NEWS AND UPDATE

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm February 25, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm February 25, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm February 24, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm February 24, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm February 23, 2023

COVID-19 Update in Quezon Province | 5:00 pm February 23, 2023

Ika-42 General Assembly ng Pitogo Multi-Purpose Cooperative | February 25, 2023

Ika-42 General Assembly ng Pitogo Multi-Purpose Cooperative | February 25, 2023

Nagsilbing panauhing tagapagsalita si G. Cenon Allan V Loria, Cooperative Focal Person sa ika-42 General Assembly ng Pitogo Multi-Purpose Cooperative noong ika-25 ng Pebrero 2023 sa Pitogo Central School II sa bayan ng Pitogo. Bukod sa kahalagahan ng kooperatibismo ay binigyang diin din niya ang mga pangunahing programa ng PGO PACSEDU sa ilalim ng liderato ni G. Antonio L. Manrique para sa iba’t-ibang batayang sektor ganoon din ang puwang o bahagi nito sa pangkalahatang programang pangkaunlaran ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Angelina Doktora Helen D.L Tan.

Punsyunan sa Calle Rizal | February 25, 2023

Punsyunan sa Calle Rizal | February 25, 2023

Napuno ng kasiyahan, musika at iba’t ibang lutuin ang The House of Andres Quejada sa Sariaya, Quezon ngayong Pebrero 25 sa pagsasalong tinaguriang Pusyunan sa Calle Rizal.

Sa pagtutulungan ng Herencia Sariaya, ni Mayor Marcelo Gayeta at ng Tourism Quezon Province ay pinagsama-sama ang iba’t ibang anyo ng sining sa bayan tulad ng musika, tula, pagkain, at pagpipinta bilang bahagi ng pagdiriwang sa Buwan ng Sining ngayong Pebrero.

Sa tulong ng mga ganitong programa ay napapanatiling buhay ang sining at kultura sa lalawigan at natitiyak ring maipapamana ito sa mga darating pang henerasyon.

Stragetic Planning – Quezon Medical Center – Clinical Division | February 25, 2023

Stragetic Planning – Quezon Medical Center – Clinical Division | February 25, 2023

Kaugnay pa rin sa pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, nagkaroon ng “Strategic Planning Clinical Division” ang Quezon Medical Center (QMC) sa pamumuno ni Dr. Juan Eugenio Fidel B. Villanueva ngayong araw ng Sabado, Pebrero 25.

Mabusising pinagplanuhan ng Surgery, Medicine, Ob-Gyne, Pedia, Emergency at OPD Department ang mga susunod na hakbang para sa pagbibigay ng mas maayos at dekalidad na serbisyong medikal.

Asahan na patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa pagsasaayos ng sistema mula sa bawat pasilidad ng pampublikong ospital sa lalawigan hanggang sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.

Biosecurity Measures, Ipinaalala sa mga Farmers ng San Antonio, Quezon | February 24, 2023

Biosecurity Measures, Ipinaalala sa mga Farmers ng San Antonio, Quezon | February 24, 2023

Biosecurity Measures, ipinaalala sa mga Farmers ng San Antonio, Quezon Pebrero 24, 2023 Ang Office of the Provincial Veterinarian ay inimbitahan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA) San Antonio upang maging tagapagsalita at magbigay ng dagdag kaalaman sa mga magsasaka at magbababoy sa nasabing bayan bilang bahagi ng agricultural support services na laan ng lokal na pamahalaan. Lubos na nakinabang ang 193 farmers na nagsidalo sa programa dahil sa karagdagang impormasyon na ibinahagi ni Bb. Cheeyene San Agustin. Tinalakay niya ang ilang hakbang kung paano mapapanatiling nasusunod ang biosecurity measures sa mga babuyan. Pinaalalahanan din niya ang ating mga kalalawigang magbababoy na maging maingat at mahigpit sa pagpapatupad ng biosecurity upang maiwasan ang pagkalat ng ASF Virus. Kasabay nito ay namahagi rin ang tanggapan ng IEC Materials na kaugnay nito.

