NEWS AND UPDATE

Pabatid: No Balance Billing at No Out-of-Pocket Policy sa Quezon Provincial Hospital Network | April 25, 2025

Pabatid: No Balance Billing at No Out-of-Pocket Policy sa Quezon Provincial Hospital Network | April 25, 2025

PABATID: Ang Quezon Provincial Hospital Network ay mahigpit na nagpapatupad ng No Balance Billing at No Out-of-Pocket Policy para sa mga pasyenteng naka admit sa basic accommodation o ward.
Kayo po ay aasistihan ng ating mga medical social worker na nakatalaga sa bawat pampublikong ospital sa ilalim ng Pamahalaang Panlalawigan.
QPHN – Quezon Medical Center
QPHN – Alabat
QPHN – Bondoc Peninsula (Catanauan)
QPHN – Candelaria
QPHN – Claro M. Recto (Infanta)
QPHN – Doña Marta (Atimonan)
QPHN – Guinayangan
QPHN – Gumaca
QPHN – Magsaysay (Lopez)
QPHN – Mauban
QPHN – Polillo
QPHN – Sampaloc
QPHN – San Francisco
QPHN – San Narciso
QPHN – Unisan
Narito ang mga kinakailangang Dokumento:
GOVERNMENT-ISSUED IDENTIFICATION CARD NG PASYENTE:
– PhilHealth ID
– Senior Citizens ID (if applicable)
– Solo Parent ID (if applicable)
– Person with Disability ID (if applicable)
– 4Ps ID (if applicable)
– Valid ID of next of kin
Kung wala pang PhilHealth Identification Number (PIN), agad na makipag ugnayan sa PhilHealth Benefit Section.

#QuezonProvince
#QPHN


Quezon PIO / IPHO

2nd Quarterly Meeting of Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) | April 25, 2025

2nd Quarterly Meeting of Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) | April 25, 2025

Matagumpay na idinaos ng Provincial Council for the Protection of Children (PCPC) ang 2nd Quarterly Meeting ngayong araw ng Biyernes, Abril 25, sa PGO extension Conference Room, Lucena City.
Pinangunahan ito ni Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Assistant Department Head Norliza Labitigan. Gayundin, dinaluhan ito ng mga kawani mula sa iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Panlalawigan, mga kaakibat na ahensya nito, at child representatives mula sa bayan ng Real.
Tinalakay dito ang updates patungkol sa pagtaas ng bilang ng Child Friendly Local Governance Audit (CFLGA) passers mula sa sampu (10) na Local Government Units (LGUs) nang 2023 audit report na ngayon ay dalawangpu’t apat (24) na LGUs at maaari pang madagdagan base sa regional validation team para sa 2024 audit report.
Nagkaroon din ng presentasyon mula sa Save the Children-Philippines patungkol sa Strengthening Community-Based Infectious Disease Surveilance and Response in ReINaPan Inter-Local Health Zone (STRIDES), kung saan layon nito mapabuti ang kalusugan ng mga bata sa Pilipinas, partikular na sa lalawigan ng Quezon (Real, Infanta, at Panukulan) sa pamamagitan nang pagbibigay ng vaccination at immunization sa mga bata.
Ibinahagi naman ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Quezon District ang pagkakaroon ng Child Friendly Area para sa mga bibisitang bata sa kanilang mga kapamilya na nasa loob ng kulungan, gayundin, ay tinalakay naman ang iba pang mga proyekto ng BJMP patungkol sa mga bata.
Samantala, tinalakay naman ng Department of Labor and Employment ang patungkol sa Child Labor kung saan ay dito ibinahagi ang magaganap na World Day Against Child Labor na gaganapin sa June 12,2025. Karagdagan pa, ay nabigyang pagkakataon din ang mga child representative na maipresenta ang kanilang mga accomplishment at proyekto para sa nasabing programa.
Asahan naman ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Panlalawigan upang matiyak ang mas ligtas, mas malusog, at mas makataong kapaligiran para sa mga batang Quezonian.

