pagkontrol ng nakakahawang sakit sa hayop sa kanilang bayan.

Tinaklay nina Dr. Philip Augustus Maristela at Dr. Camille Calaycay ang ilan sa mga pamamaraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa hayop. Nagsagawa rin sila ng hands-on demonstration katulad ng blood sample collection at necropsy procedure sa baboy, kambing, at manok.


Quezon PIO

Launching of Tankilik Products on Iskarapate | September 26, 2024

Launching of Tankilik Products on Iskarapate | September 26, 2024

It’s Official! Nasa ISKAPARATE na ang TARA NA SA QUEZON, TANKILIK PRODUCTS!

Sa hangarin ni Governor Doktora Helen Tan na mabigyang oportunidad ang mga MSME o maliliit na negosyanteng Quezonian, opisyal nang inilunsad sa Iskaparate ang TANkilik Products na binubuo ng iba’t-ibang produktong gawa at mula sa lalawigan ng Quezon.

Ang ISKAPARATE ay isang digital selling platform na naglalayong palaguin ang hanapbuhay ng maliliit na negosyante sa pamamagitan ng digital technology o online marketplace na malaking tulong upang mas makilala pa ang kanilang mga produktong.

Kaugnay nito, magkasamang naimbitahan nitong Setyembre 26 bilang panauhin ng PRO Pinoy program ng DZME 1530 (Radyo Uno Manila) sina PLGU Quezon Project Development Officer III – Lawrence Joseph Velasco at Flavors of Quezon COO/Digital Marketing Specialist – Vincent Joseph Villasin kung saan sila’y nagkaroon ng panayam at pagkakataon upang maibida ang mga produktong ipinagmamalaki ng Quezon.

Bukod sa Radio Guesting na ito, nagkaroon din ng photoshoot ng mga dalang produkto mula sa Quezon sa tulong ng Iskaparate Team at pangunguna ng kanilang President and Chief Operation Officer – Josefina Natividad.

Napakalaking oportunidad naman para sa Quezonian MSMEs ang mga ganitong exposure sa nasyonal na plataporma at online marketplace sapagkat mabibili na ng mga konsyumer ang kanilang mga produkto kahit nasaan man silang parte ng Pilipinas.

Bisitahin na ang https://iskaparate.com/ at bumili ng mga produktong tunay na maipagmamalaki ng lalawigan ng Quezon.

Kaya ano pang hinihintay mo?

Mag-ISKA na PARATE!


Quezon PIO

Power Plant Observation | September 26, 2024

Power Plant Observation | September 26, 2024

Nagsagawa ng “Powerplant Visit” ang Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PGENRO) sa Quezon Power Ltd. at San Buenaventura Power Ltd., sa bayan ng Mauban, ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 26.

Kasama ng nasabing tanggapan sa pamumuno ni PGENRO John Francis Luzano ang mga Solid Waste Management (SWM) Focal Persons ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan upang maipakita sa kanila ang SWM Practices na ginagawa ng nasabing planta gayun din upang aktwal na makita ang kanilang ginagawang compliance sa mga Air and Water Quality Management regulations ng DENR-EMB.

Tinalakay nina G. Chuckie Rivera, Community Relations Manager at Maricel Javier, Health, Safety and Environment Manager ang mga proseso at gawaing kanilang isinasagawa upang masunod ang mga umiiral na regulasyong pangkalikasan na sumasaklaw sa kanilang operasyon at matapos nito ay isinagawa ang aktwal na “plant visit.”


Quezon PIO

Orientation para sa Republic Act No. 11861 – Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020 | September 26, 2024

Orientation para sa Republic Act No. 11861 – Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020 | September 26, 2024

Isinagawa ngayong Setyembre 26 sa Cultural Arts Center (Old Kalilayan), Lucena City, ang orientation para sa Republic Act No. 11861 o Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020. Pinangunahan ito ni Ms. Sonia S. Leyson, Department Head ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Dumalo rito ang tatlompu’t limang (35) empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, kasama si Atty. Monique Allen V. Loria, Atty. III, mula sa Provincial Legal Office bilang tagapagsalita. Tinalakay dito ang layunin ng R.A. No. 11861 na palawakin ang saklaw at dagdagan ang mga benepisyo para sa mga solo na magulang at kanilang pamilya. Ipinaliwanag din ang mga kinakailangang hakbang upang makilala bilang solo parent, mga ipinagbabawal sa mga solo parent na nagtatrabaho sa gobyerno, at ang mga benepisyong maaari nilang matanggap.

Binigyang pansin din ang mga dahilan kung bakit nahihirapang mag-renew ang ibang solo parents at ang mga limitasyon sa edad ng anak para makakuha ng suporta.

Sa pagtatapos ng programa, itinatag ang Provincial Government of Quezon Solo Parents Association (PGQ-SPA) upang mas mapadali ang proseso ng pagkuha at pag-renew ng Solo Parents Identification Card.

Sa layuning makapagbigay ng serbisyong para sa lahat, matagumpay na natapos ang orientation para sa mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.


Quezon PIO