Pagpupulong ng Dinahican Visayan Village Fisherman Inc. sa Bayan ng Infanta | February 24, 2023

Pagpupulong ng Dinahican Visayan Village Fisherman Inc. sa Bayan ng Infanta | February 24, 2023

Naimbitahan ang tanggapan ng PGO-PACSEDU /CSO Desk Office sa ginanap na pagpupulong ng Dinahican Visayan Village Fisherman Inc. sa bayan ng Infanta noong ika-24 ng Pebrero, 2023. Isa sila sa mga samahan na na-accredit ng Sangguniang Panlalawigan. Ipinaliwanag ni Mr. Karl Nino D. Sisperez, Program Coordination and Development Section Head ang mga gampanin at mandato ng nasabing opisina. Ipinaliwanag din ang DHT Executive order No. 5 na inilabas ng ating minamahal na Gobernadora Angelina “Doktora Helen” D.L. Tan na kung saan ang PGO-PACSEDU/CSO Desk Office ang susuporta at aalalay sa mga CSO upang lalong mapalakas ang kanilang samahan. Batay din sa EO No. 5 trabaho din ng PGO-PACSEDU/CSO Desk Office na madokumento ang mga isyu at concern ng mga civil society organization sa lalawigan ng Quezon upang matugunan at mai-link sa mga line agencies at department ng pamahalaan.

Batay sa pagpupulong, ibinahagi ni G. Almacin, kalihim ng nasabing samahan na “pagtutuna” ang pangunahing hanapbuhay ng mahigit kumulang 300 nilang miyembro ngunit nakakaranas sila ng hirap patungkol sa presyo ng kanilang produkto na madalas ay nababarat ng mga mamimili, mula sa halagang 400 pesos ay bumabagsak lamang ito sa halagang 100 pesos, walang maayos na pagdadalhan na merkado, kakulangan sa pag-iimbakan ng kanilang produkto at higit sa lahat ang seasonal na pagitan ng buwan ng July to September bilang peak season at mahina naman ang kanilang nakukuhang tuna mula sa buwan ng October hanggang February. Bukod sa kanilang hanapbuhay ay natitigil din ang kanilang pagkakakitaan. Bilang sagot inilahad ni G. Sanny Cortez program Officer ng Economic Section na dapat malaman kung ano ang mga plano ng kanilang samahan at dito nakabatay ang kanilang tagumpay. Hinikayat din niya ang samahan na maging isang kooperatiba at kanyang ipinadama ang kahalagahan nito.

Ipinaliwanag naman ni Mr. Antonio Manrique, CSO Desk Officer ang kahalagahan ng social preparation. Bukas palad na ipinaabot ng tanggapan na handa silang tumulong upang gabayan sila sa pagpaplano, pagpapalakas at maipaabot sa mga tanggapan ng pamahalaan at mga private partners na matugunan ang kanilang mga problemang kinahaharap lalo na sa merkado at alternatibong pagkakakitaan tuwing taglakas ang alon.

Dumalo din naman sa nasabing pagpupulong sila Mr. Alberto Catacutan, Demosthenes Raynera, Marvin Mercado at Primo Ruzol buhat sa tanggapan ng PGO-PACSEDU.

Basic GST, GAD Planning and Budgeting & HGDG Training/Workshop with LGU Mulanay | February 22-24, 2024

Basic GST, GAD Planning and Budgeting & HGDG Training/Workshop with LGU Mulanay | February 22-24, 2024

Inanyayahan ng lokal na pamahalaan ng Mulanay ang Quezon Provincial Gender and Development Office upang manguna at magbahagi sa isinagawang Gender Sensitivity Training at GAD Planning and Budgeting & HGDG Training/ Workshop sa Senior Citizen Hall, Mulanay, Quezon, Pebrero 22-24.

Nagbahagi ng kanilang kaalaman sa Gender Sensitivity Training sina Mr. Joel A. Andrey at Ms. Shannen A. Tierra, habang tinalakay naman ni Ms. Aira Mae Davila ang pagbuo at proseso ng GAD Planning & Budgeting.

AICS Payout for the Third District of Quezon | February 24, 2023

AICS Payout for the Third District of Quezon | February 24, 2023

Ang pagtugon at pagtulong sa bawat nangangailangang mamamayan sa ating lalawigan ay patuloy na pinagsusumikapang maibigay ng Pamahalaang Panlalawigan.

Ngayong araw ng Biyernes, Pebrero 24 naipamahagi ang tulong pinansyal para sa 314 na benepisyaryo ng programang AICS na nagmula sa mga bayan ng ikatlong distrito, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Treasurer’s Office (PTO).

Kasabay ring natanggap ng mga mamayan mula sa bayan ng Mauban (67), Lucban (42), Tiaong (99), at Candelaria ang nasabing tulong.