#QuezonProvince
#ProvincialCouncilfortheProtectionofChildren


Quezon PIO

‎Paano mapangangalagaan ang iyong DATA PRIVACY? | April 25, 2025

‎Paano mapangangalagaan ang iyong DATA PRIVACY? | April 25, 2025

Kalalawigan, magkaroon ng responsibilidad at ingatan ang ating DATA PRIVACY!

‎Paano mapangangalagaan ang iyong DATA PRIVACY?

‎•Bago ibigay ang iyong personal data, laging siguruhin na malinaw na naipaliwanag kung saan gagamitin ang iyong personal na impormasyon.

‎•Isang halimbawa’y sa paggamit ng Online Shopping Site:

‎•Maaaring tumanggi kung hindi mo na nais na ma-contact o makatanggap ng karagdagang komunikasyon o e-mail (RIGHT TO OBJECT)

‎•Maaaring ipatama o ipabago ang iyong address kung may mali rito (RIGHT TO RECTIFICATION)

‎•Maaari ring ipatanggal o i-delete ang iyong account at personal data kung hindi mo na ginagamit ang kanilang serbisyo (RIGHT TO ERASURE OR BLOCKING)

‎ILAN PANG MGA PAYO PARA SA INYONG KALIGTASAN

‎•Ugaliing mag-logout ng inyong social media accounts.

‎•Gumamit ng Two-Factor Authentication

‎•Panatilihing nakapribado ang screen ng inyong gadget.

‎•Maglabas ng Privacy Notice sa inyong tanggapan.

‎•Gumamit ng mga password na hindi madaling mahulaan.

‎•Sirain o i-shred ang mga hindi na kailangang pisikal na dokumento.

‎PANATILIHING LIGTAS ANG IYONG MGA DATOS

‎•Mahalagang ipabatid sa lahat ng miyembro ng inyong organisasyon ang mga saklaw ng Data Privacy Act.

‎•Maaaring i-encrypt ang mga sensitibong Digital Data upang maiwasan ang hindi awtorisadong pag-access o paggamit nito. Para naman sa physical data, maaaring itabi ang mga ito sa isang ligtas na lugar.

‎Pinahahalagahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang inyong DATA PRIVACY, at buo ang suporta sa mga karapatang nakapaloob sa batas na nabanggit.

‎#DATAPRIVACY
‎#QuezonProvince


Quezon PIO

World Malaria Day | April 25, 2025

World Malaria Day | April 25, 2025

Ngayong ika-25 ng Abril, 2025 ay World Malaria Day.
Itaas ang kamalayan at impormasyon tungkol sa sakit na ito upang suportahan ang kampanya patungo sa malaria-free na mga Quezonians.
Ang Malaria ay isang mapanganib na sakit na dulot ng parasite na naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng babaeng Anopheles mosquito. Ito ay nakamamatay kapag hindi agad na gamot.

#QuezonProvince


Quezon PIO / IPHO

Paalala para sa CT-Scan, MRI, at 2D Echo Scheduling at Resulta | April 25, 2025

Paalala para sa CT-Scan, MRI, at 2D Echo Scheduling at Resulta | April 25, 2025

Para sa ating mga pasyente na nangangailangan ng CT-Scan, MRI, at 2D Echo, mangyaring tandaan ang mga paalalang ito tungkol sa proseso ng pagpapa-schedule at paglabas ng resulta. Siguraduhing sundin ang mga bagong detalye upang maging maayos at mabilis ang inyong transaksyon.
Para sa kumpletong impormasyon, tingnan ang naka-post na abiso sa mga larawang nasa ibaba. Ang inyong kooperasyon ay lubos na pinahahalagahan.

For more details, visit this link: https://www.facebook.com/share/p/1PRbmbAW9G/


QPHN-QMC

Head and Neck Consciousness Week | April 25, 2025

Head and Neck Consciousness Week | April 25, 2025

Ngayong huling linggo ng Abril ay Head and Neck Consciousness Week.
Makiisa sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa Head and Neck cancer upang maging ligtas ang bawat mamamayang Quezonian.
Agarang kumonsulta sa healthcare workers kung makaramdam ng sintomas ng head & neck cancer.

#QuezonProvince


Quezon PIO

Mahalagang Paalala mula sa QPHN-QMC

Mahalagang Paalala mula sa QPHN-QMC

Mahalagang Paalala mula sa QPHN-QMC: Mahigpit naming ipinapatupad ang No Balance Billing at No Out-of-Pocket Policy para sa ating mga pasyente. Para sa tulong sa bayarin o impormasyon, bumisita sa MSWD/Malasakit Center sa QMC – PHO Admin Bldg. Para sa iba pang mga katanungan, makipag-ugnayan lang sa amin.

Maraming salamat po!

World Immunization Week | April 25, 2025

World Immunization Week | April 25, 2025

𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐁𝐀𝐊𝐔𝐍𝐀 𝐍𝐀!
Para maiwasan ang peligrong dulot ng iba’t ibang uri ng sakit katulad ng tigdas, polio, hepatitis, tuberculosis at iba pa.
Para maiwasan ang pagkakaroon ng ilang uri ng kanser katulad ng cervical cancer.
Para sa mas ligtas na pagtatrabaho at pagpasok sa paaralan.
Alamin ang schedule sa inyong pinakamalapit na health center at MAGPABAKUNA NA!


Quezon PIO

Pabatid sa Publiko ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center| April 23, 2025

Pabatid sa Publiko ng Quezon Provincial Hospital Network – Quezon Medical Center| April 23, 2025

PABATID SA PUBLIKO!
Magsasagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Surgical Caravan para sa ating mga kababayan!
Layunin ng programang ito na maghatid ng libreng serbisyong medikal at operasyon para sa mga nangangailangan.
Narito ang iskedyul ng mga operasyon:
April 11-12, 2025: (done)
Mayo 2-3, 2025: Cholecystectomy (Gallbladder Surgery)
Mayo 16-17, 2025: Hernia, Breast, at Neck Surgery
Mayo 30-31, 2025: AV Fistula Surgery
Para sa mga nais magpa-rehistro, makipag-ugnayan sa:
• QPHN-QMC OPD
• Help desks ng mga district hospitals sa lalawigan
• QPHN–Quezon Medical Center Help Desk: 0917-165-8850
Paalala:
Magkakaroon ng Screening and Assessment sa Huwebes, Abril 24, 2025 sa ganap na 8:00 ng umaga, sa lobby ng Quezon Medical Center.
Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang programang ito para sa ikabubuti ng ating kalusugan!


QPHN-QMC

Purokalusugan: Ligtas na Pamilyang Pilipino (Immunization Week Celebration) for Quezon Province | April 23, 2025

Purokalusugan: Ligtas na Pamilyang Pilipino (Immunization Week Celebration) for Quezon Province | April 23, 2025

Nagsama-sama ang DOH CHD4A, Quezon DOH Provincial Office, Quezon Provincial Health Office, Philippine Pediatric Society- Southern Tagalog Chapter, at Tayabas City Health Office upang isagawa ang PuroKalusugan: Ligtas na Pamilyang Pilipino (Immunization Week Celebration) for Quezon Province noong April 22, 2025 sa Bayanihan Isolation Facility, Tayabas City.
Ang PuroKalusugan ay programa ng Department of Health na nakatuon sa pagbibigay ng derektang serbisyong pangkalusugan sa mga purok na parte ng DOH’s Eight-Point Agenda.
Nakatanggap ng serbisyong bakuna ang 135 na sanggol, kabataan, buntis, at mga senior citizes, 116 ang sumailalim sa Philpen risk assessment, 53 ang nakonsulta sa Safe Motherhood Program, 170 ang nakonsulta sa nutrition program, at 30 buntis ang sumailalim sa HIV testing.

#QuezonProvince


Quezon PIO / IPHO